eighteen~~being annoyed

1.1K 26 0
                                    

Madison's POV

"Yun ba ang gusto mo Maddie--son?"

"Oo...nakakaistorbo ka ng trabaho ko Cha--Mr.Johnson..."

"Sige....bye na pala...."

"Gehh..." hindi ako sa kanya nakatingin kundi sa laptop ....

Nang wala na akong masyadong naririnig na ingay ay baka umalis na si Chase...

Kaya dahan-dahan akong tumingin. Agad akong napatayo at yumuko..

"Good morning sir..."

"Hmmmmm.... oo nga pala, ipapakilala ko sayo ang kaibigan ko Madison, siya si Eros Chase Johnson kabarkada ko classmate ko pa sa university noon, teka.....oo nga pala ..tayong tatlo pala ay magkakapareho lang na university na pinasukan...."

"Hahaha..gayun ba?"

Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi ni Chase....ahh talagang painosente din eto ahhhhh....

"Ohh siya ikaw na bahala kay Eros....may pupuntahan lang ako..."

Nawala na sa harapin namin si Sir at kami nalang ulit ni Chase ang nandito.Agad akong napatingin kay Chase na nakangisi lang......So magkakilala pala sila at magkaklase. Siya ba yung laging kasama ni Chase noon...

"Akala ko ba ay umalis ka na?"

"Hmmm.....hindi pa, paalis na..."

"Teka, magkakilala kayo ni Sir Troy..."

"Oo naman....si Casper pa ba--"

"Casper??..."

"Oo.."

Siya nga, yung nakakasama ni Chase, yung lagi niyang katabi sa bench...

"Umalis ka na..."

Ngumiti lang siya sa akin at lumakad ng paalis.Bumalik na ako sa trabaho pero bago siya makaalis ay napatingin pa ako ng saglit kay Chase na ngayo'y nakalabas na sa building.....


********

"Ganyan nga, nakuha mo naman na..."

"Salamat Ate!!!!"

"Oh siya magluluto na ako ng hapunan natin....tulungan mo nalang si mama na magtupi ng mga damit, teka nga nasaan si papa--"

"Nasa likod, binabantayan niya yung mga pananim niya....."

Tumayo na ako sa mesa at sinimulan ng magluto.Nakakamiss din pala ang pagiging chef noon.Na kahit mas malaki ang sweldo ko sa kompanya ni Sir Troy ay ang gusto ko talaga ay ang pagluluto....

Nilabas ko na ang lahat ng lulutuin at nagsimula ng manghiwa...

Napatingin ako sa mga bulaklak na pinapakialaman ni Anna,siguradong idadagdag niya yun sa garden niya.

Naalala ko pa kung paano tumingin sa mga bulaklak na iyun si Chase.Well.... parang may kung anong emosyon na nakikita ko sa mga mata niya pero sorry nalang siya dahil tapos na ako sa kanya......

'Tuturuan mo ako magluto diba....'


Napatingin ako sa paligid, nandito ba si Chase at bakit naririnig ko siya o baka sa isipan ko lang.....

Napatingin ako sa mga hinihiwa ko. Natatandaan ko pa noon nung gusto niyang matutong magluto dahil nagseselos siya kay Zero na marunong magluto.....

Napatawa ako sa naisip ko...

Pero agad ko iyung tinigil, bakit ko siya naaalala??, bakit ko siya iniisip??

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now