three~~ (past 3) meet

1.2K 24 0
                                    

Madison's POV

"Ms. Zain, pakilagay mo nga muna ito saglit sa table ko sa faculty room..."

"Yes ma'am "

Kinuha ko na yung mga ipinalalagay niyang folders at nagsimula nang pumunta sa faculty room.Maagang nagpadissmiss si ma'am kasi may meeting daw sila.

Medyo may kalayuan ang faculty room kaya madadaan ko pa ang mga ilang room na iba ang course....

Nang makarating ako doon ay agad ko nang inilagay ang mga folders na dala ko sa table at binati ang mga ilang professor na nandoon...

Habang naglalakad pabalik sa room ko ay may humarang sa akin.Isang magandang babae, ang pananamit nito ay parang club na yata ang pupuntahan.

"So ikaw yung bago....tsk,tsk,tsk... walang ka-taste-taste ang pinili..."

"Ammm....babalik na ako sa room ko"

"Oh bakit ka nagmamadali, may meeting lahat ng mga guro kaya OK lang na mag-usap muna tayo diba?"

"Am sige...."

"I'm Denise Reyes at ikaw namang babae ka?"

"Madison Astrid Zain ....."

"Hmmm...nagtataka lang ako kung anong nakita ni Baby Eros sayo....tsk, ang plain mo di katulad ko."

"Excuse me....Hindi ko alam yung pinagsasabi mo at hindi ko kilala yang baby Eros na sinasabi mo"

"Oppsss...maang-maangan ka pa ehh...kasama ko lang siya kagabi at ngayon na magkasama kayo kanina ay nakipagbreak siya sa akin, so sabihin mong hindi mo siya kilala ay lalagutan kita ng hininga!"

Sa totoo lang talaga ay baliw na toh.Mukha ngang dancer sa club.Huminga ako ng malalim at ngumiti, hindi ako pwedeng gumawa ng iskandalo dito lalo na at mag-gragraduate na.Mahirap na baka hindi pa matuloy yun dahil sa babaing ito.

At baka napagkamalan lang ako...

"Sorry pero hindi ko talaga alam ang sinasabi mo....wala akong sinusulot na lalaki na may girlfriend at saka wala pa akong time sa mga lalaki kaya kung ako sayo, magtatanong ako sa iba na--"

"Huwag kang magsinungaling!!! Nakita kitang lumabas sa kotse niya kaya alam kong ikaw yun!!!"

"Kotse??--"

Ah!! Yung sinakayan kong kotse dito.Siya yung sinasabi nang babaing toh.Wait yung baby Eros....yun yung pangalan niya....Baby Eros, wow....

"Wait lang Ms. Reyes , muntik niya lang ako mabangga nun kaya bilang tulong niya sa akin ay sinabay niya ako sa kotse dahil malalate na kaming dalawa.Hindi konpa nga natanong yung name niya"

"Huwag ka nang gumawa ng kwento dahil nakipagbreak siya sa akin na alam kong dahil sayo.."

"Bahala ka na sa mga pinagsasabi mo, basta't alam ko lang ay sumabay lang ako..." pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako sa kanya...

"Tandaan mo toh Madison,  magdudusa ka rin !!"

Hindi ko na pinansin yun at dumeretso na ako sa room ko....

Mga ilang oras din ang nagtagal bago mglunch.Pumunta ako sa mga ilang bench na nagkalat dito..Malaki ang university na toh kaya maraming nagkalat na bench.

At ang favorite spot ko ay dito sa ilalim ng malaking puno.Malayo toh kaya iilan lang ang tao.Dito ako kumakain ng lunch.

Binuksan ko ang bag ko at napatayo pa ako sa pagkaupo ko doon sa bench na wala ang baonan ko.Wait......

Shet!!!! Nakalimutan kong kunin.Tumanggi kasi ako doon sa pera at nagpaliwanag pa kaya nakalimutan ko yung baonan ko....

