Chapter 5

42.8K 583 9
                                    

A/N: Uulitin ko po. Ito ay may pa-flashback to present. And this chapter will go back to present times :). Next update, I do hope so, is Wednesday :)

Chapter 5

Sudden Outburst

 

"So, your name is Athena. 'Came from the Greek Myth. Goddess of Wisdom. Nice," komento ko habang tinititigan siya.

Nakakagulat na kahit pagod na ako kakalakad, I don't care. Nag-e-enjoy ako sa aming pag-uusap. Kahit na sa totoo lang ay halos tumambling na 'ko, magsalita lang siya. Ang tigas din ng babaeng 'to! Ilang pagtatalo pa ang napagdaanan ko bago ko siya mapagsalita ng pangalan niya. We quarreled and quarreled back then. No'ng una ay ayaw niyang magpatinag. Kung hindi ko pa siya tinakot na hahalikan ko siya, hindi siya magsasalita.

Tumaas ang kilay niya. "Ano ngayon? Tinatanong ko ba ang meaning ng pangalan ko?"

Tss. Maldita talaga. Napakamot na lang ako sa batok at tinuon ang tingin sa nilalalakad.

"Hoy, alam mo ba talaga kung sa'n tayo pupunta? Baka naman hindi mo alam," Mataray niyang sabi.

"Calm down, Athena, alright? Alam ko kung sa'n tayo." Medyo niluwagan ko ang necktie ko. "Ganito. Kung makakalabas tayo nang ligtas, I'll kiss you. Kung hindi, I'll be your slave. Are you in?"

Natigilan siya at napanganga. "Ano?!" Sigaw niya nang makahuma. "'Di na! Manyak ka talaga! Bastos!"

Humagalpak ako ng tawa. "Ayaw mo no'n? We'll both benefit. If I win, you lose. If I lose, you win. Simple lang," nakangising sabi ko.

She rolled her eyes. "Ewan ko sa 'yo. Ikaw lang ang makikinabang. Manyak!" Nanggagalaiting aniya.

I chuckled. "Okay. Just trust me. Alam ko 'tong lugar na 'to kasi..."

Kailangan ko bang sabihin na Montecillo ako?

"...kasi napuntahan ko na 'to dati no'ng sinubukan kong gumala. Napansin ko lang. Umiiyak ka ba kanina? I noticed that you've been wiping your tears."

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at umawang ang kaniyang bibig na binalingan ako. Maya-maya ay itinikom niya ang kaniyang bibig at hindi kumibo. I thougjt she would say anything but instead, she looked away and walked again. "Ang daldal mo. Kalalaki mong tao, 'dami mong sinasabi," angil niya.

Woah. I was just asking if she's crying and then she said that I'm a talkative one? Damn. Siya na nga ang tinulungan, amazona pa rin. I should have known. Athena. Amazona. Tss.

 

Patakbo kong hinabol siya. "Hey! Be careful! You don't know this place. Baka maligaw ka lang!" Nilakasan ko ang boses ko upang marinig niya.

"Oo na!" Singhal niya.

Nang nahabol ko ulit siya ay nagkuwento ako nang magkuwento. Ako ang madalas na talak nang talak. Madalas akong magtanong kaso ang tipid talaga sumagot. Kung minsan, binabara pa 'ko. Damn girl.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now