thirty-four~~ explanation

823 19 0
                                    

Madison's POV

Napatingin ako sa mismong pintuan ng apartment niya. Nagmadali pa akong nakapunta dito dahil sa mga sinabi ni Zero. Tama nga siya.... Naghihintayan lang kami. Siguro ito na yung panahon na bibigyan ko na siya ng chance. Hahayaan ko siyang magpaliwanag sa lahat. Baka mali rin ako, baka nagkamali lang din ako....

Agad akong kumatok sa pinto. Ilang beses akong kumatok pero wala parin. Nandito ba siya?

Ilang minuto pa ay wala pa din. Kaya nilakasan ko na ang mga katok. Pero wala pa rin, baka nandoon siya sa bahay nila. Agad na akong lumakad pero bago pa ako makalayo ay narinig kong bumakas ang pinto kaya agad akong lumingon ...

"M-Maddie..."

Napatingin ako sa itsura niya na mukhang bagong gising lang. Kinukusot-kusot pa nito ang mata niya at medyo humikab pa...

"Bakit ang tagal mong buksan yung pinto?."

Kahit na alam ko naman kung bakit, gusto ko ang marinig sa kanya..

"H-Hindi ko kasi narinig yung iba mong mga katok kasi natutulog ako..."

"Talaga..."

"Oo--teka.."

Agad na akong pumasok sa loob ng apartment niya. Napatingin ako sa kama niya na kita lang dito na magulo iyun.

"Magto-toothbrush lang ako..."

Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa buong paligid. Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto na alam kong yun ang CR.

Agad akong lumapit sa kusina na malinis naman. Parang yung time na nandito ako na nilinis ko ito ay gayun parin, walang nagbago....

"Maddie...."

Napatingin ako kay Chase na maayos na ang itsura. Agad akong umupo sa sofa niya at tumingin sa kanya....

"Explain........everything "

Nakita ko ang gulat na may halong saya sa itsura niya. Kaya agad niyang hinila ang isang sofa sa gilid at nilagay yun sa harap ko.

Ngayong magkaharap kami ay tumingin siya sa mga mata ko.

"Alam ko nang maganda yang mga mata ko, ngayon ay magpaliwanag ka na...binibigyan na kita ng chance kaya gawin mo na..."

"Yung nakita mo na picture sa akin na nakapost ay totoo yun, may bibilhin sana ako para sayo ng makita ko doon si Denise.."

Agad akong napapikit at napayuko. Ang marinig ang pangalan ng babaeng iyun ay nagbigay sa akin ng sakit.

" lagi siyang sumusunod sa akin, lagi ko naman siyang tinataboy pero lagi parin siyang dumidikit....kaya wala na akong magawa kundi hayaan na siya. Basta ang akin lang naman noon ay wala akong ginawang mali, ginawa ko ang lahat para mapaalis siya pero ganun parin lagi siyang sumusunod....."

"Y-Yung sa dating mong apartment....ano yun.."

"Gaya nga ng sabi ko sayo kanina na may binili ako, bumili ako ng mga lulutuin. Kasi para kung sakaling pumunta ka doon ay may lulutuin tayo, matuturuan mo pa ako....nung bumukas yung pinto ay akala ko ikaw na yun pero hindi, si Denise parin yun. Sinundan niya ako papunta sa apartment ko. Pinapaalis ko na siya pero ayaw parin niya. Agad niyang hinablot ang cellphone ko at may ginawang kung ano doon, hindi niya paring binibigay sa akin kahit hanggang ngayon ay nandoon parin..."

"Nasa kanya ang cellphone mo hanggang ngayon.."

"Oo nasa kanya parin, nakaupo nalang siya sa sofa doon at may ginagawa sa cellphone niya. Kaya hinayaan ko nalang din at pinapatuloy ang inaayos ko. Nang matapos ko na yun ay napatingin ako sa kanya na ginugulo ang kama ko. Kaya agad akong lumapit sa kanya at sinaway ko siya dahil ayaw kong may gumugulo sa mga gamit ko, gusto kong maging maayos lahat. Pero hindi ko aakalain na hahalikan niya ako at hinila niya ako pabagsak sa kama... Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Hinihiwalay ko siya sa akin pero nakakapit siya ng husto....yun ang nakita mong eksena ng dumating ka. Kung iisipin mo na yung ginawa ko na hinawakan ko siya sa magkabilang braso ay para ngang ako yung nag-alok ng halik pero hindi. Inaalis ko siya....pero huli na para doom..."

Napatingin siya sa akin pagkatapos ng mahaba niyang sinabi. Agad siyang lumapit sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"A-Ang haba ng panahong lumipas Chase, bakit hindi mo na sinabi sa akin, bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat? Alam mong may mali sa lahat pero bakit nanahimik ka? Bakit mo hinayaang masaktan ako sa mga nangyari huh?! Bakit mo hinayaang isipin ang pagkakamaling iyun?!"

"Dahil ayaw kong makita kitang nasasaktan, tuwing gusto kitang lapitan ay nakikita kitang umiiyak.."

"Bakit mo hinayaan ang lahat?! Hinayaan mong sundan-sundan ka ni Denise, hinayaan mong kunin niya yung cellphone mo, HINAYAAN MO AKONG MASAKTAN NG GANITO!!"

"s-sorry kung hinayaan ko ang lahat, sinusubukan ko naman ang lahat Maddie, pero nagsisimula ka na sa buhay. Lagi akong nakabantay sayo.... sa lahat ng kilos mo ay nandoon lang ako sa likod mo. Sa pag-angat mo sa buhay ay nakamasid lang ako sayo. Balak kong bumalik sayo pero baka masira ko lang ang lahat, ayaw kong mangyari iyun kaya hinayaan kita sa lahat......Nagkasakit ang papa mo, alam ko yun. Yung naghahanap ka ng trabaho, alam ko rin yun. Kahit palihim ay tinutulungan kita sa lahat.."

"I-Ikaw ba ang may gawa nun, nung binigay kong pera sa doctor na yun ay tinanggap niya, may ginawa ka bang--"

"Oo, binayaran ko na yun....."

"B-Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin...ikaw ba yung taong nagrecommend sa akin na magtrabaho sa kompanya iyun....."

Tango lang ang ginawa niya. Agad akong napatakip ng mukha. Sa simula pa lang ay tinutulungan niya na ako. Kahit hanggang ngayon ay nandoon parin siya....


Naramdaman kong niyakap niya ako kaya hinayaan ko nalang din siya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin Chase.." sabi ko ng tumigil na ako sa pag-iyak.

"Dahil alam kong malaki ang galit mo sa akin noon, pag lumapit ako sayo at sinabi ko iyun ay hindi mo tatanggapin kaya nilihim ko nalang, sa daming dumating na problema sainyo ay ayaw kong dumagdag kaya gagabayan nalang kita sa pag-angat mo sa buhay.....lagi lang akong nasa tabi mo kahit hindi mo nakikita...."

Sa buong buhay ko ay akala ko ay mag-isa ko lang ginawa ang lahat, hindi pala.....nandoon siya.....nandoon lang siya sa tabi ko.....palagi.

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now