Trivia and FAQ

41.5K 321 38
                                    

Alia's Note: Tomorrow will be the update for For Our Benefits. Thank you!

So I guess, I should do this in order for all of you to know my thoughts about the story.

1. How did I come up with the story itself?

Beforehand, after Casanova's Fall, I thought that time that I should shift my genre from Teen Fiction to Dark Adult. Kasi, masyado na akong enough sa mga sweet gestures ng kabataan. Natanda na, e. Kaya, kailangan na ng pagbabago. Haha! So, I mentally experimented kung ano'ng issue ang puwedeng i-tackle. Ganoon talaga ako gumawa ng kuwento. Nagsismula muna sa What If. Ayoko kasing gumawa na lang ng mediocre. Na basta na lang. Dapat laging planado. So, I came up this. What if there's a husband who is so in love with her wife but her wife couldn't return back the love the he gives?

Naisip ko na since magsa-start ako ng Non-Teen Fiction, magsimula muna ako sa husband and wife complications and issues. Iyon kasi ang madaling i-tackle, e. Hindi lang medyo nakaka-relate, kundi dahil, napapanahon. Napapansin ko nga lang, naka-focus lagi sa wife ang problema at paghihirap. Hindi sa lalake. Let's all face it. Hindi lang naman babae ang nagsa-suffer. Ang lalakeng asawa rin mismo. So, to show gender equality (charot), I prefer na magfocus naman kay guy ang suffering.

And, kapag gumagawa ako ng istorya, gusto ko, laging may theme na puwedeng i-focus ng dillema. So, dahil ito ang topic, I focus on the real problem na laging kinakaharap ng mag-asawa, "Trust, Loyalty, Fidelity".

2. So, why I focused on male perspective?

Actually, this is one of my dream challenge as a writer. Balak kong gumawa ng isang istorya na ang focus ng almost lahat ng narration ay sa lalake. Mahirap nga lang siya sa part ko kasi babae ako. At ang paggawa ng thoughts ng lalake ang isa sa pinakamahirap. So, nagbasa-basa talaga ako ng male perspectives na kuwento o iyong kahit na may male perspective lang na panaka-naka (Good thing, I am a Jonaxx Fan. Doon talaga ako nakakuha kay Ate J ng gist kung paano ako makakagawa ng male POV. Haha!).

3. How did you come up now to the title of the story and the characters as well?

Title: Wala. Kung ano'ng pumasok sa isip ko, iyon na. Haha! 'Deh, joke. Naisip ko na, "I'm Sorry, My Wife", simply because, Danger always says sorry when he does wrong to Athena. (Pansin naman, 'di ba?). Parang, kahit na ano'ng gawin ni Danger, siya pa rin ang luluhod, e. Siya pa rin ang magmamakaawa. Likewise, do'n ko kinuha iyon.

Characters (Leads):

a. Danger Jeremiah Montecillo - Hmm. Actually, maraming revisions sa utak ko kung pa'no ko talaga isa-stand ang character ni Danger. Habang ginagawa ko ang buong istorya, lagi ko siyang tinatanong, "Ano ba talaga'ng gusto mo, huh, Danger?"

Unintentionally, I didn't mean Danger to be the masochist here. Nakita n'yo naman, 'di ba? Kahit na sometimes, pasuko na siya, hahanap pa rin siya ng dahilan, e. Iyon talaga ang gusto kong lumabas sa kaniya. Iyong kahit na hirap na hirap siya sa ugali ni Athena, matibay pa rin siya. Haha!

b. Athena Charlotte Bautista - Ito ang nagustuhan ko naman sa ISMW. Iyong wala silang masyadong makitang clues kung ano'ng nasa isip ni Athena. Haha! Akala nila, laging si Danger ang tama at siya ang mali. Siguro kasi, si Danger ang nangibabaw at hindi si Athena kaya ganoon na lang ang simpatiya ng mga tao sa kaniya. Naiintindihan ko naman. Pero, thank God, kasi, no'ng ginawa ko ang POV ni Athena, may napa, "Oo nga naman."

Ito kadalasan ang ugali ng ilan sa mga babae ngayon. Iyong mahal nga nila ang tao, pero, ang daming doubts. Masyado tayong nag-o-overthink na kadalasan, mali na ang perception natin sa isang tao. So, ang outcome, gumagawa tayo ng decisions na hindi nararapat. Na ang totoo, ayaw talaga natin. Hindi pakipot ang tawag doon, guys. Takot lang talaga mostly ang mga babae na masaktan kasi iba na ang generations ng guys ngayon. Mahirap talagang magtiwala. Mahirap makahanap ng talagang magmamahal sa 'yo. Pakiramdam mo, short-term relationship lang ang hanap nito, gayong ikaw, long term and commitment ang hanap mo. (Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Haha!). Kaya, ganiyan talaga si Athena. At aminin n'yo man o hindi, ganiyan din tayo in real life.

4. Did your planned story line followed the actual story line along the process?

To be honest, partly yes and no. Partly yes, kasi, nagawa ko naman ang talagang planned ko na ganoon ang mangyayari. Partly no, kasi, hindi lahat ng nasa isip ko ay nailagay ko talaga. But it doesn't mean, I wasn't satisfied with the outcome. Baka nga lang talaga, oiyong iba kong naisip, reserved siya sa other stories ko.

Okay naman siya. Pero, in the long run kasi, ang dami niya ring inconsistencies. (I don't need to citate, guys. Haha!). Mind you, raw story pa lang naman din siya, so minsan, wala rin siya sa hulog. Haha! Kaya nga, hanga ako sa mga sumubaybay noon, e. Hindi nila ako binibigyan ng kritisismo, e, makailang-beses ko nang pinapagalitan ang sarili ko sa mga mali. Haha!

5. Where did you get the "hugot feels"? At what part of the story you had a hard time doing that?

Hugot feels: Sa mga nabasa ko at sa mga opinion ko, as well, sa mga nababasa at napapanood ko. Malaki kasi ang epekto sa akin ng mga nababasa ko, lalo na kay Ate J (Jonaxx). Doon ako nakakakuha ng ideya kung paano ko itatawid ang kuwentong ito. Pati rin kay Barbs Galicia (A Wife's Cry). Aside from that, sa mga kantang naririnig ko. Kindly listen to Celine Dion and Paul Anka song, "Its Hard to Say Goodbye". Maraming hugot lines doon, e.

Hard Time: The SPG scene? Haha! 'Sensya naman. It's my first time, e. Mabuti na lang at nagawa ko nang tama. LOL.

6. Most of the readers request for a Special Chapter. Would I grant their request?

My answer is...no. Haha! Kasi, gaya nga ng sabi ko, I want to end it there. Hanggang do'n na lang. Ayoko na kasi sabihin kung ano'ng nangyari sa kanila after ng kasal. Tahimik na ang buhay nila. H'wag na nating guluhin pa. Haha!

BUUUT, hindi naman por que na ganoon na ang ending ay hindi na sila magpapakita pa. Of course, gaya nga ng sabi ko, bumubuo ako ng series na konektado ang lahat ng characters ko. Kaya, baka lumitaw sila Athena at Danger nang hindi n'yo inaasahan.

Clue: Lilitaw sila sa For Our Benefits. Haha! :)

7. Did you expect something about it?

Actually, no. Nagulat nga ako na mabenta siya sa Wattpad, e. And most of my readers are complaining due to my slow update. Haha! Well, I couldn't blame them kasi nga, totoo naman. May mga nabasa na akong comments regarding dito at nagugulat pa ako sa comment ng ilan na nakaka-relate daw sila. I dunno how the story touched their lives but I am very thankful because they appreciated it.

8. How did you deal to some readers who keeps on commenting you about your slow updates?

Kiber lang. Kasi, wala naman sa akin iyon. The more na may naghahanap, the more na may umaasa. Pero, ayoko ring umasa. Kaya, bahala na. Haha!

9. What can you say about the readers?

Isang malaking THANK YOU. Haha! Thank you at napagtiyagaan n'yong basahin si Athena at Danger nang ganoon. Kung talagang nami-miss n'yo sila, I'd suggest that you should read my other stories because sometimes, mayroon silang participation. Besides, gagawan ko ng mga istorya ang notorious friends ni Danger. At una na nga po roon ang, "For Our Benefits". Doon n'yo rin malalaman kung bakit sila notorious.

T.Y for supporting! - Alia.


I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now