Chapter 3

54.9K 658 4
                                    

I’m Sorry, My Wife

Written by: Alia_Sy

A/N: Baka po pala maguluhan kayo sa transitions ng events. Inuulit ko po. May ilang flashbacks ito and present time na. Malalaman n’yo naman po kung flashbacks ito, e. Kapag nag-iiba ang POV’s ni Danger. Haha. Ang present nito ay mapopost next chapter after pa ng isa pang chapter.

For updates, add me on: https://www.facebook.com/balckheart.stories?fref=ufi

Chapter 3

That Girl

In just matter of God's time, we're here at last at that event that time. Panigurado nang tatamarin ako ro'n dahil noon pa man, alam ko namang walang patutunguhan ito. Kadalasan ang mga taong narito ay walang alam gawin kundi ang makipagsosyalan at magpayabangan kung gaano sila kayaman. They like fame, money, glam and fucks. Tss. 'Tuloy, kailangan kong umakto na kunwari ay interesado ako na kahit ang totoo ay hindi.

Bumaba na kami sa Camry. Pagkalabas pa lang ni Dad, sumalubong na agad ang isa sa mga event coordinator ng Business Expo.

 "Sir Montecillo!" He smilingly began. "We're glad that you came," he added.

Inilahad ng lalaki ang kamay nito sa aking ama. Ngumiti lang nang tipid si Dad at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Pagkatapos ay sinulyapan kami ni Dwayne noong bumaba na kami sa sasakyan. Bumalik na ang tingin niya kay Dad saka iminuwestra ang red carpet at pinalakad na kami roon.

"Dwayne! Stop playing with your PSP!" pabulong na saway ni Dwayne na nakaharap noon na naglalakad.

Bumusangot ang mukha ni Dwayne at umirap kay Dad. Hininto niya agad amg paglalaro. "Why he needs to stop me from playing my PSP? I didn't do anything bad," humalukipkip na reklamo pa niya.

 "Parang 'di ka na nasanay," kibit-balikat kong ani.

We're here at the business expo at Gateway Business Park. Maraming mga bigating business officials ng iba't-ibang mga kumpanya sa Pilipinas ang nagtipon-tipon dito para pag-usapan kung sino ang gustong maging customer ni ganito at ni ganiyan. Kadalasan na narito ay mga Japanese, Americans at Koreans. Narito kami dahil kada taon, kailangang makipag-deal ni Dad sa mga ito. Makikipag-transact siya sa mga ito at kung magustuhan naman ni Dad ang proposal nila, magiging customer nila si Dad. We owned one of the largest electronics company here in the Philippines - DJM Electronics Manufacturing Corporation. Gumagawa kami ng chips at connectors ng charger ng celphone, cameras, digital cameras etc. Kaya marami ang  gustomg mag-endorse ng proposals nila sa amin o 'di kaya ay bumili ng items namin ay alam nilang isa kami sa tinitingalang electronics manufacturer sa bansa. Bukod sa Gateway na Main branch namin, may mga subsidiaries din kami sa Cebu, Davao, Bulacan America, Japan, etc.

Habang naglalalakad kami sa red carpet, nag-pa-flash naman ang mga camers at kinukuha ang bawat galaw at paglakad namin sa venue. Sanay na kami sa ganito dahil maraming mga media ang gustong kumuha ng balita sa event na 'to. Dad exposed us in this kind of business since then. Hindi naman talaga ako nakikinig sa event na 'to. Makikinig na lang ako sa iba kong kakilala.

"I'll leave you two here. You can mingle with your friends, but please, be matured enough," seryosong pakiusap ni Dad sa huli.

 Umupo muna kami ni Dwayne sa upuan kaharap ang round table bago sumagot ng oo. Umalis si Dad at nakipag-usap sa ilang Japanese Businessmen na lumapit sa kaniya.

"No signs of Dad now," salubong ang linya ng noo kong bumaling kay Dwayne na nakangisi.

"Adik," nakangising sabi ko habang pinapanood siyang nilalabas ang black PSP niya.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now