twenty-seven~~ confused

939 21 0
                                    

Madison's POV

"Promise guys, naaawa na ako kay Sir...Para siyang robot"

"Well, wala tayo magagawa. May nangyari siguro sa kanya..."

"Lagi pang nakabuntot sa kanya si Lexi, kahit ayaw sa kanya ni Sir.."

"Malakas ang loob ehhh..."

Nailing nalang ako sa mga naririnig ko.Nakakaawa naman talaga si Sir. Hindi na siya ganuun dati. Panay trabaho at alak ang kinaaabalahan niya. Ewan nalang kay Lexi kung ano ang mga ginagawa niya basta nakakaawa parin. Naging workaholic na si Sir.

"Oh My Goddd!!!! Nandito siya! Nandito siya!!!"

Napakunot ang noo ko sa narinig. Nandito daw siya, sino?

Napalakk ang mata ko nang makita ko kung ano ang pinagsisigaw ng mga babae kanina.Siya pala!

"Hi Sir Eros, narinig ko na ang name mo sa kung saan..."

"Pwede po ba pa-picture.."

"Sir..."

Napangisi ako ng makita kong nilampasan niya lang sila na may kasamang ngisi sa labi. Hmmm..laki talaga ng bilib sa sarili...

"Teka si Madison ang pupuntahan niya...."

"Si Madison nga..."

Napalaki ang mata ko na sa akin nga ang punta niya.Agad kong tinignan ang laptop ko para doon lang ako nakatingin.Naramdaman kong may huminto sa harapan ko pero hindi ko na yun pinansin pa.

"Hey, silver eyes.......Maddie--son"

"Hindi purket nakasama mo ako kahapon ay close na tayo...."

Mahina lang yun dahil ayaw kong magka-issue sa kanya at hindi ako tumitingin sa kanya.

"Nasa bahay ka namin kahapon"

Nanlaki ang mata ko at agad akong napatingin sa paligid kong may nakarinig sa sinabi niya.

"Baliw ka ba..Paano kung may nakarinig sa sinabi mo, ayaw kong magkaroon ng issue dito kaya pwede bang umalis ka nalang dahil ayaw kitang makita, nimarinig ay ayaw ko"

Hindi ako nakatingin sa kanya ng sinabi ko yun pero nandoon parin ang iritasyon ng sinabi ko yun.

Hindi ko alam ang reaksyon niya pero wala na akong pake kung ano man.

"Yayayain sana kita sa labas, mamayang tanghali....kain tayo sa labas--"

"Ayaw ko, hindi ko gustong makasama kang kumain"

"Pero kahapon--"

"Pumayag lang ako dahil sa parents mo, pero kung wala sila doon ay uuwi agad ako, hindi naman akong tanga para makasama ka pa...."

"Bakit mo ba akong iniiwasan huh?"

Napatingin ako sa kanya at tinignan siya ng mariin...

"Iwasan ka ang isa sa mga gusto ko, gaya ng sabi ko ay hindi ako tanga..."

"Bakit mo iiwasan ang isang bagay na minsan ay binigyan ka naman ng saya"

"Saya...saya...siguro nga pero yung sakit, mas matindi yun....mas marami pa yung sakit sa sayang binigay mo sa akin...pero pasalamat nalang sayo dahil wala ako dito kung hindi kita napagdaanan.."

"Pwede pa namang maayos ang lahat Maddie...."

"Wala na, wala na para sa akin, umalis kana....pwede ba? Dahil may trabaho pa ako..ayaw ko sa lahat ay yung naiistorbo ako sa trabaho ko.."

"Ganun ba....ganun ba akong kadaling hindian...."

Agad akong napatingin sa kabilang direksyon dahil ayaw kong makita siya.Pero napatingin parin ako sa kanya at parang sinaksak ng maraming kutsilyo ang dibdib ko ng makita kong nakangiti siya pero peke at kitang-kita ang lungkot sa mata niya.


Napakamot siya sa ulo niya at napatingin sa akin...

"S-Sige pala ammm....a-alis na ako...ge"

Tumalikod na siya sa akin.Kaya nagpatuloy nalang ako sa pagtatrabaho.

Naiinis kasi ako sa topic niya at dito pa talaga niyang balak pag-usapan iyun, kung saan nagtatrabaho akonat saka wala pa akong lakas ng loob na sabihin yun.At saka kung sinasabi niyang hindi totoo ang nangyari noon ay dapat sinabi niya sa akin.Bakit niya pa inabot ng ilang taon.Kung bakit ngayon lang siya bumalik, bakit hindi noon na kailangan ko siya....

Na kailangan ko siya sa tabi ko, na kailangan ng may nagco-comfort sa akin nung mga panahon na sukong-suko na ako. Bakit hindi noon at ngayon lang siya...


Napatingin ako sa pinaglabasan niya.

No Madison, nadala ka na....

Focus.....

'S-Sige pala ammm....a-alis na ako...ge'

'S-Sige pala ammm....a-alis na ako...ge'

'S-Sige pala ammm....a-alis na ako...ge'

Napatingin ako sa kawalan at pumasok sa isip ko yung slow motion na pagtalikod sa akin ni Chase.At yunh lungkot sa mata niya ang nagpasakit sa puso ko.Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya agad akong napatayo sa upuan at naglakad papunta sa entrance ng building.

Nagbabakasakaling maabutan ko siya doon, kaya yung lakad ko kanina ay naging takbo na.

Pero ang naabutan ko nalang sa labas ay ang kotse niyang paalis na. Nakatingin lang ako doon hanggang sa nawala na yun sa paningin ko ay agad na akong bumalik sa pwesto ko sa loob...

*******

Nandito ba siya sa bahay niya? Pero wala ang kotse niya.

Nandito ako sa labas ng bahay nila at sumisilip sa gate nila.Wala dito si Chase dahil wala ang kotse niya.

Napatingin ako sa buong paligid dahil maghahanap ako ng mapaparahang taxi. Nakakainis dahil paloob itong bahay nila at wala masyadong dumadaang pampasaherong sasakyan.

"Psst!"

Napatingin ako sa bahay ni Chase at nakita ko ang mama ni Chase na tinatawag ako.

Napalaki ang mata ko dahil nakita nila akong sumisilip doon sa bahay nila. Mukha akong magnanakaw...

"Kamusta po Mrs.Johnson.."

"Tita Cath nalang, sinong hinahanap mo iha..."

"Si Chase po,...T-Tita Cath..."

"Amm wala siya, nakita kita sa CCTV kaya pumunta ako dito"

"Ay sorry po, kasi ano "

Grabe talaga ang bahay nila, yayamanin talaga dahil mukhang napapalibutan ang lahat ng mga CCTV kaya walang lusot at magnanakaw....


"Bakit mo hinahanap ang anak ko iha"

Bakit nga ba? Bakit ko siya hinahanap? Bakit ako nandito?

"Ano, nangangamusta lang po...sige po bye na po!"

"Teka hintayin mo nalang siya--"

"Bye po!"

Agad na akong tumakbo paalis dahil sa kahihiyan din.

Nang malayo na ako sa bahay nila ay nagpahinga muna ako sa lilim ng puno.

Bakit ko ba siya hinahanap?
Pinaalis ko siya tapos eto akong hinahanap siya?
Ayaw ko siyang makita pero eto akong pumunta pa talaga sa bahay nila?
Nagtataka narin ako sa sarili ko?
At bakit wala siya doon, nasaan na siya?
Nasaan na si Chase?
...

...

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now