twelve~~ (past 12) insecurities

883 17 0
                                    

Madison's POV

"Oh, Papa,  panay na yang ubo niyo baka may sakit na kayo.Pahinga nalang po muna kayo."

"Madison, kailangan ko ring magtrabaho.Ano ka ba, simpleng ubo lang toh *cough* "

"Hay naku, matigas ang ulo.Ma!! pupunta na ako!!!"

"Sige anak! Ingat ka ahhh!!"

Lumabas na ako sa bahay.Nakita ko pang naglalaro sa labas si Anna kaya hinayaan ko nalang siya doon.

May usapan na kami ni Chase na hindi niya na ako ihahatid sa restaurant pero siya ang susundo sa akin.

Ilang minuto lang na pagbibiyahe ay nandito na ako sa tapat ng restaurant.Binayaran ko na yung driver at lumakad sa backdoor ng mismong restaurant na ito.

Nakasalubong ko pa ang isang katrabaho ko na nagtatapon ng basura.

Nang makapasok ako ay deretso ako sa locker para ilagay ang bag ko. Nagbihis na ako....

"Hi! Good morning " Bati sa akin ni Zero kaya bumati rin ako sa kanya.Akala ko talaga ay magkakaroon ng ilangan sa amin pero hindi.Malinaw na sa kanya na kaibigan lang talaga.Masaya ako.dahil tanggap niya yun.Akala ko talaga ay mahihirapan akong kausapin pa siya dahil sa nangyari pero hindi....

Ilang linggo na ang lumipas nung magkabati na kami ni Chase.Tanggap niya na si Zero na maging kaibigan ko.Yung OK na sila....

Ok na ang lahat pero hindi ko aakalain na may darating pa, akala ko happy ending na patungo kami ni Chase pero ang dami palang balakid sa aming dalawa.

Habang nagtratrabaho ako ay tinawag ako nung waiter.Gusto daw makilala nung kumakain yung nagluto ng pagkain niya.

Hmmm....Si Chase na naman toh...

Nag-ayos muna ako saglit tapos lumabas na ako.Nakita kong tinuro nung waiter yung naghahanap. Kasama ko sa likod si Zero.Ok lang naman kay Chase kung siya man...pero hula ko na siya yun....

Napakunot ang noo ko ng hindi si Chase yun. Kita naman sa likod nito na babae yun.May mahabang buhok at kung makahawak ng glass wine ay parang nasa isang royal dinner....

Lumapit na ako doon at kinausap na yung babaeng nakashades...

"Ano pong kailangan niyo sa akin?"

"Hmmm.....hindi ko aakalain na dito ka napunta, well sa kurso ba namang kinuha mo ay hindi nakakapagtaka"

Napatingin ako sa babae.Familiar sa akin ang boses nito.Hindi ko naman makilala dahil sa malaking shades na suot nito.Feeling summer sa loob ng restaurant.Wala namang nagsabi na may araw sa loob nitong restaurant para magsuot ng ganyang shades dito

Well....ewan ko nalang dito...

"Amm....yun lang po ba ang--"

"Ikaw ba ang nagluto nito"

Sabi niya habang tinutusok-tusok ang pagkain gamit ng tinidor.

"Opo....naway magustu--"

"Hmmm kaya pala, may nalasahan kasi ako dito. Lasang mang-aagaw ng boyfriend....alam mo yun?"

Halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin.Pati si Zero na gusto pang lumapit sa akin ay sinenyasan ko na huwag.

Kaya pala familiar sa akin ang boses niya.Dahil siya pala yan....

"Dahil yun ang nalasahan ko ay natandaan kita. At kung sinuswertahan ka nga naman at ikaw pala ang nagluto nito. Hahaha, halos hindi ko manguya"

"Ano bang problema mo Denise? Kung gusto mong pag-usapan natin toh ay sa labas tayo, hindi dito sa loob.Hilig mo pa namang gumawa ng iskandalo. Skill mo na yun, kaya makiusap sayo Denise sa labas nalang"

CS3: My Playful ExWhere stories live. Discover now