Chapter 18

29.9K 455 15
                                    

A/N: Hi! I have a new story entitled, "After That Night". May malaking koneksyon siya sa IMSW. How? Secret ;)

You can add me through to this account: https://www.facebook.com/AliaxxWattpad

PS. I re-edited this. :)

----------------

Chapter 18

Sumali Tayo

DAHIL hindi ko na nabilhan si Athena ng kape dahil sa nangyari kanina ay dumaan na lang kami sa Starbucks sa Tagaytay. Pagkatapos ay nagpatuloy kami ng biyahe hanggang sa marating na namin ang Nasugbu. Napansin ko na puro kabukiran ang nadadatnan ko sa bawat paglagpas niyon sa 'min. Kinuha ko mula sa dashboard iyong Gift Certificate na binigay ni Dwayne. Nakasaad do'n na sa Alix kami pupunta. Mga ilang kilometro pa ang minaneho ko bago kami pumunta sa talagang destinasyon namin.

        Marami nang tao ang nakikita namin nang marating namin ang mismong Alix. Eksaktong alas-nuwebe nang makarating kami. Naghanap lang kami ng mapapag-parking-an at bumaba na kaming pareho ni Athena sa Montero. Habang naglalakad kami bitbit ang mga dalahin namin ay nakakasalubong kami ng mga expats at mga locals. Kadalasan ang naririnig ko ay iyong mga Batangueño. Isang private resort itong Alix. Ngayon lang ako nakadayo rito. At ang suwerte ko dahil tinanggap ko ang alok ni Dwayne.

        Habang naglalakad kami, nilapit ko ang sarili ko sa gilid niya. Nakita kong ang isang kamay niya na malaya at walang hawak. I want to hold her as we like a good couple. Even just for a moment. Pasimple kong pinadulas ang kamay ko sa kaniya at pinagsalikop iyon. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya pagkatapos ng ginawa ko. Parang nga 'kong may nagawa na kasalanan sa ginawa ko. Isang matamis na kasalanan.

        Akala ko talaga ay bibitawan niya ang kamay ko, pero, tinugon niya ang ginawa ko. Damn! For the first time, she held my hand, too! Mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko para maramdaman niyang hindi ko na siya bibitawan pa. Ang lambot ng kaniyang kamay! My dreams are starting to come true. Iyong makasama siya na magbakasyon kahit saglit lang. Iyong masolo ko siya dahil asawa ko na siya, masaya na 'ko. Nag-check-in kami sa loob ng hotel ng Alix.

        "Room for one, Miss," sabi ko sa receptionist na kanina pang tulala at hindi ko malaman kung bakit.

        Nakita kong tumaas ang kilay ni Athena. "Miss, narinig mo ba ang sinabi ng asawa ko?" masungit na tanong ni Athena, hawak ang isang strap ng kaniyang bag.

        Napakurap agad ang receptionist at nataranta. "Ah, yes, Madame. Sir, sorry po," paumanhin niya.

        Inangkla ko sa braso ko ang maliit na baywang ni Athena. "'Kaw talaga, Athena. Tinatakot mo 'yung receptionist. Hindi iyan makakapagtrabaho nang maayos," halakhak ko. Itong si Athena, o! Hindi maubos-ubos ang pagseselos! 'Sarap halikan ng isang ito.

        Tinaliman niya ako ng tingin at umirap. "Bilisan mo na nga nang makapagpahinga na tayo!"

        Sumaludo akong humarap sa kaniya. "Yes, Ma'am," ngisi ko.

        In just few moments, we were occupying our room, finally. Pinasya kong pangdalawang tao ang kama na nirentahan ko dahil alam kong hindi pa gusto ni Athena na magkatabi kami. Habang palinga-linga kong pinagmasdan ang buong kuwarto at pupuriin sana ang kalinisan nito ay bumagsak ang titig ko kay Athena. Nakatayo siya sa balkonahe at nakatanaw sa labas. Kita ko ang maalon-alon niyang buhok na sumasayaw sa hangin. Napakatahimik. Ang tangi ko lang naririnig ay ang pagtunog ng wind chimes, ang alon ng dagat, at ang naghuhuramentado kong puso.

        Paunti-unti akong lumapit sa likod ni Athena. Langhap ko na agad ang pinaghalong lotion at pabango na umaalingasaw sa balat niya. Dahan-dahan kong pinulupot sa maliit niyang baywang ang bisig ko.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now