Chapter 20

32.4K 433 16
                                    

Chapter 20

Once That

Matapos ng contest na iyon ay natanggap din naming ang 2 way ticket patungong Barcelona. Ano man ang dahilan ni Athena kaya siya sumali ro’n ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay iyong oras at mga alaala na inilaan naming sa isa’t-isa. I’ve really enjoyed the contest. I’ve enjoyed it a lot because Athena was with me.

Nang sumapit ang gabi ay nagtungo kami sa bonfire na inorganisa ng mga staff ng Alix. Lahat ng guests at mga bisita, may lahi man o wala ay nandito para masilayan ang traditional bonfire nila na madalas nangyayari kada summer. Nakaupo kaming lahat sa buhangin at nakapalibot kami nang pabilog malayo sa bonfire. Lahat kami ay may kani-kaniyang ginagawa. Lalo na ako na buong atensyon akong nakapokus sa asawa ko. Nakatagilid ako na nakatitig sa kaniya habang siya naman ay pinapanood ang mga staff na abala sa pagsasaayos ng mga kahoy sa gitna namin.

“Athena,”

“Ano 'yun?” tanong niya, nanatili lang ang mga mata sa kanila.

“Papa’no mo nalaman…ang allergy ko?”

Sa tanong kong iyon ay bigla siyang napabaling sa 'kin. I love her eyes. Kahit na sa unang tingin ay para siyang suplada dahil sa kilay niyang natural na nakataas. Kapag tinitigan mo naman siya nang mataman ay marami kang mababasa na emosyon sa kaniya. Kita ko mula rito ang repleksyon ng sarili ko sa mga mata niya. Her eyes are expressive yet mysterious that it got me curious and want to stare at her for long. I always feel that I’m lost everytime I saw her.

Tiningnan niya muna ako at nanahimik. Maya-maya ay bumitiw rin ng tingin sa 'kin at tumitig na sa bonfire na ngayon ay nangngingingas na ng apoy. “No’ng college tayo, napansin ko no’n no’ng nasa canteen tayo na tinabi mo 'yung chicken sandwich na binigay sa 'yo ng babaeng nagkaka-crush sa 'yo,” panimula niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. “T-talaga?”

Tumango siya. Nakapirmi pa rin ang tingin niya sa haraoan niya. Hinangin nang saglit ang kaniyang buhok kaya inayos niya muna iyon bago ulit nagsalita, “You’re so thoughtful to the other girls. Parati kang tumatanggap ng mga regalo sa mga babae mo. You don’t usually refuse them kaya no’ng isang beses na nakita ko kayo na nando’n kayo sa canteen at nagkasabay tayo ng break ay nagulat ako nang binigay mo kay Ed 'yung chicken sandwich na gawa ng babaeng 'yun sa 'yo.”

Napaisip tuloy ako nang malalim. Talaga? Hindi ko talaga maalala.

“Naisip ko siguro, hindi mo lang trip kumain no’n. Pero may isang pagkakataon pa no’ng naro’n tayo sa bahay nina Xarol para gumawa ng project sa business. No’ng may fried chicken na niluto para sa 'ting lahat, napansin ko na ikaw lang sa 'ting magkaka-grupo ang hindi kumain. Kunwari ka lang na may kinain ka well in fact, wala naman talaga. Naisip ko na imposible na nagkataon na 'yun. Usually, kung ayaw mo sa isang pagkain, stick ka lang sa pagka-ayaw mo sa pagkain na 'yon. But yours is different. Fried Chicken and Chicken Sandwich? Weird talaga. Actually, it’s just a guess no’ng una. Pero no’ng naalala ko sa biology teacher ko na possible na magka-allergy sa chicken, naisip ko na baka nga, may allergy ka sa manok. You also prove it to me no’ng magkasama na tayo. Everytime that you’ll preparing food for us, it’s either na walang manok na kasama sa daily menu o hindi ka kumakain,” she explained.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa buong minuto na nagkukuwento siya.“You really are observant, Athena.” Lumingon ulit siya sa 'kin. I could really see my reflection in her brown eyes.

“Ang sabi mo sa 'kin, wala akong pakialam sa 'yo, 'di ba?” tanong niya ulit, diretso ang mga mata sa 'kin.

Natigilan ako sa tanong niya. Ibubuka ko n asana ang bibig ko upang magsalita, ngunit mas pinili ko na lang ang makinig sa mga susunod niyang sasabihin.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now