Chapter 31

25.4K 372 9
                                    

Chapter 31

Friendly Kiss

I know what I did was right. Alam kong mahalaga kay Athena na maging totoo ako sa kan'ya, ngunit dahil sa distansya namin ay alam kong hindi rin maganda na magsabi ako ng totoo nang basta na lang. Kahit papaano ay may namagitan sa amin ni Jes at kahit na hindi na sabihin sa akin ni Athena nang harapan ay alam kong malaki ang naging epekto noon sa kan'ya noong panahon na nagsasama kami ni Jes. Ayoko nang masira ulit ang relasyon namin nang dahil sa maling akala at hinala. Ngayong malayo kami sa isa't-isa, marami siyang maaaring isipin sa amin ni Jes kung sakali. Malaki man ang tiwala sa akin ni Athena ay ayokong sumugal. Kailangan kong mag-ingat sa pagkakataong ito. Ayoko nang mawala si Athena sa akin. I know that this is a damn wrong move, but I promise that I'll tell Athena once I get back in the Philippines. There's a right thing for everything. Not only now.


Isa pa, alam kong hindi na kami magkikita ni Jes. Mas abala na ako ngayon dahil pinagtutuunan ko nang pansin masyado ang mga ipre-present ko sa Belford. Ngayon nga ay hindi ko mabuksan ang aking Skype upang kamustahin si Athena dahil dito. Importanteng kliyente ang Belford at sa akin nakasalalay ang lahat , kaya dapat ay maging maayos ang kahihitnatnan nito.


Kinabukasan ay pumunta ulit ako ng Belford. Iprinisenta ko na ang slides na dalawang araw ko ring pinaghandaan. Kabadong-kabado ako habang nagsasalita sa big bosses ng kompanyang iyon. All their eyes were set to me, like they're watching if I'm going to commit mistakes or say something wrong. Matapos ang isang oras na diskusyon at tanungan ay natapos din ang meeting namin. Doon ay nakahinga ako nang maluwag pansamantala. Bukas ko pa malalaman ang magiging resulta ng meeting na iyon, depende pa sa availability ng mga iyon. I want to think of positive results. I really hope so. Baka mapaaga pa ang uwi ko at makikita ko ulit ang taong mahal ko. I miss Athena so bad.


Tirik na tirik ang araw nang makalabas ako sa building ng Belford. Papunta na sana ako ng sasakyan nang bigla akong matigilan dahil sa isang pamilyar na tinig. Napalingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses na iyon. Biglang namilog ang mga mata ko nang makita ko si Jes na malambing na lumapit sa akin.


"What are you doing here?" buong pagtataka kong tanong. Pasaglit kong tiningnan ang kan'yang kabuuan. Naka-white tee shirt siya na may imprenta na, "I'll be chasing you no matter how far you are" at skinny jeans.

She warmly smiled at me. Lumabas ang malalim niyang dimple sa kabilang niyang pisngi. "Naisip ko kasi na i-treat ka dahil sa paghatid mo sa 'kin sa Copper. Pupuntahan sana kita sa tinutuluyan mo, pero, hindi ko naman alam ang address mo. Good thing I have Zeke's number. I called him yesterday kung sa'n ka makikita. Nagulat naman ako na dito ka lang pala sa Belford makikita."

Nanliit ang mga mata ko. "What do you mean na dito lang pala ako sa Belford?"

"Bukod kay Zeke, kakilala ko rin ang Operations Manager nila. Kaya, ayun, alam ko ang Belford," paliwanag niya.

I think she's telling the truth. She's not following me like a stalker, right?

"So, come on! I'll treat you in Starbucks," alok niya.

Umiling agad ako. "No, sorry, but I won't accept your offer. I helped you voluntarily so there's no need of you treating me. Wala namang kaso sa akin iyon."

Biglang nabura ang ngiti sa labi niya. Wait, did I getting rude in front of her? I'm just telling the truth here. She doesn't need to do that to me. Hindi naman ako nanghihingi sa kan'ya ng kahit na ano.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon