four~~ (past 4) being together

1.2K 22 0
                                    

Chase's POV

"Oy! Sinong tinitignan mo diyan?"

"Doon ka nga!!"

"Asusss baka yung babaeng yun"

Tinuro niya si Madison.Nakatingin na din si Casper kay Madison.Loko toh ahhh...

Agad ko siyang tinulak dahil kung makatingin naman siya ay parang hinuhubaran na.

"Doon ka na....maraming bench dito kaya maghanap ka at saka nakita kita, binubuwisit mo na naman ang kakambal ko ahhh"

"Hahaha....nakakatuwa nga ehh, pero hindi niya ako pinapansin pero ok lang, mukhang challenging..."

"Eto pang anh masasabi ko sayo Casper, kapag pinagloloko mo lang ang kapatid ko ay bubugbugin kita, wala akong pake kung kaibigan kita o barkada mo sina Kuya Black, talagang matatamaan kansa akin...."

Tumawa lang siya sa mahaba kong sinabi.Kaya agad ko siya binatukan.
Napatingin ako sa suot niya.

"Ano yan?"

Turo ko sa nakasabit sa leeg niya..

"Ahh eto ba?...camera toh noh...."

"Ahhh.....kaya pala..."

Walang paalam na kinuha ko yun sa leeg niya.Na agad na mang nireklamo.

"Ano ba? Pwede mo namang sabihin na hihiramin mo, masira pa yan ehhh original yan.Regalo pa yan sa akin nung bata pa ako...."

"Hihiramin ko lang sandali"

Agad ko nang ginamit yun.Napatingin muna ako kay Casper na iba na ang tingin.Nakatingin lang siya sa dumaan kong kakambal.Agad kong tinutok kay Madison ang camera.Busy siya sa kausap niyang mga babae....

Hindi siya nakatingin dito pero nakaharap siya.Agad kong zinoom para makita ko pa siya ng malapitan.Nakangiti lang siya sa mga kausap niya.Saktong sa pagpindut ko ay napatingin siya sa akin at nakangiti pa.

Napatingin ako sa kuha ko na isa na yata sa pinakamagandang kuha ko.Napatingin ako kay Madison na mukhang nailang sa nangyari kaya binalik na lang ang atensyon sa mga kausap niya.

Nilabas ko ang cellphone ko at pati narin connector para mapasa sa cellphone ko.Nang mapasa na yun ay agad kong dinelete ang picture ni Madison sa camera ni Casper, baka kung ano-ano ang gawin niya.....

Napatingin ako sa cellphone ko na nandoon na ang picture ni Madison. Zinoom ko ang part ng mata niya.Kitang-kita ko ang silver niyang mata. Rare ang kulay ng mata niya sa mundo kaya ang swerte ko dahil nakakita ako ng ganuung kulay sa personal...

"Ayy!!!" Nabigla ako ng bigla nalang sumigaw si Casper.Malapit pa talaga sa tainga ko.

"Kaya pala hiniram ang camera ko kasi pinicturan si Maskeodnfone--"

Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil ang lakas ng boses niya. Napatingin na halos sa amin ang mga ilang estudyante sa amin.

"Ano ka ba?! " sabi niya ng maalis niya ang kamay ko sa bibig niya.Tumayo na ako sa bench naglakad na pabalik sa room ko.Napadaan ako sa mga nagkwekwentuhan na puro babae.Isa na doon si Madison....

"Hi Eros!"

"Ang gwapo mo!"

"Pwede bang ikaw na lang ang jowa ko!"

"Erossss!!!"

Ngumiti nalang ako sa kanila pero ang atensyon ko ay sa isang babae lang na nakatingin lang sa akin.Walang salitang lumabas sa bibig niya di tulad sa mga kausap niya.....

"Hi..." yun lang ang sinabi ko pero wala siyang sinabi pabalik kundi ngiti lang.Napangiti na lang din ako....

Narinig kong tumili pa yung mga ibang niyang kausap na babae pero wala akong pake dahil nasa kanya ang atensyon, hindi sa kanila...

Dumaan ang mga ilang araw na niyaya ko siya na samahan ako na bumili ng mga gamit ko para sa kwarto ko.Pero ang totoo ay para makasama lang siya.Hindi ako ganito sa ibang mga babae.....sa kanya lang....

"So....ano ba ang pusa mo ?"

"May balahibo at kuko..." Napatingin siya sa akin na parang gusto akong ilubog sa lupa na kinatawa ko nalang.

Ganun lang ang gawain ko sa mga weekends.Kasama siya at siya naman ay umoo lang.Parang nagiging malapit na siya sa akin.At masaya akong malaman yun.....

Hanggang sa sinabihan ko siya ng.....

"Madison.....pwede ba kitang ligawan?"

















Madison's POV

"Madison.....pwede ba kitang ligawan?"

Napatingin ako sa kanya agad.Bigla niya nalang sinabi sa akin yun habang naglalakad kami sa park.Lagi niya ako niyayaya.Pero mga ganitong lunch lang ako pumapayag dahil kailangan kong tumulong sa gawaing bahay at kay mama sa pagtitinda.

Ang nakakatuwa minsan ay tumutulong si Chase kaya mabilis nauubos ang paninda ni mama. Magtawag lang siya ay agad nang pupuntahan ang tindahan ni mama....karamihan ay puro babae na nakakairita.....

Pero itong sinasabi niya ngayon ang pinaka-nakakabigla.Ang sabihan niya nga lang na samahan ko siya ay nabibigla na ako....Eto pa kayang liligawan niya ako.

Pero ang sabi ng iba kapag nagkarelasiyon ka na ay baka marami akong mapabayaan.

Kung umoo ako sa liligawan niya ako ay alam kong magiging kami sa huli dahil marupok ako sa kanya..

Napapa-oo niya nga lang ako na samahan siya....

Mabilis magresponse ang isip ko kapag siya.Hindi normal sa akin ang ganitong feeling....

Dahil marupok ako ay umoo ako sa kanya.Naging balita na iyon sa university...

Na ako pa lang daw ang niligawan ni Chase dahil ang mga past girlfriend niya ay hindi niya daw niligawan dahil sabihan lang daw niya na 'girlfriend na kita' ay sila na.....pero hindi ako ganuun....

Maghirap muna siya, titignan ko kung hanggang saan ang makakaya niya....

Ayaw ko sa lahat ay yung manloloko dahil marami na akong kaibigan na umiiyak sa harapan ko dahil niloko sila....

Ayaw ko na maranasan yun kaya maingat ako.Pero bakit kay Chase ay handa akong sumugal....pero hindi.Alam kong marupok ako sa kanya pero hindi ako desperada....

Ilang linggo pa ang lumipas ay ganuun parin.Lagi ko siyang nakakasama, pero hindi ko namemeet ang pamilya niya o ang kakambal niya.Well, nakakasalubong ko naman pero hindi ko pa nakikita ang mukha niya.Lagi kasing nakayuko o natatakpan ng buhok niya ang mukha..
Hindi ang mga friends niya.....

Pero si Chase ay nameet na ang magulang ko, boto sina mama at Anna kay Chase pero si papa ang hindi...Masyado pa daw maaga, pero paano kung sinagot ko na siya..

Sa mga araw na dumaan ay unti-unting nahuhulog na ang loob ko.Lagi ko siyang kasama sa university.

Dahil lagi ko siyang kasama ay hindi maiiwasang marami akong makuhang threats pero OK lang...

Basta't kasama ko siya ay OK lang.Isa na siya ang inspiration ko para makatapos at isa na siya sa pangarap ko.....

CS3: My Playful ExWo Geschichten leben. Entdecke jetzt