twenty-four~~ encounter

958 21 0
                                    

Madison's POV

Nakakaasar.....

Focus sa trabaho, sa pamilya, sa kaibigan........wag sa kanya..

Nakakainis kasi patuloy parin siyang gumugulo sa akin.Kahit na wala siyang ginagawa.

"Madison...tara kain tayo sa labas, wala pa namang masyadong ginagawa at saka girl bonding na din..."

Napilitang tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa kung hindi ako pumayag. At saka baka makalimutan ko na yung lokong iyun.

Hindi ko alam kung bakit ako nakokonsensya nung makita kami ni Chase. Para lang namang kumain ako kasama si Zero....

Dahil doon ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko na kahit si Zero ay iniiwasan ko, kasi baka makita kami ni Cha--

Ahhh shet!!!

"San tayo kakain?"

"Diyan lang sa tabi-tabi?--Madison bakit parang hindi ka mapakali na parang may tinataguan ka na ewan.....ayos ka lang ba?"

Napatingin ako sa katrabaho nung sinabi niya yun...

"Bakit? Halata bang may tinataguan ako?"

"Hindi lang halata, halatang-halata...tuwing kinakausap ka namin ay mukhang hindi ka nakikinig at lagi kang tumitingin sa kung saan-saan, tuwing may isusubo ka ay tumitingin ka din, kaliwa't kanan pa..."

"Ahhh wala kasi, baka may sumita sa atin"

"Ano ka Madison..." Napatingin ako sa lahat ng kasama namin na tumatawa, lahat kami dito ay puro babae kaya eto, ang iba ay puro paganda ang usapan at ang iba ay sa akin....at ang iba ay sa mga lovelife...

"Girl, namimiss ko na siya..."

"Sino na naman Rose?"

"Yung guy na kumausap kay Madison.."

Napatingin ako sa dalawang nag-uusap. Nung mapansin nila na nakatingin ako sa kanila ay agad itong lumapit sa akin.

"Madison, sino yung guy na kumausap sayo nung mga nakaraan-raan pa, ang gwapo niya "

Hindi naman si Zero ang sinasabihan nila siguro kasi alam ng lahat na bodyguard yun ni Sir.

"Ammm...mga business man lang naman ang--"

Napatingin ako sa kanilang dalawa na may isa pang tao na kumausap sa akin na ngayo'y gumugulo parin sa isip ko.

"Talaga, meron ehhh...ang pagkarinig ko ay kapatid nung dating Secretary "

"Si Lexi --"

"Gaga, hindi, si Eris..."

"Maganda si Eris....kaya gwapo yung kapatid"

"Gusto ko na siyang jowain hahhahaha"

"Landi mo girl"

Napatingin ako sa kabila ng puro na pagpapantasya kay Chase ang naririnig ko. Nakakainis lang kasi.....

"Alam mo Madison, hindi mo.lang sinasabi sa amin ehhh mukhang kilala mo yung taong yun kasi sa way ng pag-uusap niyo ay parang may ano.....something "

"Hindi ko siya ka-close yung tao pero kilala ko siya..."

"Anong name?!"

"Ammm"

"Madison!!"

"Eros Johnson...."

"Ahhh...talagang magkapatid sila kasi...Eros....Eris..."

"Ohh God, name pa lang ay parang lalabasan kana"

Napangiwi ako sa usapan nila.

"Madison, bakit kilala mo siya?"

"Ano...n-nasabi sa akin ni Eris na may kapatid siya"

"Ahhhh...ok....etong si Eris, walang sinasabing may masarap na kapatid "

Namula ako sa sinabi niya.Dahil pumasok sa isip ko yung nakaraan na may nangyari sa aming dalawa....

Kaya agad akong tumayo at nag-excuse na magsi-CR lang, kaya agad akong tumayo at pumasok sa CR.

Nakakainis dahil ang bilis magreact ng katawan ko kapag siya ang usapan.

Hindi naman ako nagtagal sa CR, bumalik na ako sa pwesto ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko silang nagmamadali na magbayad at ang iba ay wala na...

"Bakit?"

"Nandiyan kasi yung Eros, nakita naming lumabas siya sa kotse at pumasok sa building kaya eto aalis na kami...."

"Sige mauna na kayo"

Wala na sila at ako namang naiwan dito..

Wag Madison....nandoon siya kaya wag kang pupunta.Wag......wag...

Wag kahit na puntahan siya doon ng mga kasama mo lang kanina, wag kahit na laman siya ng isipan mo, wag kahit na gusto mo siya makita--

Yung totoo, bakit puro papuri at pananabik nalang pag kay Chase ang usapan.

Tinignan ko ang iniinom kung chocolate drink habang nakatingin sa labas.Ewan ba pero pumapadyak-padyak ang paa ko na parang ready nang tumakbo.

Naiinis akong biglang tumayo at nagbayad na.Naglakad na ako palabas ng cafe. Ang lakad ay bumilis hanggang sa tumatakbo na ako papunta sa building.Nakakainis kasi ayaw ko naman ito pero parang may sariling buhay ang paa ko na ngayo'y nasa harap na ako ng building pero wala ng kotse doon.Alam ko kung ano ang kotse ni Chase at wala doon, ang sabi ay nakita nila itong bumaba ng kotse kaya ibig sabihin ay nagkotse ito.

Pero bakit wala dito ang kotse niya.....nahuli ba ako at wala na siya. Pumasok na ako sa loob at mukhang tahimik ang lahat. Dahil kung nandito man yun ay pagkaguluhan siya pero wala, tahimik.....

Sumalubong sa akin ang nakangiting katrabaho ko at mukhang narating na ang kalangitan.

"Madison.....ang saya ko kahit na nakakaasar."

"Bakit naman?"

"Kasi dumating siya dito at nakuhanan ko siya ng litrato at nakausap niya ako"

"Talaga, edi masaya kasi nakausap mo na siya at nakuhanan pa ng litrato..."

"Yun nga , nakausap ko siya pero alam mo ba ang sinabi niya?"

"Ano naman yun?"

"Tinatanong ka niya sa akin at nakangiti pa siya ng sabihin ang pangalan mo?"

Hinahanap niya ako?

"Bakit naman daw?"

"Ewan, pero Maddie ang sabi niya, hindi Madison, ikaw lang naman ang may pangalang ganyan kaya siguro ikaw yung Maddie....hmmmm Nakakainis naman.."

"Ba-Bakit naman?"

"Kasi mukhang ka-close ka niya kasi may tawagan kayo.."

"Hmmm wala .."

Nagsimula na ako maglakad pabalik sa pwesto ko ng kapain ko ang cellphone ko ay wala sa bulsa ko. Wala....

Naiwan sa cafe....kaya agad akong lumabas papunta sa cafe na pinagkainan namin.

Kainis kasi dahil sa kanya ay naiwan ko ang cellphone ko. Bwenas kasi naiwan ko ang bagay na importante sa akin dahil sa kanya.Paano kung mawala yun, ehh marami akong contacts doon.

Sa kamamadali ko ay bigla ako natalisod sa nakausling matulis na bato pero ang nakakapagtaka ay hindi ako bumagsak.Mukhang may nakasalo sa akin bago ako bumagsak sa semento.Nakakahiya naman king bumagsak ako dahil maraming tao....

Agad akong umayos ng tayo at inayos ang damit ko...

"Ayos ka lang ba......Maddie?"

Agad akong napaangat ng mukha.....si Chase....nandito, siya ang nakasalo sa akin.

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now