Umupo nalang ako sa bench at magpapalipas na lang ng oras.

Napatingin ako sa likod ko ng may bumato sa akin na maliit na bato.Hindi namang masakit pero nainis ako.Well, dahil gutom na ako...

Siya yung lalaki na sinabayan ko.Si Baby Eros....

"Mukhang wala kang pagkain diyan...." Napakunot ang noo ko nang may kinuha siya sa bag niya.At nang mailabas niya yun ay inabot niya sa akin...

"Oh sayo nalang, dalawa kasi ang nakuha ko kaya sayo nalang yung isa..."

Isa yung hamburger pero mukhang gawang bahay dahil masyadong malaki tapos iba sa canteen na simpling ham at mayonnaise at ketchup....

Ito ay may lettuce, tomato at malaking cheese.Naglalaway na ako sa pagkaing hawak niya pero baka maging issue toh.Nakipagbreak siya doon sa Denise na yun.

"Ayaw mo?...wala namang tao dito, mukhang tayo lang, kunin mo na...bahala ka, ikaw din"

Inabot ko na yun nagbalak niya nang ibalik sa bag niya.

"S-Salamat..." nang makuha ko na yun.Ngumiti siya sa akin na kinatulala ko.Nilabas niya yung sarili niyang hamburger at tumabi sa akin.Nailang pa ako sa ginawa niya kaya umatras ako ng kaunti.Narinig ko lang siyang tumawa at kumain na...

Nagibg tahimik na nang kumakain kami.Kaya nagsimula na akong magsalita

"Salamat sa pagsakay......Baby Eros--ahh wait may tubig ako"

Napaubo kasi siya kaagad kaya agad ko nang inabot yung tubig ko.Ininum naman niya kaagad ...

Nang maayos na siya ay napatingin siya sa akin.

"Anong tawag mo sa akin..."

"Baby Eros.....diba yun naman talaga ang name mo.Sabi sa akin nung Denise ay baby Eros kaya yun na nga....Thanks sayo kasi di ako nalate.Sa totoo lang ay natawa ako sa isipan ko nang malaman ko ang name mo....hahaha "

"Hindi yun ang name ko.Endearment lang sa akin yun ni Denise--wait nag-usap kayo..."

Napatingin ako sa ibang sulok dahil hindi niya pala name yun.... Endearment lang....tapos sinabi ko pa...shet!!

"Ammm....kinausap niya ako kanina at sinasabi niya na nagbreak daw kayo at babae mo ako....sinabi kong hindi dahil totoo naman....."

"Pero ok lang na yin ang itawag mo sa akin...."

Agad akong napatingin sa kanya nang sabihin niya yun sa akin.Baliw din ba toh...

"Mas magandang pakinggan sayo ehh..."

"Amm....ano ba ang name mo....yung real name mo"

"Eros Chase Clarkson Johnson..."

"Parang familiar ang name mo, parang may katunog ka na name pero babae...."

"That's my twin sister...Channel Eris Clarkson Johnson..."

"Ahhhhh...."

"Ikaw? Nakita kasi kitang papunta dito kaya sinundan kita at well, para makilala ka...so ikaw?"

"Madison Astrid Zain...."

"Ahhh....what a nice name....."

"Thanks...pati na rin dito ulit" sabi ko sa kanya.Inangat ko yung hamburger na doon ko sinasabi ang pasasalamat ko ulit.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil pinuri niya ang pangalan ko...Well, marami namang nagsasabi sa akin yun pero iba sa kanya....

"Ang ganda ng kulay ng mata mo....silver nga...kasing ganda mo"

Napatingin nalang ako sa hamburger na kinakain ko.Agad na akong tumayo at nagpaalam sa kanya....

"Alis na ako....Salamat dito Chase!" Sabi ko at umalis na.Tinatawag niya ako pero hindi ako lumingon .... Nahihiya ako na hindi ko alam...kakainis.....

....

....

....

CS3: My Playful ExTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang