forty-four~~ Troy Casper and Channel Eris' wedding

984 19 0
                                    

Madison's POV

"Yeah!!!! Let's drink people!!!" Sigaw ni Daphne. Ang mga nandito lang mga ibang kaibigan ni Daphne at ako, si Ate Syrene at syempre ang bride na si Eris.

Bawal kasi ang boys dito kaya kami lang ang nandito at nagpapakasaya. Ang iba ay nagkwekwento sa mga buhay-buhay at ang iba naman ay tinutukso si Eris about sa honeymoon nila. Eto ako at nakikisabay lang sa usapan. Kahit na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito. Inom at upo lang ako.....wait nagsi-CR din ako.

"Madison...."

Napatingin ako kay Eris na umiinom lang ng juice. Ayaw niyang uminom ng alak dahil ayaw niyang mukhang sabog sa kasal niya bukas.

"Eris, alam mo ba ang ganda mo. Walang rason para hindi ka mahalin ng lubos ni Troy..."

"Naman, subukan niya lang. Malaki ang pinagbago ko noon pero ang pagmamahal ko sa kanya ay nanatili parin. Ay! Medyo nagbago pala, mas lalong nadagdagan yun...."

"Masaya ako para sayo"

"Masaya din ako sainyo ng kapatid ko. Kaya pala familiar ikaw sa akin kasi parehong university pala tayo at nakita ko minsan sa kwarto ni Eros ang litrato mo...yung lalaking yun talaga. Grabe lang siya.....nagtatago ng picture hahahaha"

Nakitawa nalang ako sa kaniya. Napatingin ako kay Daphne na nakayuko na. Napataas ang isa kong kilay at napatingin sa hawak niyang baso na nakatumba at nabuhos na ang laman.

Napailing ako sa nakikita ko. Mukhang lasing na ang party girl na pinsan nila. Magkakasing edad lang naman silang tatlo. Si Chase, Eris at Daphne.

Ibang university yata pumasok si Daphne kaya hindi ko siya kilala.

"So kamusta kayo ng kapatid ko, siguradong kayo naman ang susunod, yun pa ba?"

Ngumiti lang ako sa sinabi niya at napatingin sa hawak kong baso. Napatingin din ako sa ring finger ko na wala paring singsing. Napatingin ako kay Eris na bukas ay meron na yung kanya. Nakakainggit lang.....

Inubus ko na ang iniinum ko bago ko nilagay sa mesa ang baso. Tahimik na ang paligid na kanina ay sobrang ingay, tawa at usap. Pero ngayon ay tulog na siguro dahil sa alak. Kahit na si Ate Syrene na minsan lang uminom ay nakatulog na din.

Agad akong napatingin kay Eris nang hawakan niya ang kamay ko.

"Alagaan mo ang kapatid ko, pababy kasi yun. Kahit na lagi niyang pinapainit ang ulo ko kasama ang pusa niya ay mahal ko yun. Syempre kapatid ko siya, kakambal ko siya"

Ngumiti ako sa kanya at tumango...

"At saka kung may ginawa siyang kalokohan ay sa akin mo muna sabihin bago kay mama kasi iba magalit si mama. Naglalabas siya ng baril hahahaha"

"Totoong dating--"

"Yup! Mas takot pa kami kaysa kay papa. Pati rin naman si papa takot kay mama. Isip-bata rin naman yang si mama noon, nung nakilala niya si papa, pero medyo daw nagbago si mama ng mamatay sina lolo at lola. Yung mga magulang ni mama. Ayon sa kwento ni papa ay namatay sila sa harapan mismo ni mama. Nakita niya daw itong pinagbabaril..."

Ahad akong nakaramdam ng awa sa mama nila. Grabe pala ang pinagdaanan nito sa buhay.

"Pero ngayon ay ok na si mama. Masaya siya nung naging sila ni papa at lalo na nung dumating na kami sa buhay niya...."

"Well...iba talaga kapag umiibig, napagbabago ka nito, parang ikaw, dati ang cold mo. Pero ngayon heto ka, naging sikat na modelo at ikakasal na...."

"Kahit ikaw din naman yata. Pati na ang kambal ko. Alam mo bang parang underwear niya lang ang mga babae. Madaling palitan pagkatapos magamit. Certified playboy yun, pero heto siya at naging kayo. Naging seryoso siya sa buhay at masaya ako para doon..."

Ngumiti nalang ako sa mga sinasabi niya. Nag-usap lang kami magdamag hanggang sa napagdesisyunan na naming matulog.

*********

"You may now kiss the bride..."

Napuno ng ingay ng palakpakan ang buong simbahan. Lalong lumakas iyun ng halikan na ni Troy si Eris. Isa ako sa malakas na pumapalakpak. Nakangiting pinunasan ko ang luhang bigla nalang bumagsak sa pisnge ko. Ang saya ko talaga para sa kanila.

Napatingin ako kay Chase na iba ang ngiti. Nakangiti siya at namumula ang mata. Iba talaga ang feeling siguro kapag kapamilya mo talaga amg kinasal, lalo naman kay Chase na kakambal niya ito.

Nang matapos ang kasal ay dumeretso na kami sa reception. Halos lahat ay kinu-congratulate sina Troy at Eris. At nung hiniwa nila ang cake at nagsubuan ay nagpalakpakan ang lahat at napatawa lalo ng pinahiran ni Eris si Troy ng icing sa pisnge nito.

Halos lahat nang kapamilya at kaibigan ay nagbigay ng mga mensahe kila Troy at Eris. At nang ako na ay hindi gaano karami dahil nag-usap na kami ni Eris, halos karamihan ay kay Troy.

Nung gabi kasi ay sa sobrang dami naming napag-usapan ay nagbigay na ako ng mensahe kay Eris at sinabing advance message ko na sa kanya.

Napatingin ako kay Chase na puro habilin kay Troy ang sinabi. Napapatawa ang lahat nang magawa niyang pang magbiro.

Kahit na si Jacob ay umiiyak habang nagbibigay ng mensahe kay Eris dahil si Eris ang nakatagpo kay Jacob. Halos ang daming umiyak din sa mga sinabi ni Jacob. Kahit na si Eris ay napaiyak at tumayo at lumapit kay Jacob at niyakap ito. Napuno ng palakpakan, nagsalita din sina Troy at Eris. Puro pasasalamat ang pinagsasabi nila.

Nang natapos ang event at nagsiuwian na ang lahat ay nagtatakang napatingin ako sa wedding organizer. Agad ko itong nilapitan. Wala na rin pala dito sina Troy at Eris dahil umalis na sila at pumunta sa honeymoon nila. Mukhang nagmamadali ang dalawa hahahaa...

"Bakit walang naganap na tinapon yung flower. Bakit walang ganun..."

"Ay ma'am! Muntik ko nang makalimutan. Si Mrs. Montemayor po ang nagsabi na wag daw at..."

May kinuha yung babae at napalaki ang mata ko ng makita kong bulaklak iyun ng bride.

"Ibigay ko daw sa inyo.." sabi nito ng nakangiti at agad na tumulong sa mga nag-aayos.

Napatingin ako sa bulaklak at agad kong hinanap si Chase....

Bakit hindi ko siya makita??

.....

...

..

CS3: My Playful ExHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin