Prologue

5.7K 114 10
                                    

PROLOGUE

THE GAY'S BILLIONAIRE

Maingay.
at
Mausok.

Ayan lang naman ang bumungad sa akin pagpasok ko sa isang bar na malapit sa condo ko. I'm not into this place pero dahil sa nangyari kanina sa akin ay ito lang ang alam kong paraan para makalimot.

"What do you want ma'am?" magalang na tanong nang isang bartender sa akin after I sit at front of him.

Nagpalinga-linga ako dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin.

"Ah. Yung nakakalasing ng husto kuya" nahihiyang sagot ko.

Natatawa na lang ito at may kinuha sa likod niya.

Inilapag niya ang isang bote ng alak at binigyan niya ako ng maliit na baso. Na shotglass kung tawagin nila.

Nang makaalis na yung lalaki ay binuksan ko na agad yung bote at nagsalin sa baso.

At first hesitant have at my face dahil hindi ko alam kung kaya ko lunukin yan.

Pero biglang nag flash sa harap ko yung nangyari sa akin.

Bigla bigla may tumulong luha sa mga mata ko. Agad kong ininom ang alak.

Napapikit pa ako dahil sa init na dumaloy sa lalamunan ko. Pero ipinagpatuloy ko na lang ang pag inom.

Hindi ko namalayan na nakararami na ako at nahihilo na ako dahil sa iniinom ko.

Naglabas na ako ng pera at inilapag sa counter.

Dahan dahan akong bumaba sa stool ng bar. Dahil sa hilo na nararamdaman, hindi na maayos ang paglakad ko. Pero pinilit ko dahil gusto ko siyang kausapin.

Gusto ko malaman bakit niya ginawa yun. Bakit niya ako iniwan at hindi sinipot.

Malapit na ako sa exit ng may nakabangga ako sanhi ng ma out of balance ako.

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil alam kung matutumba ako. Pero ilang minuto pa ang hinintay ko na walang masakit sa katawan ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at nanlaki bigla dahil sa taong nasa harap ko.

"Vandross?" kunot-noo kong tanong.

Nakahawak ang dalawang kamay niya sa bewang ko.

"Oh my gosh!"

Lalong kumunot ang aking noo at lalong inaninag ang mukha ng taong nasa harap ko.

At napangiti ako bigla.

"Vandross ikaw nga, binalikan moko" nakangiting saad ko at akmang hahawakan ang mukha niya ng bigla niya akong itayo ng tuwid.

"Girl hindi ako yung hinahanap mo. Kaloka ka ha. Oh my god! Ano bang nangyayari sa mga tao dito at ang dami nang umi—"

Hindi ko na siya pinatapos dahil sa halik na binigay ko sa kanya.

I miss him

Lalayo na sana siya pero hinawakan ko ang batok niya to deepen the kiss at ginalaw ko na ang labi ko.

At first nagpupumiglas pa siya pero kalaunan ay naramdaman kong tumutugon na siya sa halik ko. At ang halik na yun ay pailalim ng pailalim. It's passionate but at the same time aggressive.

I can't believe na binalikan niya ako. Sa pagkakataon na to. Siya lang ang nasa isip ko at mamahalin ko araw araw. Ang lalaking magiging ama ng mga anak ko. A man waiting at front of the altar while I'm walking to the aisle.

Vandross..

The Gay's BillionaireWhere stories live. Discover now