forty-two~~ rescue

837 17 0
                                    

Madison's POV

Nagising ako sa ingay ng mga kulisap sa paligid. Medyo madilim-dilim pa pero sa tingin ko ay mag-uumaga na.

Nakarinig ako ng kaluskos sa paligid. Agad akong nagtago sa puno ng makakita ako ng liwanag galing sa flashlight. Napatingin ako sa sugat ko at napakagat sa ibabang labi. Namamaga iyun at nagdudugo. Maaaring ma-infection ito.

Pero hindi ako pwedeng maglikha ng ingay..

"Kainis! Hindi niyo ba narinig ang pag-umpog niya sa akin. Bakit ang hahangal niyo!"

"Sorry boss...soundproof kasi ang kwartong iyun kaya hindi po naming narinig..."

"Pasalamat kayo at magubat toh. Mahihirapan siyang makalabas sa lugar na toh dahil bangin na ang pinakadulo nito..ayusin niyo ang trabaho niyo kung gusto niyong makakuha ng malaking pera..."

"Yes boss..."

Sumilip ako sa kanila at sa tingin ko ay tatlo lang kasama ni Denise.

Bangin na ang pinakadulo nito. Paano ako makakatakas, tama siyang mahirap makatakas sa ganitong lugar.

Nang mapansin ko na malapit na sila sa akin kaya kumilos na ako.

Hindi nila pwede akong abutan, kailangan kong makalayo.

Habang tumatakbo ay may natapakan akong lumikha ng ingay kaya agad na may nag flashlight sa lugar ko. Agad akong nagtago sa mga makakapal na damuhan para hindi ako makita. Kahit ang paghinga ko ay hinihinaan ko dahil ayokong marinig nila ako.

Napatingin ako sa bagay na nahawakan ko. Makinis iyun at gumagalaw. Napapikit ako at hindi gumalaw...kahit paghinga ko ay pinigilan ko. Napatingin ako sa harapan ko lang na palapit na yung mga tao na yun.

Huminga ako ng malalim at naglakas loob na hawakan ang ahas at agad iyung tinapon sa harapan ko. Iisipin nilang nahulog iyun sa mga puno kaya lalayo sila.

"Maam!! May ahas!!"

"Tsk...patayin niyo!!"

Napatakip ako sa tainga ng pinutukan nila ng baril ang ahas.

Nakatago parin ako sa mga makakapal sa damo. Tinitiis ang mga kagat ng langgam at mga lamok. Nagdadasal ako na sana ay mahanap ako nila Chase. Sana makatakas ako...

Ayokong mamatay sa ganitong sitwasyon. Mas nanaisin kong mamatay kasama ang mahal ko. Yung matanda na kami.

Marami pa akong balak gawin sa buhay. Kaya hanggat kaya ko ay makakatakas ako dito.

Kailangan kong makalayo sa kanila dahil kapag lumiwanag na ay makikita nila ako.

Dahan-dahan akong kumilos at nang nagtitingin pa sila sa ibang direction ay tumakbo na ako. Tumakbo ako ng tumakbo kahit ilang beses na akong nadapa.

"Boss!! Nandito siya!!"

Napatingin ako sa likod habang tumatakbo ako. Nakita kong sinusundan nila ako kaya agad kong binilisan ang pagtakbo ko.

Sumusuko na ang mga tuhod ko dahil ilang beses akong nadapa kaya pagewang-gewang ako sa pagtakbo.

Napapikit ako ng nagpaputok sila sa direksyon ko. Nakita kong sa puno iyun tumama kaya nagmadali ako sa pagtakbo.

Agad akong napatigil sa pagtakbo ng makita kong bangin na ang dulo. Agad akong napatingin sa tinakbuhan ko ng makita kong palapit na sila sa akin.

"Wala kanang matatakasan Madison...."

Sabi ni Denise habang may hawak itong pistol gun na nakatutok sa akin.

Chase......iligtas mo ako.....













Chase's POV

"Move!.."

Sigaw ng leader ng mga pulis. Napatingin ako sa bahay nang makita kong may bakat ng dugo ang salamin ng bintana. Medyo madilim pa at malapit ng mag-umaga.

Nag-stay muna ako sa kotse ng nagpuputukan na sa area. Nagdadasal ako na ligtas si Madison.

Agad na may lumapit sa akin na pulis at sinabing walang Madison na nandoon.

Pumasok ako sa loob at may nakitang punit-punit na papel. Agad akong lumapit sa mga nahuli at sumuntok nang kalakas-lakas.

"Nasaan siya?!! Nasaan si Madison!!!"

"Nakatakas po siya, kaya sinundan po ni boss sa gubat--"

Naputol yung sasabihin niya ng makarinig ako ng putok mula sa gubat.

Agad kong binitawan ang kwelyo nung lalaki at agad na napatakbo sa gubat.

Si Madison....nandoon siya at sinundan daw ito. Abot langit ang kaba ko ng makarinig pa ako ng ilang putok. Madison......hintayin mo ako. Parating na ako........

















Madison's POV

"Please....matakasin mo ako, sige papayag ako sa mana pero pabayaan mo ako--"

Napatigil ako sa sasabihin ko nang nagpaputok siya malapit sa akin. Napatingin ako sa lupang tinamaan niyon.

Napatingin ako kay Denise na may kausap sa cellphone at ang tatlong kasama nito ay nakatutok parin ang baril sa akin..

"Ano!!! May mga pulis!!! Tumakas kayo!! At kung mahuli man kayo ay wag niyong subukan na ituro ako dahil malalagot ang pamilya niyo maliwanag!!! Hello!!!! Hello!!!"

"Boss sa tingin ko nahuli na sila. Ano pong magagawa natin. A-Ayaw ko pong makulong kami. Gusto lang po namin ng pera.."

"Manahimik ka at nag-iisip ako ng paraan para makatakas pa..."

Agad na bumaling sa akin si Denise at galit na lumapit ito sa akin. Agad niyang sinampal at agad niya rin akong hinawakan sa panga. Masakit ang pagkahawak niya sa panga ko na parang bumabaon na yung kuko niya sa pisnge ko.

"Kasalanan mo ang lahat na ito! Kung ginawa mo na sana ang gusto ko edi sana hindi ka masasaktan. Mamatay ka lang!!"

Agad na pumunta sa likod ko si Denise at pinalibutan ang leeg ko ng braso niya habang nakatutok sa akin ang baril na hawak nito sa isa niya pang kamay.

Napatingin ako sa harapan namin na nandoon na sina Chase at mga ilang pulis. Napatingin ako sa tatlong kasama nito na nakababa na ang baril at pinusasan.

"Lumayo kayo kung ayaw niyong mamatay ito!!!!"

"D-Denise....bitawan mo siya!!! Ako ang kailangan mo diba! Ako ang kunin mo wag siya!!!"

"Ano ako baliw!!! Sa tingin niyo ba kapag binitawan ko siya ay walang masamang mangyayari sa akin!!! Mas maganda nang mamatay akong kasama siya!!!"

Agad kong kinagat ang kamay niya at tinulak siya palayo sa akin. Narinig ko ang pagdaing nito sa kinagat kong kamay niya pero bago ako makalingon sa kanya ay nakaangat na kamay nitong may hawak na baril at nakatutok sa akin. Parang nagslow motion ang paligid ng pinihit niya ang gatilyo ng baril at naglikha ito ng ingay. Hindi ako makahinga ng nagpaputok na ito.

"Wag!!!!!!!!"

.....

.....

....

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now