Chapter 44

41.2K 632 31
                                    

Alia's Note: This chapter is the edited version. I added some things. Haha! The next chapter will be the last one. Then, Epilogue na. Saka na ako magte-thank you sa Epilogue.

Chapter 44

Ano'ng Ginawa Ko?

-----------

Warning: Medyo SPG

I cried all night and day when I got in my condo. Hindi ko na nagawang bisitahin si Dad dahil ayaw kong makita niya ako sa ganitong sitwasyon. I am totally messed up. I am totally fucked up. Sobra-sobra na ang naramdaman ko para sa araw na ito. Panay ang pagsisisi ko sa aking sarili sa lahat ng nangyari. Natigil lang ako nang marinig ko ang sunod-sunod na ingay na likha ng aking aparato. Nakita kong lumitaw ang pangalan ni Jes sa screen.

"Hello," napalunok ako nang maging garalgal ang boses ko.

"Athena, hello, ano? Kumusta ka na? T-teka, ba't gan'yan ang boses mo? Umiyak ka ba?" hindi ako nakasagot agad dahil sa sunod-sunod na tanong ni Jes. "S-sandali...H'wag mong sabihin na...nagkita na kayo ni Danger?"

When she hit the real reason, I just found myself crying while telling her the whole story. Tahimik lang siyang nakikinig.

I heard her sigh. I could imagine her reaction. "I don't want to say this. But... I think you have to choose the last resort, Athena," seryoso niyang sabi.

"A-ano iyon?" humihikbi kong tanong.

She sighed again, a very deep one. "Move on and free yourself from self-loathing, Athena," malungkot niyang sagot.

Napasapo na lang ako sa aking bibig at humagulhol. Ayaw tanggapin ng puso at utak ko ang lahat ng sinabi niya. I don't want to move on. I don't want to get over him. I don't want to choose her last resort. I don't want! Pero, sino na ba ako ngayon sa buhay ni Danger ngayon? Si Athena Bautista. Isang babaeng na makailang beses nang palyado sa marriage life niya dahil sa kawalan ng tiwala sa asawa. At sino siya ngayon? Si Danger Montecillo. Isang lalaki na maligaya ngayon sa piling ng iba. Ano na'ng karapatan ko ngayon? Wala.

Sa loob ng dalawang araw ay sinimulan nang i-proseso ang annulment namin ni Danger. Napansin ko na sa buong duration ng proseso ay parati siyang wala at ang humaharap na lang sa amin ay ang kan'yang abogado. Madalas na katwiran ng kaniyang abogado ay abala ang kan'yang amo. O, baka ayaw lang na sabihin nito na ayaw akong makita ng kliyente niya? Na ayaw lang akong harapin nito?

Nagkita na rin kami ni Jes nang dumalaw siya sa yunit ko. Nagkamustahan kami ng kaunti. Nakakapagtaka pa rin na ngayon ay magkaibigan na kaming dalawa sa kabila ng mga nangyari sa amin. Siya ang isa sa dahilan kung bakit kami nag-aaway nang matindi ni Jes. Ngunit, siya ang gumawa ng lahat para muli akong magising sa katotohanan na mas higit na nasasaktan sa aming dalawa si Danger. Pinuntahan niya ako noon sa tinitirhan ko sa Amerika at doon niya ako binulyawan at pinagsisigaw na ako ang pinakatangang babae sa mundo. Na hinayaan kong pakawalan ang lalaking lubos kung magmahal sa akin. Nakakuha pa nga kami ng atensyon noon dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao kung paano kami nag-away. Halos magsabunutan na nga kami, e. Pero, sa huli ay nagkapatawaran kaming dalawa. Naisip ko na hindi na tama dagdagan ko pa ang bigat sa loob ko. Gusto ko na ring mabuhay nang matiwasay.

Jes helped me out on my recovery in America. Siya pa nga ang madalas na nag-aaya sa akin na umuwi na ako sa Pilipinas dahil naghihintay na sa akin doon si Danger. Pero, kasalanan ko. Ang dami kong pinalipas na pagkakataon. Dumating pa ang pagsubok noong nagkasakit si Mom.

Naisip ko noon na isa siya sa dahilan kung bakit kami natibag nang tuluyan ni Danger. Sila ni Andrew. Pero, napagtanto ko na hindi sila ang may dahilan kung bakit naging ganito na kami ni Danger ngayon. Kundi, pinili namin sa huli na maging ganito. Mali, ako lang. At si Danger? Pinili niyang sumuko sa huli.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now