Chapter 45

55K 649 22
                                    

Alia's Note: Hi! So, this is the final chapter. Haha! Sorry kung bitin at may mga ilang questions na hindi masasagot ang mga tanong n'yo. I just want to end this like this. Just wait for the Epilogue, ha? Thank you for supporting Danger until the end. Alam kong marami silang pinagdaanan. Pero, kagaya nila, nakayo n'yo rin, 'di ba? Haha!

Nga pala, posted na po ang new story ko na sisimulan ko after ng Epilogue ng ISMW. Posted pa lang siya rito sa Wattpad. For Our Benefits ang title. Just guess who kung ano'ng series ang sisimulan ko. 

So, this is the end of Montecillo Brothers' Series#1. Brothers, kasi, may kuwento rin po si Dwayne. ;). Let us welcome a new series under FOB, Herrera Series. Thank you for the loves. Hugs!

--------------

Chapter 45

You are Tied

Tinakpan ko ang aking mukha at humagulhol. Makapal man ang kumot na nakatalukbong sa akin ay hindi ko maramdaman ang init noon dahil sa nangyari.

I want to blame Danger again. I want to blame him until I get tired pero ayaw ng puso ko. Na para bang masaya pa ito ngayon at kahit papano'y nakasama ko si Danger kahit na isang gabi na lang ang kaya niyang ibigay. Tama pa ba ang pagmamahal na ito? Nasaktan na ako lahat-lahat ay ayos lang?

Kung ito na lang, Danger, ang kaya mong iparamdam sa akin, tatanggapin ko. Masaya na ako. You said that I should trust you. I did trust you. And even you left me hanging now, I will still believe the fact that you still care about me.

Nasusugatan na nang matindi ang puso ko. But I am happy, dahil kahit saglit lang iyon ay hindi ako nagsisi dahil pinadama ko kay Danger kung gaano ako kasabik at nagmamahal sa kaniya. And the thing that he said that he loves me, it melted the three years of longing.

Habang pinapalis ko ang mga luha sa pisngi ko ay ay unti-unti ako natigil dahil sa pagrinig ko ng pagbukas at pagsara ng pinto. Sa pagtingin ko ay nakita ko si Danger na bakas ang gulat sa mga mata habang mariin ang pagkakatitig namin. Nang magtama na iyon ay nag-umapaw na naman ang mga masaganang luha sa mga mata ko. Malalalim na punyal ang tumutusok sa puso ko habang matamang nakatingin sa nakadamit na asawa ko ngayon. Danger, is it really true? You're here? You didn't leave me?

Napasinghap na lang ako at hindi inaalis ang mga mata sa kaniya habang siya ay puno ng pag-aalala na lumapit sa akin. Ang sakit ng lalamunan ko at hindi makapagsalita. Ang tangi ko lang nagawa ay pagmasdan siya na pinupunasan ang bawat likido na lumalandas sa pisngi ko kahit na malabo ang paningin ko.

"What happened, huh? Did you think that I leave you?" Bulong niya, nag-aalala.

Sa isang mabilis na paggalaw ay ipinulupot ko ang mga bisig ko sa leeg niya at niyakap siya nang mahigpit. Muli na naman akong napaiyak nang maamoy ang pabango na madalas niyang ginamit.

Damn it! Ang dami-dami kong naisip noong akala ko ay iniwan niya ako! Its okay for me if he find someone who is better than me. Its okay for me now. Hindi na ako maghahabol. I will let him find his true happiness. Hindi na ako magiging sagabal. Lahat ng iyon ay para sa kaniya. Para sa iyo, Danger. Kaya kong magkompromiso alang-alang sa iyo!

Naramdaman ko na lang na itinapat niya ang ulo ko sa dibdib niyang malapad. I could hear his heartbeat that is beating eratically. Does it for me, Danger? Does it really mean for me?

"Sshhh. Hush now, Athena. I'm sorry if I scared you," sambit niya, hinahaplos-haplos ang buhok ko.

"Y-you know what, Danger? I think so much things! For me. For you. K-kung ako ang dahilan kung bakit ka nahihirapan, I can set you free now. I will not be selfish about the freedom you want. H-hindi ako maghahabol. Hindi na ako makikiusap. Hahayaan kita. Masaya na ako kung panaka-naka na lang ang kaya mong ibigay. Na kakarampot na lang. Hindi ako magrereklamo. Kung mahal mo 'ko ngunit mas mahal mo siya, payag ako kung sa kaniya ka na. Basta, alam kong nag-aala ka sa akin. Na may puwang pa 'ko sa 'yo...ayos lang. Buong puso ko tatanggapin," humihikbi kong sinabi sa kaniya. Hingal na hingal man ay nagpapasalamat ako at nasabi ko rin sa kaniya ang matagal nang naiipon sa loob ko. Pero, hindi rin noon nabubura ang matinding kirot sa puso ko. Nanginginig ang buong katawan ko lalo na ang labi ko.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now