Chapter 34

24.8K 410 18
                                    

A/N: Hi! Thank you sa paggawa ng new cover ng ISMW. My covers pa po to come :)

Chapter 34

Did You Miss Me?

Habang tinatahak namin ang daan patungo sa condo ni Jes ay lumalakas ang bugso ng ulan. Panay ang pag-wipe ng wipers pero kahit na ano'ng gawin nito ay bahagyang lumalabo ang windscreen dahil sa mga patak ng ulan. Sinulyapan ko ang rear mirror. Bigla akong nagtaka dahil sa malalim nba kunot-noo ni Jes. Mukhang iritado ito habang tinitignan ang kan'yang celphone.

"Jes," tinawag ko siya, "May problema ba?"

Nakita ko para bang namutla siya. Mabilis niyang isinilid ang kan'yang celphone sa sling bag niyang pula. "W-wala," mabilis niyang sagot.

Binagalan ko bigla ang pagmaneho, saka hininto saglit. Binalingan ko na siya sa likod. "Are you really okay?"

Pinahid niya ng kan'yang palad ang kaniyang noo. "Y-yeah." Sumandal siya pagkatapos. "Medyo nairita lang ako sa nag-text sa 'kin. Annoying stalker," aniya.

Tumalikod na ako at muling pinaandar ang sasakyan. I could sense that she has a problem with whom that person on her phone. Hindi na ako nagtanong pang muli sa kan'ya. Ilang saglit pa ay biglang sinabi ni Jes na nasa tapat na kami ng kan'yang condo. Nilabas ko ang aking itim na payong sa compartment at lumabas na ako sa driver's seat. Binuksan ko ang passenger's seat at tumambad sa akin si Jes na tila naghihintay sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng itim na simple dress. It's not revealing like those dresses and tops that she usually wears.

Hindi na niya ako hinintay na magsalita ay nakisukob na siya sa akin. Sa ilalim ng malakas na ulan ay patakbo naming nilakad ang building ng kan'yang condo. Nang naroon na kami ay tumalikod na ako at tatakbo na ngunit natigilan ako dahil sa kamay na nakahawak sa braso ko. Galing iyon kay Jes.

"Sa'n ka pupunta?" she sounded confused.

Itiniklop ko ang payong ko. "Uuwi na. Naihatid na kita," sabi ko. Tatabigin ko na sana dahan-dahan ang kan'yang puting kamay ay hinigpitan niya ang pagkakahawak.

"Ang lakas ng ulan," panggigiit niya. "Mag-stay ka na muna sa condo."

Bumuntong-hininga ako. "Jes, titila rin iyan," pangungumbinsi ko.

"Titila ba iyan agad na ang lakas-lakas? At saka, tingnan mo nga, bibiyahe ka. Makaka-biyahe ka ba n'yan na ang lakas ng ulan?"

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Nagsalita pa siya ulit, "Danger, iniisip ko lang ang kalagayan mo. Hinatid mo 'ko, 'tapos, hahayaan kitang bibiyahe na ganito katindi ang ulan? Delikado na sana daan, alam mo ba? Pa'no kung may mangyari sa 'yo? Danger, h'wag mo naman akong pag-alalahanin nang husto."

Mataman akong nakatingin sa kan'ya. Puno ng pag-alala ang kan'yang mukha. If Athena will be in her position, she might be crazy and worried like her. Hindi ko dapat siya pinag-alala lalo pa't nasa malayo ako.

Humugot ako nang malalim na hininga. "Alright. Pero, 'pag tumila na ang ulan, uuwi na ako."

Nakita kong sumilay ang malawak na ngiti sa kan'yang labi. Hindi pa man ako nakapagsalita pa ay hinigit na niya ang kamay ko at hinila patungo sa loob. Sana talaga ay mabilis na tumila ang ulan para makauwi na ako. Kailangan ko pang mag-empake para sa pag-uwi ko.

Mabilis lang ang pag-check in ni Jes. Para bang ayaw na niyang magtagal kami sa lobby. Sa elevator ay tahimik lang kaming nakatayo at walang imik. Ramdam ko na parang sinusulyapan ako ni Jes. Pero kapag tumitingin naman ako sa kan'ya ay nagkakamali naman ang hinala ko dahil nakatungo na siya.

Nang tumunog ang elevator ay bumaba na kami. Nasa fifth floor pala siya. Pumasok na kami sa loob pagkadaka. Maliit lamang ang kan'yang condo, kung tutuusin, pero mukha itong maluwag dahil sa kaunti lamang ang mga gamit. Agad na pinindot ni Jes ang switch nang buksan niya ang pintuan. Pagpasok ko palang sa loob ay nakita ko na agad ang mga naglalakihan niyang mga picture frame na naglalaman ng iba't-ibang post at mga damit. She's a freelance model in one of modeling agencies in the Philippines. Maging dito sa America ay malakas din ang hatak sa kaniya ng mga photographers dito. Will should be more enclose Jes. Nasa'n na nga ba iyon?

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat