thirty-nine~~ Meteor shower and PDA

818 14 0
                                    

Madison's POV

Napatingin ako kay Chase na ngayo'y nakahiga sa blanket na dala niya. Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin. Hindi kaya yung.......

HINDI YUN ANG IBIG KONG SABIHIN NOH!!!!!

kainis....

Nandito kami sa medyo mapuno at mataas na lugar. May nakita nga kanina kami na isang puno na maraming alitaptap. Kahit na may part na nakakatakot kasi ang sabi daw ay pagmay ganuung kang nakita ay ibig sabihin ay may nakatira anumang elemento o manigno...

Pero kahit....maganda paring tignan.

Nakahiga lang si Chase habang ako ay nakaupo.

"Ano bang ginagawa natin dito, madilim tapos medyo magubat pa..."

Tumingin siya sa akin at ngumisi ..

Anong ibig niyang sabihan diyan?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ng magkasintahan sa madilim at masuksuk na lugar huh?"

"Nagpipicnic...."

"Madilim..."

"Pake ko ba!! Alis na nga tayo.."

Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.Napatingin ako sa kanya ng umupo na ito at hinila na ako paupo.

"May nabalita kasi akong meteor shower daw na magaganap ngayon.."

Meteor shower?

"Meron? Bakit hindi ko ring nabalitaan yun?"

"Busy ka kasi sa trabaho mo, well... napaalam naman na kita sa mga magulang po. May dala akong mga pagkain in case na magutom tayo...."

Napatingin nalang ako kay Chase na ngayon ay humiga na. Nakatingin lang siya sa kalangitan. Humiga na rin ako at umunan sa braso ni Chase. Napatingin din ako sa kalangitan.

Ang gagandang tignan ng mga bituin. Napatingin ako sa iba pa dahil may hinahanap ako.

Yun nga!!!

Ang constellation ng Orion. Isa sa mga gustong-gusto kong constellation. Ang astig lang kasi na nakabuo iyun ng isang taong nangangaso. Perong pana rin iyun..

"Ang saya mo ahhhh..."

Napatingin ako kay Chase na ngayo'y nakatingin din sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa mga bituin at yumakap sa kanya.

"Nakita ko kasi ang constellation ng Orion. Minsan ko pang kasi nagagawang magstar gazing. Dahil nga sa sinabi mo, busy ako sa trabaho."

Ganun lang ang ginawa namin. Mag star gazing. Tuwing may nakikita akong shooting star na dumadaan ay sinasabi ko kay Chase kasi naman kung saan-saan kasi tumitingin, hindi niya tuloy nakikita. Sinasabi niya sa akin na magwish daw ako.

Well, hindi naman ako naniniwala sa mga ganuung kasabihan. Ang dami ko nang nakitang shooting star pero hindi ako humihiling.

Dati kasi ay nagwish ako na makita si papa, pero iba ang nabalitaan ko. Na patay na si papa bago pa ako ipanganak. Natupad ba ang wish ko?
Hindi.....kaya hindi na ako naniniwala sa mga ganuung kasabihan.

Pero para kay Chase, sige gagawin ko.

Pumikit ako at humiling.....

Na sana ay manatili kaming ganito ni Chase. Na matatag na sa anumang problemang dumating. Sana hindi kami paghinaan ng loob at malagpasan namin ang mga problema. Na ang tiwala namin sa isa't-isa ay hindi masira. Na magmamahalan kasi hanggang sa tumanda.....

" Maddie, look!!!"

Napadilat ako ng mata at tumingin sa sinabi ni Chase. Napanganga ako sa nakita ko.

Ang meteor shower na sinasabi ni Chase ay totoo ngang may magaganap ngayon ...

Hindi ko maiwasang maiyak sa nakita ko. Dati kasi ay gustong-gusto kong makakita ng ganuun. Pero sa tuwing nakakabalita ako ay minsan hindi totoo at minsan ay hindi ko naabutan. Lagi kasing madaling araw nagaganap pero ngayaon, meron na at kitang-kita ko. Ang sunod-sunod na meteor na animo'y nagbabagsakan.

Yumakap ako ng husto kay Chase hanggang sa natapos na. Napatingin sa akin si Chase kaya lumingon ako sa kanya. Nakangiti lang ito sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Napatingin ako sa kanya na siya naman ay nakatingin sa labi ko. Ako na mismo ang naglapat sa mga labi namin. Ramdam ko ang gulat sa kanya pero kalaunan ay sumagot na din siya sa halik na handog ko.

Sa ilalim ng mga bituin iyun ay nangyari ang isang gawain na pareho naming ginusto. Gawain na nangyayari lamang sa dalawang tao na lubos na nagmamahalan...

*************

Napahikab ako sa antok habang inaayos ko ang mga papel sa gilid ko.

"Mukhang antok na antok ka ahhh..." Napatingin ako sa gilid ko na nakatingin lang sa akin ang katrabaho ko.

"Pero kahit inaantok ka ay kitang-kita ang saya sa mata mo..."

"Pinagsasabi mo..."

"Hmmm....basta!"

Ayokong pag-usapan namin kung bakit ako inaantok ngayon. Dahil may hiya naman ako sa sarili ko. Alangan namang ikwento ko yung nangyari sa aming dalawa ni Chase.

Inayos ko muna  ang mga papel bago pumunta muna sa CR para mag-ayos ng sarili.

Naghimalamos muna ako at napatingin sa salamin. Agad ako naghilamos ulit ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Chase. Parang nanood ako ng porn kung iisipin ko yun.....

Agad kong inayos ang sarili ko, pati na ang buhok ko. Napatingin ako sa salamin at ngumiti .... tama ngiti lang, para good vibes lang sa mga tao.

Agad akong bumalik sa pwesto ko. Napangiti ako ng makita kong nandoon si Chase at may dalang bulaklak. Agad na akong lumapit pero napatigil ako ng makita kong may katabi ito. Hindi ko kasi nakita dahil natatakpan ni Chae pero kung sa malapitan ay may katabi ito doon. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ko kung sino iyun.

Si Denise the bitch....

Agad akong lumapit kay Chase at tinapik ang braso niya. Napatingin naman siya sa akin kaya agad niya ako niyakap. Napatingin ako kay Denise na katabi niya lang. Nagsalubong ang kilay ko na nakatingin sa kanya. Dahil nakangiti lang ang bruha na parang....hindi parang....talagang mangkukulam.

Nang humiwalay ako kay Chase ay agad ko itong hinalikan. Hinawakan ko ang leeg niya para lumalim iyun. Wala akong pake kung PDA yun sa iba.

Naramdaman ko ang pagngiti ni Chase sa ginawa ko. Bakit ba?!

Gusto ko lang ipakita ang pagmamay-ari ko. Napatingin ako kay Denise na ngayo'y nagwalk-out pero mabigat ang bawat lakad niya na parang nagdadabog.

Tama lang yun....

Humiwalay na ako at napatingin kay Chase na ngayo'y nakangisi.

"Hmmm....dapat ba akong matuwa sa ginawa mo.."

Ngumiti lang ako sa kanya. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Na nagselos ako kaya ko ginawa yun at the same time ay nagmarka lang ng pagmamay-ari.

Bakit ba!? Totoo naman yun. Na insecure din ako sa magandang suot ni Denise, eh ako ay yung uniform ko sa trabaho.....

Pero yung ginawa ko ay nagbigay saya sa akin...

Subukan niya lang mang-agaw ay kakalbuhin ko siya.....

Makikita niya.....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now