Chapter 17

30.3K 483 16
                                    

Chapter 17

Are You

BUONG biyahe ay tahimik kami ni Athena. Hindi na naman siya nagsasalita. Pero kahit gano’n, nagugustuhan ko ang katahimikan na bumabalot sa 'min. Malaya ko kasi siyang napapagmasdan. Sa bawat pagsilip ko sa kaniya ay umaakyat na naman ang paghanga ko sa kaniya. Kahit natatamaan siya ng kaunting sinag ng araw ay hindi nababawasan ang ganda niya. Kapansin-pansin ang blonde niyang buhok na kulot sa dulo. Nang-aakit na naman ang mga mapupungay niyang mga mata. Inaantok na, marahil. Bagay na bagay sa kaniya ang strapless niyang raffled blous e. She’s hot and gorgeous na tingin ko ay pinasadya ng Diyos na gawin siya para sa 'kin. Kaya lang, siguro, hindi pa ito naiintindihan ni Athena.

Sa muling pagsulyap ko ay nakita kong nakatitig siya sa Ipad ko na nakalagay sa dashboard. Kanina ko pa napapansin ang paninitig niya ro’n. Ba’t ba iyon ang tinitignan niya? Dapat ba 'kong magselos sa Ipad ko? Fuck, ang gago naman ng rason ko. E, nakakainis, e. Kung ako na lang ang tinitignan niya at hindi ang Ipad ko, ikatutuwa ko pa.  Damn, Danger, naririnig mo ba ang sarili mo? Kung nandito si Dwayne, malamang, pagtatawanan ka ng gagong iyon.

Pinilig ko ang ulo ko at sumulyap ulit kay Athena. Nag-iingat nga lang ako sa ginagawa ko dahil baka mabunggo kami. Ano nga kaya ang dahilan at gano’n ang tingin niya sa Ipad kong puti? Ilang sandal pa bago ko naisip ang sagot.

“Athena, do you want to listen to my playlist?”

Napatingin siya sa 'kin na nagtatanong. “H-ha?”

Napangiti ako. “Kanina ko pa kasi napapansin na tumitingin ka d’yan, e. Kung hindi lang ako sira, e, pati Ipad ko, pagseselosan ko na.” humalakhak ako sa sinabi ko.

Napangiwi siya sa halahak ko at sinapak niya 'ko sa braso. Sumimangot siya. “Ang tahimik kasi. Gusto kong makinig ng music para hindi ako mabagot,” katwiran niya.

Nag-kibit balikat ako. “Okay, okay.” Kinuha ko na sa dashboard ang Ipad at sandali akong nag-scroll down.

“Huy!” asik niya. “Nagmamaneho ka, tapos, nagse-cellphone? Baliw ka ba?”

“Oo, sa 'yo,” nakangising sabi ko. Sinamaan niya 'ko ng tingin at tumawa ako.

“Wait.” I scroll down once more until I found the song I want. Nang pindutin ko na iyon ay nilagay ko na sa dashboard ang Ipad ko at tinuon na ang sarili sa pagmamaneho. Maya-maya ay pumainlalang ang kantang nagpapaalala sa 'kin ng college days ko na nililigawan ko pa si Athena.

 

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet

 

Napangiti ako nang marinig ko ang kantang 'yun. That is my favorite song.

Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?

Tumingin ako nang saglit kay Athena na napansin kong napahaplos sa kaniyang mga balikat. Tingin ko ay nangilabot siya sa kanta. Do you remember now, Athena? It brought us memories, right?

Tumikhim siya. “Iyan ba ang madalas mong pinapatugtog?” she asked, not looking at me.

Tumango ako. “Yes.” Humugot ako ng malalim na hininga. “That is my favorite song for you,” I looked at her. “wife.”

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now