Epilogue

63.1K 771 67
                                    

 Alia's Note: Let us give the floor to the one who started it all. Thank you, guys, and Merry Christmas! See you in For Our Benefits!

By the way, posted na po ang For Our Benefits. Please check my account. Thank you.

Epilogue

"Ayos lang ba na gawin mo 'to, Camilla?" tinignan ko ang babaeng morena sa tabi ni Geronimo. Narito kami sa Study Room ko upang pag-usapan ang planong niluluto ko para kay Athena.

Tumango agad siya. "Opo, Kuya. Pinaghandaan ko na ito. Isa pa..." huminga siya nang malalim. "Magiging malaki ang tulong nito sa gagawin ko," nakayukong sambit niya.

Tinitigan ko siya. Nitong isang araw ay naghanap ako ng babaeng puwede kong palabasin na karelasyon ko para ipakita kay Athena na unti- unti na akong nakaka-move on sa kaniya. Ginagawa ko ito dahil ito na lang ang nakikita kong huling pag-asa para tuluyan nang hindi makatakas sa akin si Athena. If she really loves me, she will do everything to win me back.

"Nasa likod lang ako ng kapatid ko."

Nilingon ko ang nakaakbay nang si Geronimo kay Camilla. They are siblings. Siya ang naglapit sa akin ng kapatid niya. Noong una ay hindi talaga ako pumayag, lalo na't noong nakita ko ito na halos ay pitong taon na mas bata sa akin. Mukha nga lang na matured siya sa hitsura niya. Kaya lang ay ito ang nakiusap sa akin. Ang sabi niya ay malaking tulong ito sa kaniya at gagawin niya ito dahil sa personal niyang rason.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Okay. I will give you by tomorrow iyong mga gagawin mo."

"Kuya, why do you look like a constipated shit? This isn't your first marriage!"

Umirap ako sa mapang-asar na halakhak ni Dwayne. He's in his white coat while I am wearing a black coat. He's my best man in my second wedding.

"Ah...as far as I know, Dwayne, you were in my same situation also when you were getting married. You were so anxious kung sisiputin ka pa ni Olga. Ni hindi na nga halos maipinta ang mukha mo sa sobrang putla," balik-asar ko sa kaniya. Siya naman ngayon ang umirap. Tumawa ako dahil nakuha ko siya ro'n. Epic naman kasi ang hitsura niyang iyon.

"O, tama na iyang asaran n'yong dalawa," pag-aawat ni Dad. "She will be arriving in less than thirty-minutes."

Dinagundong ako lalo ng kaba. Calm your shit, Danger. Malapit na. You will see her wearing that beautiful gown.

Sinimulan namin ang plano. Pinaimbestiga ko kay Geronimo kung sino'ng inupahan ni Athena upang malaman ang kalagayan ko rito sa Pilipinas. Pinasadya namin na magpakalat ng litrato na magkasama kami ni Camilla. We even spread wrong information about her. We let it extend to social media. Hinayaan namin na ganoon ang ipakalat na balita ng mga tao. Hindi nga lang ako naglabas ng impormasyon ukol kung itutuloy ko na ang annulment namin ni Athena. At parte iyon ng plano ko.

Alam ni Dad ang lahat ng kabalastugan ko. At alam ko rin ang dahilan kung bakit hindi ako binalikan ni Athena. She doesn't need to explain it 'coz I understand. All I need is for her to claim me back. To back in my arms again and tell me that she loves me. I am just waiting for her.

Ngunit kahit dumating na siya sa Pilipinas at ipinakita ko sa kaniya ang pekeng papeles para sa annulment namin ay wala pa rin siyang ginawa. Wala talaga siyang ginawa! At ang mas nakakatawa pa, mukhang balak na nga niya akong palayain. Damn this woman. Iba yata ang iniisip niya, ah? Iba sa gusto kong mangyari. Tsk.

At hindi nga ako nagkamali. She wants to set me free. She wants to pursue the annulment. She wants to end the marriage that I'm still fighting 'til now. I shook my head in dismay. This was not what I have expected from Athena. She's strong and unwavering. Nasaan na ang lahat ng iyon? Sumuko na talaga siya? Nawalan na ng pag-asa? Ayaw na niya?

No. I will end the agony now. I will end her sufferings. Maglalatag na sana ako ng plano para isorpresa siya ngunit ako ang higit na sopresa. She felt very sorry for what happened on us and on our marriage. I saw how she trembled. Iyong klase ng panginginig na gustung-gusto ko talaga at pinanabikan ko. Na ang panginginig niyang iyon ang nagsasabi kung gaano na niya ako kamahal. Na natatakot siyang mawala ako. Na alam kong may nararamdaman siya sa akin hanggang ngayon.

And I made love with her until I couldn't see anything. Halos mapaiyak ako sa kaligayahan noong naramdaman ko ang panginginig niya sa ilalim ko. Ang mga halik niya na malalalim at nakakapayanig, ang mga kalmot niya sa aking likod at ang mga pagdaing niya sa pagtawag ng pangalan ko. Dammit, I could surrender everything just to experience it again. I am so dying for it!

Sa isang hudyat ng pagbukas ng double doors ng simbahan ay agad siyang lumitaw suot ang kaniyang belo na nagtatakip sa kaniyang mukha. Sa malayo pa lang ay napansin ko ang matamis niyang ngiti. That smile that comes from the bottom of her heart. Nakita ko ang paghagilap ng mga mata niya sa loob ng simbahan. At nang magtama ang mga paningin namin ay kumislap ang mga mata niya at nangilid ang mga luha. My face was burning hot, too, as tears wants to fall on my eyes. Thank you, Lord, for bringing back Athena into my life. I owe everything to you. This day forward, I will keep her and treasured her. Those painful events that already happened in our marriage life became my lesson and I took it as a positive experience for us to grow.

Thank you, too, Athena. Thank you for loving me. Would you believe that my love for you is fierce and strong? I know you do. Pagkatapos nito, magsasama na tayo. I will marry you eternally 'til you will get no reason of leaving me anymore. We will never get tired to each other. Sabay tayong lalaki at magtitiwala. Yayakapin natin ang relasyon na 'to ng pagmamahal at tiwala. Wala nang makakatibag sa atin. Wala na talaga.

Hinatid siya sa altar ng kaniyang mangiyak-ngiyak na Daddy. Nagkatinginan muna kami ni Daddy bago niya matapang na binitawan ang kaniyang anak at ibinigay sa amin. I saw her Mom, too, who is crying while sitting in her wheel chair. She made thumbs up for me. I mouthed my thank you too to her.

Pinatong niya ang kamay ni Athena sa amin. Mapula na ang mga mata nito. "Take good care of my daughter, please, Danger."

I nodded and smiled him with assurance. Noong kami na lang ni Athena ang natira ay tiningnan muna namin ang altar bago magkatinginan. Parehas naming pinalis ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aming mga mata.

Kinuha ni Athena ang mga palad ko at tinungo iyon sa kaniyang labi. Napasinghap ako nang halikan niya iyon nang mariin. "I love you, Danger. I am madly in love you," buong pagmamahal niyang sabi, nanginginig ang panga.

Hinaplos ko gamit ng isang kamay ang kaniyang pisngi. Nang hinalikan ko siya ay nalasahan ko ang alat sa masagana niyang luha. "I am madly in love with you, too, Athena," bulong ko pa

Finally, she's mine eternally now.





I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now