Epilogue

1.3K 25 0
                                    


Madison's POV

Napatingin ako sa buong paligid. Halos lahat ay nag-aayos ng paligid. Lahat ay nasa tamang pwesto.

Isang taon na ang lumipas, heto kami, nananatiling matatag. Nung nakaraang taon ay nagpropose sa akin si Chase. Pangit daw kung nakaraang taon kami ikakasal. Sukob daw....ewan ba? Pero ok lang sa akin. Atleast hindi ako ikakasal ng saktong thirty.

29 palang ako.

At kinuwento na sa akin ni Chase yung lahat ng set-up niya nung nagpropose siya. Sinadya niyang hindi ako pansinin. Sinadya niyang mag-offline agad. At yung pinost niya sa Facebook ay matagal nang kuha daw yun. Para isipin ko na hindi niya ako pinapansin at sa iba ang atensyon. Kahit na nasaktan ako at nalungkot doon ay masaya naman ako sa kinalabasan.

At may maganda akong balita.

Buntis si Eris! Yup, Two months na ngayon ang tiyan niya at isa pa....

Buntis rin ako!

Well one month palang ito. Nung naramdaman ko na ang mga sign ng pagiging buntis ay agad na akong magpatingin. At naconfirm yun ng doctor. Hindi ko pa sinasabi kay Chase ang balitang iyun dahil gusto ko rin siyang masurprise.

Pagkatapos ng kasal at yung magbibigay na ng mga mensahe, sa reception...

"Ma'am, kamusta po ang venue...."

"Maganda, salamat sa serbisyo niyo, dahil sa maganda ang kinalabasan nito ay dadagdagan ko ang bayad.."

"Salamat ma'am..." sabi nung wedding organizer.

Wala dito ngayon si Chase. Kailangan siya sa bahay nila, kailangan daw niyang maglinis muna doon bago siya sa aming tumira. Ang pusa niyang si Alice ay pinapaalaga niya na kay Jacob.

Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. Iba ang feeling ko ngayon, parang sasabog ang saya ko nang malaman kong buntis ako. Dala-dala ko ngayon ang panganay namin ni Chase. Ang saya lang....

Walang katumbas ang saya, iniisip ko ngayon kong ano ang magiging reaction ni Chase kapag nalaman niyang buntis ako...

Baby, naeexcite na ako sayo....

Kahit hindi ko pa siya sinisilang ay mahal ko na siya. Nang malaman ko at idineklara ng doctor na buntis ay minahal ko na nga bata. Sobrang mahal ko at kahit kailan ay hindi ko siya iiwan.

Napailing ako, kung ano-ano na ang iniisip ko. Ganito siguro kapag buntis, kung ano-ano ang naiisip.

Naeexcite na ako sa kasal ko bukas.

At gaya nung kinasal si Eris ay may pabridal shower din ako.

"Party!!! Party!!!!!"

Napatingin ako kay Eris na umiinom ng tubig at kumakain lang. Maya-maya lang ay matutulog na siya dahil hindi pwedeng mapuyat ang buntis.

At gayun din ako, irarason ko nalang na pagod ako at kailangan kong maging fresh bukas, hindi yung bangag....

Napatingin ako kay Daphne at medyo napatawa ng makita kong sumasayaw siya. Napaisip ako at napatawa agad, nakalimutan ko palang sabihin na ako at si Chase at Eris pati rin si Daphne ay parehong university na pinasukan. Hindi ko lang nakikita si Daphne at hindi ko siya kilala noon.

Kailan rin kaya magkakaroon ng lovelife itong si Daphne.

Ang dalawang niyang pinsan ay meron at settle down na. Pati na ang kapatid niyang si Kuya Black na asawa ni Ate Syrene.

Naiwanan na siya pero hindi mukhang matanda. Pareho lang ang edad namin kaya nakakapagtakang wala parin siyang boyfriend o ano man.

Malapit na siyang mawala sa kalendaryo.

Nagpaalam na si Eris na matutulog na. Dahil bawal magpuyat ang buntis.

"Ako rin, inaantok na ako.."

"Wehh, hindi pwedeng iwan mo ang bridal shower mo. Para sayo toh noh. OK lang si Eris kasi buntis siya."

"Nahhh mag-enjoy ka nalang diyan.... at saka ayokong uminom at magpuyat.."

"Well, bahala ka...hahaha"

Nakitawa nalang ako at pumunta na sa kwarto at natulog. Aayusan pa ako ng make-up artist...

*******

Kinakabahan akong napatingin sa pintuan. Ako nalang ang naiwan at sinarado na nila ang pinto. At nang marinig kong nagpatugtog na ay binuksan nila ulit ang malaking pinto ng simabahan at naglakad na ako papasok. Nang medyo malapit na akong gumitna ay lumapit sa akin sina mama at papa at hinatid ako sa altar.

Napatingin ako sa mga bisita. Nandito ang buong pamilya ni Chase at pamilya ko. Sina Ate Shine kuya Kurt kasama ang makulit at isip-matandang si Kate.

Ilang katrabaho ko noon sa kompanya ni Troy at si Zero na may kasamang babae. Sa tingin ko ay girlfriend niya ito. Masaya ako para sa kanila. At oo nga pala, siya ang best man ni Chase at ako naman ay si Daphne.

Napatingin ako sa altar at nakaabang doon ang lalaking pinakamamahal ko.
Nakangiti ito sa akin..

Hindi ko maiwasang mapaiyak dahil sa daming dumating na problema ay heto kami at kinakasal na.

Nang makarating kami doon ay napatingin ako sa lalaking nandoon din, kasama noon ni Eris na lalaki.

Si Bryle na kasama ang babaeng nanggulo sa buhay nina Troy at Eris na si Lexi.

Nagpatuloy lang ang seremonya hanggang sa napunta na kami sa vow ay maraming napaiyak lalo na ang mga magulang namin at nang napunta na sa paghahalik sa akin ay napuno ng panunukso ang simbahan.

Napatawa ako ng may narinig akong....

'Playboy to goodboy na si Eros!!!'

Dahil totoo naman ang sinabi nila.

At nung time na nasa Reception na ay ginanap doon ang pagtatapon ng bulaklak. Na nakuha naman ni Daphne kaya puro panunukso ang naririnig ko na para kay Daphne ..

Nung tinawag ako para magbigay ng message sa lahat at sa asawa ko. Namula ako sa napaisip kong asawa na ang tawag ko kay Chase. Hehehehe....kinikilig ako.

"Maraming salamat sa mga bisitang dumalo sa kasal ko, sa mga mgulang namin na sumuporta sa amin. Sa mga kaibigan na tumulong sa akin. Pagi na rin si Zero kasi siya ang naging karamay ko sa lahat, mga katrabaho ko noon pati na si Kate....at lalo na ang mahal ko. Salamat sayo dahil hindi ka sumuko sa akin at masaya ako na kasama kita hanggang ngayon at panghabang buhay. Mahal na mahal kita..."

Napatingin ako kay Chase na ngumiti lang sa akin.

"At saka nga pala, nagulat talaga ako sa surpresa mo sa akin sa proposal na ginawa mo. Nasurprise talaga ako...kaya naman ikaw naman ang isusurprise ko.......Daddy Chase..."

Una ay nakita ko ang pagkalito sa mukha niya pero ilang segundo lang ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang dalawa kong pisnge at tinitigan ako..

"Sure? Magiging daddy na ako...."

Tumango lang ako sa sinabi. Napabitaw siya sa akin at napasigaw sa saya. Halos lahat ay kinung-congratulate kami.

Lumapit ulit sa akin si Chase at hinalikan ako. Humiwalay siya sa akin at may sinabi.

"Thank you and i love you...."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

"And I love you too...."

Habang buhay kong pasalamat sa Diyos at binigyan niya ako ng isang mabuting tao na si Chase  na isip-bata, oo nga at playful siya pero sa akin lang.....not my playful ex anymore....MY PLAYFUL HUSBAND now and forever.....

..









[A/N: wait....may isang special chap para sainyo.....]

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now