Chapter 6

38.6K 574 25
                                    

Chapter 6

Unfair

Bumuntung-hininga ako. Ang dapat sana’y pagdalaw ni Dwayne para kamustahin kami ay nahantong sa pagtatalo naming dalawa. And its not the usual sibling war that we had. Dwayne is my best bro. Hindi naman nawawala sa magkapatid ang madalas na tampuhan at iringan. Gan’on kami minsan. Pero hindi naming hinahayaan na magtagal iyon. Hindi natatapos ang isang araw na hindi kami nagkakaayos n’on.

But this one is different. It’s Athena that we are talking about. At alam n’ya kung ga’no ko ito pinaghihirapan. Kaya kong isuko ang lahat para sa kaniya. Kayamanan, karangyaan, pamilya at kung ano-ano pa. But Athena? Setting her free? It’ll just like you’re going to kill me. Athena is my life. And without her, my life is worthless.

Sa ngayon ay maayos-ayos na ang hitsura ni Athena. Wala nang bakas ng ginawa ko sa kaniya. Mas naging malala nga lang ang naging pagtrato niya sa akin. Ano pa nga ba’ng aasahan ko? Nasaktan ko na naman siya. At paniguradong mas malamig pa sa noong pakikitungo niya sa akin ang mangyayari ngayon.

Tahimik lang kaming nag-agahan. Para talaga kaming hindi mag-asawa sa ganitong lagay. Sa isang pamilya, natural lang iyong maingay kayo. Masarap nga iyon dahil doon mas nagiging matibay ang pundasyon nito. Kasabay ng pagkain ay aalamin n’yo ang buhay ng bawat isa. Kamustahan. Ano ang ginawa n’yo sa loob ng isang araw. Hindi man lang namin iyon naranasan ni Athena. Sa makalipas na isang taon namin bilang mag-asawa, ni minsan ay wala pa akong nararanasan na ganoon sa aming relasyon.

“Ihahatid na kita,” hindi iyon suhestiyon kundi utos na hindi niya puwedeng tanggihan. Nang basahin ko ang kaniyang reaksyon ay hindi ko man lang siya kinakitaan ng takot. Ni hindi rin siya naglaan ng lakas na tingnan ako. Nakatuon lang ang kaniyang mga mata sa plato niyang hanggang ngayon ay hindi nagagalaw ang laman.

“Ayoko,” malamig ang dating ng kaniyang boses.

Sinamaan ko siya ng tingin. “”Whether you like it or not my wife, I will fetch you.”

Kita ko ang pagngiti niya nang matabang. “E, di, bahala ka.” Nag-angat na siya ng mukha. “Kahit naman na tumanggi ako, ikaw pa rin ang masusunod, 'di ba?”

Tahimik na lang akong yumuko. “Kumain ka na. Baka ma-late ka.”

Nag-ayos na kami pareho para makapasok sa trabaho. Ako ang kadalasan na nag-aayos ng sarili ko. Bigla ko tuloy naalala na naikuwento ng isang empleyado ko kung ga’no n’ya ipinagmalaki ang kaniyang asawa niya na madalas na nagta-tie at naghahanda ng mga gamit niya sa pagpasok sa trabaho. Simpleng bagay lang iyon, kung tutuusin, pero nakakainggit. I want Athena to fix my tux and tie. I want her to stare at me and take good care at me. But it sound ridiculous 'coz I’m hoping for nothing.

Hinanda ko na ang nakagaraheng Civic at inantay ang pagdating ni Athena. I make sure that the car is good. Ayokong maging iritable si Athena sa buong biyahe. Huminto lang ako sa ginagawa ko nang maaninag ko ang tuhod ni Athena sa gilid ko. Tumayo na 'ko at hinarap siya. Pinasadahan ko siya ng tingin. She wore a black blazer, blue spaghetti but not that revealing, black palda na hanggang tuhod at 1 inch na heels.

Akma na 'kong bubuksan ang pintuan ang pintuan sa tabi ng driver’s seat ngunit natigil akong bigla dahil agad niya ring binuksan ang passenger’s seat. Fuck! What is she thinking? I’m his fucking driver? Na nandidiri siya sa 'kin? Fuckin’ shit!

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now