Chapter 21

28.2K 430 11
                                    

Chapter 21

Ako

Kahit na nakauwi na 'ko galing  trabaho, nasa isipan ko pa rin ang meeting kanina kasama ang Board of Directors.One month can flies so fast. I’m going to miss Athena, badly for sure. Hindi rin naman ako makatanggi kay Dad dahil ako ang nagpropose noon . Marami na kaming kliyente sa Amerika na humihingi ng bulku-bulko ng mga produkto naming. Gusto ko rin talagang mapalawak ang negosyo namin dahil din sa demands. Ginawa ko rin ang proposal na iyon noong mga panahon na sira pa ang relasyon namin ni Athena. Naisip ko kasi na baka iyon pa ang maging dahilan para maisip kong makipagkalas na sa kaniya.

“Danger, are you listening?” napatingin akong bigla kay Athena na kakatapos lang sa paglapag ng itim kong coat sa kama. Kumurap-kurap ako para makabalik sa huwisyo. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na tuloy namalayan na kinakausap niya ako.

“I’m sorry. Ano nga ulit ang sinasabi mo, Athena?” tanong ko.

Pinagpagpag niya muna nang panaka-naka ang coat ko, saka kinuha iyon at pinatong na sa likod ko sa may balikat. Pinadulas ko na sa butas ng mga longsleeves ang mga kamay ko at inayos ang ibabaw pagkatapos.

Nginitian niya ako nang tipid. “Birthday ni Dad sa Sunday,” mahinahon niyang pag-uulit.

Natigilan ako saglit. Oo nga pala. Nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na iyon.

I smiled back at her. “Sige, pupunta tayo.”

Hindi siya tumugon ng kahit na ano sa sinabi ko. Pinagmasdan niya ako nang maigi. “May problema ba…Danger?”

Muli akong natigilan sa tanong niya. Umiling ako. “Wala naman. Ba’t mo natanong?”

“Ang tahimik mo kasi kanina pa,” naging komento niya.

Natahimik ako nang bahagya pero nakabawi rin. Nginisihan ko siya at nagpamulsa. “The reason why I’ve been quite a bit is because I’m staring at you, my wife. Natulala ako dahil ang ganda mo. Mas lalo kang gumaganda habang tumatagal.”

Tama naman. Naka-berdeng floral dress siya na hapit sa baywang niya. Wala man siyang make-up, hindi naman siya mukhang haggard.

Sumimangot siya at umirap. Pero nahuli kong ang pamumula ng kaniyang pisngi. “Ewan ko sa 'yo. Bilisan mo na. Aalis na rin ako.” Walang pasabi niyang nilagpasan ako at umalis na sa kuwarto ko.

Ayaw mong maniwala, Athena? Totoo naman ang sinasabi ko, ah?

Sumapit din ang Linggo. Tumungo kami ulit ni Athena sa Maravilla sa Gen. Trias. Noong pinaparke ko pa lang sa garahe ang Montero ay bumungad na ang mga bisita ng kaniyang Dad na naglalakad paroon at parito. Pagbaba namin sa Montero ay marami ang bumati sa 'min. Karamihan ay mga business partner ni Dad.

“Athena, is that you?”

Lumingon kami pareho sa nagsalitang iyon. Isang babaeng nagsusuot ng kumikinang na violet dress ang nakita namin.

Isang matamis na ngiti ang pinaskil ng asawa ko. “Niña! Long time no see! Kumusta ka na?”

Lumapit naman iyong babaeng nagngangalang Niña at nakipagbeso kay Athena. Hindi ko pa kailanman nakikita ang babaeng ito.

“Okay lang,” sagot nito. “Actually, kadarating lang ng family ko from US. Grabe, 'til now, naninibago pa rin ako sa klima ng 'Pinas. It’s been 10 years since I flew.”

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now