ten~~ (past 10) LQ

891 19 0
                                    

Madison's POV

Nang makita kong aatake ulit si Chase ay agad akong lumapit sa pagitan nang dalawa.

"Please tama na.....tama na..."

Napatingin ako kay Chase na binaba na ang kamao at kay Zero na duguan ang ilong. Agad akong kumuha ng panyo sa bag at ibinigay kay Zero dahil patuloy parin ang pagdugo...

"Madison tara na..." seryosong sabi ni Chase dahil tinulungan ko sa pag-upo si Zero.

"Ano bang problema Chase.Inabot niya lang sa akin ang cellphone ko.Bakit ka agad nanununtok..."

"Madison tara na!"

"Hindi....hindi ko na maintindihan ang nangyayari sayo Chase..."

Tumayo na ako at lumapit kay Chase.Halos ilang metro lang ang layo niya sa akin.

"Alam kong may gusto yang Montenegro sayo!"

"Pero hindi yun dahilan para manakit ka..."

"Anong gusto mong gawin ko.Na hahayaan ko nalang siya.Hahayaan mo nalang na patuloy siyang ganun"

"Chase alam niya na, na boyfriend na kita...."

"Hindi parin yun sapat, magresign ka"

"Hindi.....ano bang nangyayari sayo?" Seryosong sabi ko.Wala na akong paki kong makakuha na kami ng mga atensyon ng mga kumakain at mga ilang tao sa kalsada.

"Alam mo kong bakit Madison!! Alam mo!"

Magsasabi pa sana ako ng tumalikod siya at dumeretso sa kotse.Nang pinaandar niya yun ay agad akong lumapit palapit sa kotse pero huli na nang umalis na yun.

Napayuko nalang ako sa nangyari. Huminga ako ng malalim at lumapit kay Zero na pinupunasan ang mga dugong nagkalat sa ilong niya.

" pasensya na Zero, kakausapin ko nalang siya. Ngayon lang siyang naging ganun.Sorry talaga....hintayin mo ako dito kasi bibili ako ng gamot..."

"No....ok lang ako...naiintindihan ko siya.Kung ako sayo ay uuwi nalang ako.Umuwi ka na Madison dahil anong oras na ohhhh....palamigin mo lang ang ulo niya...."

Tumango nalang ako at tumayo na at nagpara nang tricycle.Kinawayan ko si Zero at nang umaandar na ang tricycle ay inisip ko kung ano na ang nangyayari kay Chase.

Nagwalk-out siya at hindi ko alam kong paano siya susuyuin pero sabi ni Zero ay hayaan ko muna.Lalamig din ang ulo niya.

Napahawak nalang ako sa batok at bumuntong hininga.Nakakastress.....

Nang makarating ako sa bahay ay nagbayad na ako ng pamasahe at agad nang bumaba sa tricycle.Agad namang sumalubong sa akin si Anna at parang ang lungkot niya yata...

"Ohh bakit nakabusangot ka diyan?"

"Nasaan si kuya!!"

Ahhh...si Chase pala ang hanap.

"Ammm...marami kasi siyang gagawin doon sa bahay niya. Marami siyang ginagawa kaya hindi niya ako sinundo at saka sinabi niya naman sa akin"

Wala akong maisip na dahilan.Alam kong may LQ kami, hindi ko naman pwedeng sabihin lang agad iyun sa kanila...

*******

Dalawang araw na ang lumipas o tatlo na pala pero hindi ko pa nakikita si Chase. Nagtatanong na sa akin si Anna pati narin sina mama...ang dahilan ko lang ay busy siya....sana nga ganun nalang pero alam kong hindi...

Hindi ko naman alam ang bahay niya.Wala akong alam na tinutuluyan niya kundi ang bahay niya lang at hindi ko naman alam.Hindi ko kasi natatanong at busy ako sa trabaho.Na dapat pala ay inalam ko.

Ngayon ay hindi ko na talaga alam.

Malungkot akong pumasok sa trabaho. Na kahit ang mga katrabaho ko ay ramdam yun.Tinatanong nila ako kung OK ba ako o may sakit ako pero tango lang at iling lang ang sagot ko.Ang may alam lang nang pinagdadaanan ko ay si Zero na lumapit sa akin at kinamusta ako.....

"Hindi parin ba siya nagpapakita sayo?"

Tango lang ang bigay ko sa kanya.Wala akong gana talaga pero dahil kailangan kong magtrabaho ay sinusubukan kong gawin ang trabaho ko nnag maayos at hindi ko muna masyadong iniisip ang tungkol sa amin ni Chase dahil baka maapektuhan ang ginagawa ko....

Tinapik nalang ako ni Zero sa balikat at pumunta na sa pwesto niya at simulan na ang pagluluto.

Namimiss ko na siya kahit pangatlong araw palang na hindi kami nagkikita o nag-uusap man lang.Lagi kasi unattended ang phone tapos walang reply....

Lagi ako pinapasaya ni Zero sa pagluluto gaya nalang na nadudulas siya o gumagawa siya ng mga bagay sa pagkain tapos ilalagay niya sa mukha niya.

Napapangiti ako doon pero iba kapag kay Chase kasi. Iba kasi siya ang gusto ko....

"Ok lang yan Madison...isipin mo nalang na nagpapasuyo lang siya sayo.Siguro nagtampo kasi ako yung nilapitan mo nung nag-away kami"

"Kasi may mali siya doon"

"Kahit na, nakakababa ng ego ng isang lalaki yun kahit na mali siya sa part na yun, siya ang boyfriend mo kaya siya ang intindihin mo"

"Nagtext na ako sa kanya at tumawag pero walang response....hindi ko naman alam kung saan siya nakatira at wala akong alam na iba niyang matutuluyan.Hindi siya active sa fb at kahit sa instagram ay wala din..."

"Hayaan mo muna...babalik din yun.Hindi ka rin niya matiis....sige na at may lulutuin ulit tayo"

Tumango nalang ako at pinagpapatuloy ang paghihiwa... Napatingin ako sa phone ko na nabukas kaya nakikita ko ang wallpaper ko na kaming dalawa.

Nakayakap siya sa likod ko at siya rin ang may hawak ng cellphone. Nakangiti kaming dalawa sa picture, sobrang saya namin diyan pero ngayon ay hindi ko alam......

Tinapos ko nalang ang niluluto ko.Kailangan kong mag-isip ng magagandang memories namin para maging masarap ang luto ko.Baka mag-iba ang lasa...minsan kasi kung ano nang nararamdaman ko ay nakikita at nalalasahan sa niluluto ko at ayoko ng ganun....

Natapos ang araw na wala talaga akong gana pero maayos naman ang niluluto ko.Inayos ko na ang gamit ko sa locker.Sinabihan ako ni Zero na siya na daw maghatid sabakin pero hinindian ko kasi baka nandito na si Chase o susunduin niya ako o baka umabot kay Chase na hinatid niya ako at mas tatagal pa ulit ....

Pero ang sinabi kong susunduin niya ako ay hindi dahil wala ang kotse niyang nakapark doon sa lagi niyang kinalalagyan.....Malungkot akong naglakad paalis sa backdoor....




"Lungkot mo yata...."


Agad akong napatingin sa likod ko at nandoon nakasandal sa pader si Chase. Nakatingin lang siya sa akin....Hindi ko alam na nagbagsakan na ang mga luha sa aking mga mata kaya agad siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit na agad ko ring binalik ang yakap..... Namiss ko siya ng husto.....

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon