nineteen~~confrontation

1K 27 0
                                    

Madison's POV

Ilang araw na ang lumipas. Hindi na pumupunta dito sa company ni Sir Troy si Chase.....

Ok lang yun dahil mas mabuti nang wala siya dito.Nang gugulo lang naman siya sa akin.

"Madison, bulaklak para sayo.."

Napangiti ako sa sinabi ni Zero kasabay ng pag-abot niyon.Paalis na siya ng pinigilan ko siya...

"Amm....pwede bang last na ito.."

"Ayaw mo ng mga bulaklak na binibigay ko sayo.."

"No! Hindi iyun--"

"Dahil bumalik na siya sayo.."

"Mas lalong hindi doon, natatambakan na kasi ako ng mga bulaklak na binibigay mo, hindi sa ayaw ko sila, masaya nga ako kasi may bulaklak akong natatanggap pero kung laging araw-araw ay baka maging tindahan na ng mga bulaklak ang bahay namin...Naiintindihan mo ba ako?"

Tumango lang siya sa sinabi ko at nagpaalam na siya.Ano bang nangyari kay Zero at ganyan siya.....hindi naman siyang ganyan dati ehhh....

Napatingin ako sa cellphone ko na ngayo'y nag-iingay...

Oo nga pala, hindi na naggugulo dito si Chase pero sa cellphone ko naman...

Mr.Nobody.......yan ang name niya sa contacts ko.

Napatingin ako nang maraming beses iyun na tumunog at nang huminto na ay napatingin ako sa cellphone ko...

Seryoso.....20 missed calls at 10 messages na sa iisang numero lang at kay Mr. Nobody yun...

'Uy....'

'Bakit hindi ka nagrereply?...'

'Busy?'

'Hey!'

'Saan ka nakatira?'

'Tumatawag ako sago bakit walang sumasagot.....tapon mo na nga yang cellphone mo'

'Saan ka ba nakatira....wala na kayo doon sa dating tirahan niyo....ano na?'

'Ako na bahala kung ayaw mong sabihin...'

'Nakakainis naman....bakit ayaw mong sabihin kung saan ka nakatira....'

'I miss you...'

Nakakainis talaga.Kaya agad kong pinindut ang block kaya bahala siya...

Bumalik ulit ako sa trabaho dahil wala nang nangingialam sa akin....

Kinausap ko si Sir na maaga akong aalis dahil pinangakuan ko si Anna na ako ang susundo sa kanya. Nasanay na si Anna na magcommute mag-isa pero lagi siya rin kinukulit ng kapatid niya na sunduin siya o ihatid man lang ....

Hindi ko alam kung anong meron doon pero mukhang namang gusto niya lang na makasama ako.Lagi kasi akong nasa trabaho, tulog pa sila ay paalis na ako at gabi na ako nakakauwi kaya hapunan nalang ang naaabutan ko at agad na akong nakakatulog dahil sa pagod....

Siguro ay gusto niya lang ako makasama kaya pagbibigyan ko na siya at bonding na rin ito.....

Nang makaalis na ako ay dumeretso na ako sa mismong school ni Anna. Ilang minutes lang naman ay magdidismiss na sila kaya maghihintay nalang ako....

Napatingin ako sa pagilid na parang feel kong may nakamasid sa akin. Bumili ako ng mineral water dahil natetense ako sa paligid.

"Ate!!!!!"

Napatingin ako sa mismong gate ng school ng makita ko ang kapatid ko.

"Nandito ka?!!"

"Oo nandito nga ako...bago tayo umuwi ay pasok muna tayo sa Mcdo."

CS3: My Playful ExDonde viven las historias. Descúbrelo ahora