twenty-six~~ his family

941 24 0
                                    

Madison's POV

Oh My God.....

Napatingin ako sa kanilang pareho na patuloy paring tumatawa.

"S-Sorry po, akala ko po kapatid niyo po siya at boyfriend niyo po siya....sorry po"

Kulang nalang ay lumuhod pa ako sa kanila na patuloy paring tumatawa na minsan ay nakakaasar na din ahhh

Napatingin ako kay Chase na palapit na dito at may kunot sa noo.

"Ma, Pa, pinatatawanan niyo siya...wag"

"Ok, ok, nakakatawa lang kasi siya palang ang nagsasabi nun, tignan mo nga Eros, mukhang ang babata pa namin...."

Nakita kong napahawak sa sentido si Chase at napailing nalang sa sinabi ng magulang.

Agad akong tumayo at lumapit kay Chase.Nilahad ko anh kamay ko sa kanya.

"Ano yan? Pera?"

"Loko hindi! Balik mo na yung cellphone ko, marami akong mga importanteng contacts doon...."

"Ayo--Awww ma!"

"Ay! Eros, kailan ka naming tinuruan na kumuha ng mga bagay na hindi sayo..."

Napahawak sa ulo at kinamot-kamot yun.Binatukan kasi siya ng mama niya.Nakakatawa silang tignan....
Agad namang tumingin sa akin si Chase at agad itong nagsalita..

"Huwag ka ngang ngingiti-ngiti diyan--Aww papa tignan mo si mama ohh"

"Kailan din kitang tinuruan na ganyan mangtrato ng babae huh?!....baka gusto mong--"

Agad akong hinawakan ni Chase sa braso at ako pa talaga ang ginawang shield sa magulang niya.Napatingin nalang ako sa kisame at bumuntong hininga...

"So nagtatago ka na ngayon sa babae Eros!"

"Ma sorry na"

"Tskk....Madison, dito ka na kumain ng dinner ahhh"

"Pero po kailangan ko po---"

"Dito na.."

Hindi na ako makapagsalita pa na parang tinapos niya na ang usapan sa pamamagitan ng nakangiti pero nakakatakot na itsura...

Dati ang usap-usapan noon sa university na pinasukan ko dati ay walang umaaway sa kambal dahil kalat ang usapang isang Mafia ang magulang nito....

Ngayon sa tingin ko ay parang hindi na parang oo...ewan ba?"

Napatingin ako kay Chase at sinenyasan ako na sa pag-uwi ko nalang ibibigay ang cellphone ko.Pero kailangan ko silang itext na late na ako makakauwi at mauna na silang kumain at matulog na....

Agad ko iyung sinabi kay Chase at nagthumbs-up lang siya na parang tapos niya ng ginawa iyun.

"Ate!!!!"

Napatingin ako sa batang may hawak ng pusa.Napangiti ako at agad ko silang nilapitan....

"Hi Jacob at hi Alice.."

*meow*

"Ahhh kilala mo na pala sila Madison?"

Rinig kong sabi ng mama ni Chase...

"Opo, pinakilala mo sa akin ni Chase--Eros"

"Ok lang kung anong tawag mo sa kanya, maiintindihan ko naman, kahit tawagin mo siyang hayop o ano man ay OK lang"

"Ma, narinig ko yun...."

Tumawa nalang kaming pareho ng mama ni Chase na inaayos ang mga pagkain.Gusto ko sanang tumulong pero ayaw ng mama ni Chase dahil bisita daw ako. Hindi na ako tumutol pa dahil baka sa iba na humantong ang usapan....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now