Chapter 10

35K 587 71
                                    

A/N: Hindi ko alam na habang ginagawa ko 'to, gumagawa na pala ako ng Bed Scene. LOL. So, yeah, this is a Warning-SPG (semi lang ;) 

Chapter 10

Birthday

 

Nakatitig ako sa kalendaryo at tuon ang atensyon ko roon sa petsa na nakamarka ng pula na bilog. Iniangat ko lang ang tingin ko nang marinig ko ang pagbukas niyon. Iniluwa n’on si Rachel, my secretary.

“Sorry, Sir, if I didn’t knock the door that loud,” pagpapaumanhin niya nang sobra. Tumango na lang ako bilang sagot at kinumpas ko ang kamay ko para makalapit na siya. Gamit ng kaniyang kamay sa likod, sinarado na niya ang pinto at mahinhing lumapit sa table ko.

Binuklat niya ang kaniyang notebook at pinasadahan niya iyon ng tingin. “Sir, you’ll be having a meeting tomorrow, 4:00 p.m with the Japanese,” balita niya.

“How long will it take?” tumingin na ako sa mini-calendar ko.

“Sir, 2 hours, depende po kung saan po matatapos,” she answered.

“Cancel it,” utos ko.

Na;lilito n’ya ako agad tiningan. “Sir, these are your major clients. Kapag ki-nancel natin, malaki po ang possibility na---”

Tiningan ko na siya nang diretso. “Rachel, do I have to say it again?” malamig kong tanong.

Nanahimik siya nang pasaglit, maya-maya, nagsalita uli, “Sorry, Sir. I’ll tell your decision on them as soon as possible.”

Rachel followed my orders after. Pagkauwi kinagibihan, tinawagan ko si Dwayne kung ano-ano’ng maganda isorpresa kay Athena. Kahit na nairita siya dahil batid kong gabing-gabi na at naalimpungatan siya, sa huli, nabigyan n’ya 'ko ng mga tips para sa surprise birthday ko sa asawa ko.

Kinabukasan, nagdesisyon akong mag-halfday dahil kailangan ko pang bumili ng mga ihahanda ko kay Athena. She deserves to have a memorable birthday from me. Alam kong walang kaayusan sa pagsasama namin, at ito ang isa sa mga paraan ko mabuo ko ang unti-unting nadudurog na pader sa amin.

I am so damn nervous because I know and I’m assuming that she will never like what I’m going to do. Pero, hindi ko na iyon inaalala. Ang gusto ko lang ay ako ang makasama ng aking asawa sa kaniyang pinaka-importante araw. Kahit na hindi niya ako pansinin sa araw na ito o hindi niya pahalagahan ang lahat ng bagay na gagawin ko para sa kaniya, hindi ko na iyon aalahanin.

I went to downtown afterwards. Marami rin akong pinamili. Its just too akward that I’m a man and I’m doing all of those when if fact, its not usual. Pinagtitingan pa nga 'ko ng mga tao, siguro, iniisip nila kung para saan ang mga pinamimili ko o siguro, nababakla sila sa ginagawa ko. Bitbit-bitbit ko sa kalagitnaan ng dami ng tao ang mga grocery na naglalaman ng mga pagkaing iluluto ko mamaya, wines, balloons and tarp at kung ano-ano pa. Matagal ko nang gusto itong gawin sa kaniya. Kahit na ninenerbyos ako kung magugustuhan n’ya iyon, mas gusto ko pa ring malaman ang kaniyang reaksyon. Ngingiti kaya siya? Maiinis? I don’t know. I’m just excited.

Binuhos ko ang atensyon ko sa pag-aayos sa bahay pagkatapos. Doon ko balak sa bahay iganap ang birthday niya. Naglinis muna ako ng bahay, saka naghanda at naglatag ng mga iluluto ko. I want everything to be perfect. For my wife, for her. Pasipol-sipol akong naghahalo ng mga rekados para sa pasta na niluluto ko. Athena loves carbonara. Kaya ito ang hinanda ko para sa kaniya. Mga isang oras akong abala sa ginagawa ko hanggang sa lumipad ang tingin ko sa wall clock. It’s 57 minutes pass six. Alright, I can finish this before she comes at nine.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now