PROLOGUE

3.7K 56 9
                                    

All the characters, places and incidents were all created by the writer's imagination. Any similarity to anyone or anything were just a mere coincidence (except for the places and the icons that really exist in real life).

Don't replicate any literary works without the permission of the author.

This is a medical set up story, that is why a lot of medical terms was used. The medical informations were not intended nor implied to be a replacement for professional medical advice, treatment and diagnosis. All medical contents were used solely for the fictional characters and the story to be realistic. It does not replace the consultation of your own doctor and healthcare professional.

WARNING: SPG
This book contains several level of love, romance and erotic scenes. Submerge yourself into the digital pages of eroticism. Not suitable for very young readers.

Hindi mapakali si Nathan habang hawak niya ang kamay ni Arylle at nakikita itong masaya at nakangiti.

"Arylle..." Mahinang sabi niya pero dahil napakalakas ng ulan, hindi iyon narinig ng dalaga.

"Arylle..." Ulit uli nito na hinigpitan ang hawak sa kamay ng girlfriend.

"Hmmm?" Don pa lamang niya ito narinig.

Her smile everytime she is with Nathan is never-ending. They don't need to be in a romantic dates to make Arylle's heart pounding in so much happiness.

Just the sight of Nathan is more than enough for her to be happy.

Ang mahawakan lang ang kamay ng binata habang nakasandal siya sa balikat niya habang nagku-kwentuhan sila ng kung anu-anong mga bagay ay sapat na para maging kumpleto ang buong araw niya.

"I love you." Madalas niyang sabihin yon sa binata kahit saan basta maisipan niya.

Palagi na lang nagugulat si Nathan sa random moments na bigla-bigla na lang siyang magsasabi ng ganoon.

Minsan kahit nasa kalagitnaan sila ng ka-busyhan sa duty o kaya naman may pasyenteng inaasikao si Nathan, bigla na lang itong dadaan sa cubicle kung nasaan siya. Ibubulong nito ang tatlong salitang iyon at panakaw na hahalik sa pisngi ng binata saka tatakbo.

Kung totoo ngang lalanggamin ang mga tao sa sobrang ka-sweetan, matagal ng nilanggam si Arylle sa mga pinapakita niya kay Nathan.

Mula sa palaging pagbabaon nito ng masasarap na pagkain na talagang pinagpupuyatan niyang ihanda at iluto hanggang sa pag-aalaga niya sa binata na animo'y baby ito kung ituring niya.

"I love you." Sabi niya uli kay Nathan na hindi man lang bumaling ng tingin sa kanya.

"Sabi ko, I love you." Napansin niyang malayo ang tingin nito at humihinga ng malalim.

"Arylle..." Buntong hininga niya na seryosong tumingin sa girlfriend.

"Hmm? May problema ba?" Ilang araw na niyang napapansing balisa ang binata, pero natatakot siyang magtanong dahil madalas mainit ang ulo niya nang mga nakaraang araw.

"Maghiwalay na tayo." Napapikit at napalunok siya nang sabihin niya yon sa dalaga.

"Ano?" Gusto isipin ni Arylle na nagkamali lang siya ng pagkarinig.

"Maghiwalay na tayo." Ngunit inulit uli yon ni Nathan.

Hindi nakapagsalita ang dalaga dahil hindi niya alam kung ano ba ang isasagot sa sinabi nito.

"Arylle, maghiwalay na tayo." Pinipigil nito ang nakaambang na luha niya.

"May nagawa ba akong mali? Sabihin mo, itatama ko lahat yon. Masyado ba akong makulit? Masyado ba akong clingy? Nako-cornyhan ka na ba sa mga ginagawa ko? Nakakasakal ba ak-"

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now