nine~~ (past 9) jealous

980 20 0
                                    

Madison's POV

Nasa harap na kami ng bahay ko.Alam kong masama ang loob sa akin ni Chase.Ramdam ko naman yun sa kanya dahil simula ng umalis kami sa restaurant ay hindi niya ako kinausap.Hindi ko naman siya masisisi dahil hindi ko sinabi kay Zero at hindi alam ni Chase na yun ang alam ni Zero.


"Chase......"


"......"


"Chase naman ohhhh...."


"......."

"Sorry kasi hindi ko sinabi sa kanya.Sasabihin ko naman talaga pero busy ako at saka alam mong wala siya doon nung pumunta ka.Matagal pa bago siya dumating at nung dumating siya ay naging busy na ako sa pagluluto....."


"......"


"Kausapin mo naman ako.Hindi kasi ako sanay na tahimik ka ehhhh"

"Ayaw kong makitang magkasama kayo"

"Magkasama lang kami sa trabaho pero dito sa labas ay hindi.Ikaw lang ang kasama ko...."


"Maghanap tayo ng ibang restaurant..."


"Hindi pwede Chase....alam mong maganda na ang trabaho ko doon.Naging specialty ang ginawa kong pagkain doon.Maganda na ang lagay ko doon.Kung yung sa pagbibigay niya ay hindi ko tatanggapin.At saka sa tingin ko ay hindi niya na ako guguluhin pa kasi alam niya na, na may boyfriend na ako at ikaw yun....."


Napatingin siya sa akin.Parang nakahinga ako ng maluwag ng mapatingin siya sa akin.Nag-uusap kaming dalawa pero nasa manibela lang ang tingin niya.


Kita ko parin sa itsura niya na gusto parin niyang umalis ako doon.


"Chase...." lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa pisnge ng dalawa kong kamay.

"Kung papairalin natin ang patungkol sa kanya ay mababaliwala ang lahat. May tiwala ka ba sa akin?"

Marahan siyang tumango na ikinangiti ko.


"Then hahayaan mo ako.Ginagawa ko ito dahil sa pamilya ko...."

Lumabi siya sa sinabi ko.

"Hindi ako kasama..." matampong sabi niya na ikinatawa ko.


"Syempre pamilya na kita...."


"So tingin mo sa akin ay pamilya mo....bilang kapatid?"

"Hindi ahhh....syempre boyfriend kita.At kung titignan kita bilang pamilya ko ay icoconsider kita bilang asawa...."

Napangiti siya sa sinabi ko na ikinaluwag ng loob ko....

Pero biglang sumeryoso ang itsura niya at hinawakan natin ako sa pisnge.

"Ayaw ko paring nakikitang magkasama kayo pero dahil may tiwala ako sayo ay sige.....magkasama lang kayo sa trabaho pero yun lang.."


"Opo...."

"Tandaan mo ito ahhhh....."


"Opo...."


"Alam mo bang nagseselos ako...."

Napatingin agad ako sa kanya.Kita nga sa itsura niya.


"Pareho kayong magaling sa iisang bagay na sana ay ako rin pero hindi...."


"Gusto mo turuan kitang magluto....."

"Tuturuan mo ako?..."


"Naman...."

"Sige...."


"Sige na pala...kanina pa tayo nandito, gusto mo munang kumain sa bahay..."

"Gusto ko sana pero may pag-uusapan kami ni papa na patungkol sa inaalok niya sa akin sa kompanya niya....."



"Ahhhh.....sige pala..."

Lalabas na sana ako ng hawakan niya ako sa braso.Napatingin ako sa kanya at tinignan ko siya na nagsasabi ng 'bakit?'

Ilang segundo lang ay pumasok na sa isip ko ang gusti niyang sabihin kaya agad akong bumalik sa pwesto ko at agad siyang hinalikan.

Smack lang sana pero hinawakan niya ako sa batok kaya lumalim ang halik niya sa akin.Napahawak nalang ako sa braso niya at nakisabay sa halik na pinagsasaluhan namin.

Kinakapusan kami ng hininga ng maghiwalay ang mga labi namin.

Nagpaalam na ako sa kanya bago ako lumabas sa kotse niya.Bumusina siya bago siya umalis.Kumaway nalang ako sa kanya.Nang makalayo na siya at mawala na sa paningin ko ay pumasok na ako sa bahay namin.

Iniisip ko kung paano ko haharapin si Zero bukas......



**********


Nagtext sa akin si Chase na hindi niya ako mahahatid sa restaurant kasi sinamahan niya ang papa niya.

Ok lang naman sa akin kasi papa niya yun at saka mas ok na ganito lang kasi nahihiya narin ako kay Chase.


Nasa backdoor na ako.Dahan-dahan ko yung binuksan at naririnig ko na ang mga kalansing ng sandok na may hinahalo.Sa tingin ko ay maagang pumasok si Zero.Kaya pumasok na ako loob at dumeretso ako sa locker.Pinasok ko ang bag ko at kinuha ang damit doon at pumasok sa CR.


Nang makaayos na ako ay lumabas na ako at tinignan kong ano ang lulutuin ngayon.Nakaka-ilang kasi nasa likod ko lang siya.Parehong busy sa pagluluto.


Ganuun lang ang setting namin. Nagluluto lang at walang salitaan.

Nagmagla-lunch na ay nagtext sa akin si Chase na susunduin niya ako kaya nagreply ako na 'sige' na may kasamang heart emoticon....

Ilang oras na ang lumipas at hindi ko na kinaya ang katahimikan ay lumapit na ako sa kanya.

"Zero....alam kong galit ka sa akin kasi hindi ko sinabi sayo na--"

"Naiintindihan ko....nalulungkot lang ako kasi may boyfriend ka na.Eto ang unang beses na naunahan na pala ako....hindi ko gusto na may boyfriend ka na pero wala naman akong magagawa. Sana ay hindi ka niya saktan kasi sasaluhin kita kung ginawa niya yun.Kilala ko siya dahil sa tindig at kilos niya ay isa siyang Clarkson na nangungunang mayayaman na pamilya sa bansa."

Napalunok ako sa sinasabi niya kahit wala naman akong kinakain.



"Basta yun lang.." sabi niya at nagpagtuloy na sa ginagawa. Natahimik ako sa sinabi at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.


Nang matapos ang buong araw na pagtatrabaho ay nagpalit na ako. Sabado bukas kaya ibang employee ang weekend. Ang akin lang naman kasi ay simula Lunes hanggang Biyernes at umaga lang. Hindi ako panggabi....


Lalabahin ko itong pangchef na kasuotan.Nakakahiya naman kung hindi.

Nang makalabas na ako ay wala parin si Chase kaya kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko pero wala....nasaan na yun?...

Napatingin ako sa kalsada na nandoon na si Chase at palapit na sa akin.

"Madison!!!!!" Napatingin ako sa likod ko at nandoon si Zero at hawak ang cellphone ko.Sa tingin ko ay nakalimutan ko sa mga mesa doon. Nang makalapit na siya sa akin ay inabot niya yun at nagpasalamat ako pero nung humarap na ako para kay Chase ay wala na siya sa harapan ko.


Nasaan na siya?...


Pero laking gulat ko nang makarinig ako ng tunog na parang bumagsak sa likod ko kaya napatingin ako doon at nakita kong nakahiga na sa semento si Zero at may dugo na sa ilong.


Ohhh my!!!!!


Nag-aaway silang dalawa sa harap ko.....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now