Chapter 25

30K 546 10
                                    

Chapter 25

Respect My Love



Until now, I couldn't contain the happiness I'm feeling right now. The day she said that she loves me really rocked my world. The time I felt her lips claiming mine, I felt as if heaven embraced me. Nang matiyak kong maayos na ang kalagayan ng mga tao ko ay nagdesisyon na kami ni Athena na umuwi na ng condo. Habang nasa saskyan at tinatahak namin ang daan pauwi ay panay ang silip at sulyap ko sa kan'ya. Para bang nararamdaman din n'yang pinagmamasdan ko siya ay panay rin ang kan'yang pagyuko at pag-iwas ng tingin. Kapag napapadaan kami sa maliliwanag na building ay naaaninag ko ang pamumula ng kan'yang makinis na pisngi. Napangisi tuloy ako.


"W-what?" siguro ay hindi na siya nakatiis, kaya nagtanong na siya.


Ngumisi lang ulit ako. "Wala," painosente kong tugon. Pero panay pa rin ang sulyap ko sa kan'ya habang nakatuon ang atensyon ko sa kalsada.


"Ano nga sabi, e?!" dinig ko ang iritasyon sa kan'yang boses.


"Wala nga," napanguso ako, pinipigilan ang pagtakas ng tawa.

Pero ilang saglit lang nang huminto kami dala ng traffic ay walang pasubali kong hinagkan ang kan'yang labi nang mabilis. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Nakita kong napatunganga siya sa ginawa ko nang kumalas na ako.

"There! Sorry, your lips is always tempting me," halakhak ko. Damn, ang lambot talaga ng labi ni Athena! Tapos, ang pink pa niyon. Ang sarap talagang halikan! Pumula lalo ang kan'yang pisngi. Nag-drive na ulit ako nang makita kong nag-green na ang stoplight.


"A-adik ka!" hinampas niya ako sa balikat nang makahuma na s'ya sa ginawa ko. Lalo lang tuloy akong napahalakhak sa ginawa n'ya.

Sinulyapan ko ulit siya. Nakita kong nagkakaroon na 'ko ng epekto sa kaniya. The way she breathes unevenly makes me want to kiss her all over again. Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Fuck. Ang layo pa ng b'yahe namin. Gusto ko na siyang makatabi makatulog.

Simula noon ay madalas na ang pagsundo at paghatid ko kay Athena sa kan'yang pinapasukang trabaho. Dati ko pa naman iyon ginagawa. Ang kaibahan nga lang, mas pinapakita ko ang kapilyuhan ko sa kan'ya. Hindi ko nga malaman kung bakit siya nahihiya sa kada ginagawa ko sa kan'ya. Marahil nga, hindi pa siya sanay.


Dumating ang araw ng Sabado at pumunta kami sa Giligans sa Tagaytay. Nag-set ng mini-reunion ang mga ka-batchmates namin ni Athena noong highschool. Naka-suot ako ng itim na tux samantalang si Athena naman ay kumikinang sa kan'yang gold dress. Nasa parking area na kami at kita ko agad ang mga ilaw ng resto kahit madilim na. Papasok na sana kami sa loob ngunit naantala iyon nang may tumawag sa 'min.

"Athena, Danger!" Napalingon kami sa tumawag sa amin. Si Lianne iyon na kaibigan ni Athena.


Kumalas sa pagkakasalikop ko ng palad si Athena upang gantihan ng yakap ang kaibigan n'yang hindi na niya nakikita sa mahabang panahon.


"Kamusta ka na?" Tanong nito nang lumayo nang bahagya kay Athena. "Ang ganda mo naman! Blooming na blooming! Teka, ano ba'ng pinagkaabalahan n'yo ni Danger, ha?" Napakunot ang noo ko nang sumilay ang pilyang ngiti sa labi n'ya. "Siguro, araw-araw n'yong ginagawa iyon, ano?"

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now