Chapter 30

27.4K 414 9
                                    

Chapter 30

Guilt

Saka lang ako nakabalik sa huwisyo nang makita kong tumayo si Vlad at sinalubong ito ng yakap. Si Jes naman ay hindi alintana na ginantihan ng yakap ang gago kahit na halata na may intensyon si Vlad na manyakan siya. Bumagsak agad ang mga mata ko sa suot niyang itim na microskirt na sobrang ikli na kulang na lang ay mag-panty na siya at para siyang ulam na nakahain sa lahat. Fuck! I told her before that she shouldn't be wearing those kinds of clothes!

Huhubarin ko na sana ang aking jacket nang matigilan ulit ako noong magsalita ang isang pamilyar na tinig na matagal ko nang hinahanap.

"Get your fucking hands off her you fucking asshole," mahinahon ngunit bakas ang banta sa boses ni Will. Tiyak akong siya iyong nagsalita dahil hinabaan ko pa an gang aking leeg upang makita siyang nakatindig sa likod ni Jes na ngayon ay nanigas na.

Agad na tinaas ng manyak na si Vlad ang kan'yang kamay. "Woah! Sorry, Will. I didn't see you coming," halakhak nito. Halata sa histura nito na inaasar niya si Will.

"I know your dirty games, Vlad, and I won't let Jes be one of your fucking victims." Nanilim ang anyo nito at umigting ang kan'yang panga.

Vlad shrugged his shoulder. "Alright. Possessive asshole," ngisi nito at umiling.

Habang sinsundan kong umupo si Vlad sa sofa ay nakita kong nag-iwas ng tingin si Will at nagmura. Agaran niyang hinubad ang kan'yang black coat at itinali sa baywang ni Jes. Iilag pa sana si Jes pero sinamaan lamang siya nito ng tingin. Umirap ito at binalik ang ngiting nawala kanina.

"Kumusta kayo?" tanong ni Jes na para bang walang nangyari kanina. Umupo ito sa binigay na upuan ni Irwin.

Sumagot naman ang tatlo at sila ang nangamusta naman kay Jes. I could see Will's eyes guarding every Jes' actions.

"Ikaw, Danger, kumusta?" I blinked when Jes turned her eyes on me. She's smiling sweetly, like there's nothing happen between us before.

I cleared my throat and tried to answer her smile too. "I'm okay and fine, Jes."

Napatango-tango lang siya. Muli niyang binalik ang atensyon sa mga kaibigan ko na naging kaklase niya noon. Binaling ko naman ang tingin kay Will na panay ang lagok ng JD at mariin pa rin ang pagkakatingin kay Jes na abala pa rin sa pakikipag-usap sa kanila.

"Pa'nong nandito ka sa America, Will?" hindi ko na napigilan siyang tanungin. Nasa bibig pa ni Will ang baso pero tinignan niya ako. Lumagok siyang muli bago ibinaba ang baso sa lamesa. Pinunasan niya nang mabilis ang labi niya at humarap sa akin.

"I'm following what's mine," seryosong niyang nasabi.

I confusingly stared at him. What the heck is he saying?

"Hindi mo ba alam na matagal na kitang pinapahanap sa kompanya? You've been out for almost a month, Will!" pinilit kong 'wag lakasan ang boses ko pero hindi ko rin napigilan. Buti na lang at hindi napapansin nila Arnold ang mundo namin dito ni Will.

"You can terminate me, then, Danger," walang anumang sabi nito at nagsalin ulit ng JD sa baso niya. Ano ba'ng nangyayari sa isang ito at tila ba, eh, binabalewala niya ang trabahong inalagaan niya ng halos dalawang taon?

"Gago! Mag-resign ka na lang kung gusto mo," iritado kong nasabi.

"Danger..." nang tingnan ko siya ay nakita ko ang kaseryosohan sa mga mata nito. "Don't ever enter---"

"Hoy! Nagkakabaklaan na kayo d'yan, ah?" pareho kaming natigilan at napalingon sa mga nagtatawanang sina Irwin, Arnold at Ezekiel. Natawa rin si Jes.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu