Chapter 36

28K 404 41
                                    

Chapter 36

Gone

Nanginginig akong tumatakbo, tulak-tulak ang hinihigaan ni Athena. Nasa unahan at magkabilang gilid ko ang mga nurses at doctor ng hospital na pinagdalhan ko sa kan'ya. Kitang-kita ang tindi ng kan'yang pamimilit sa kan'yang tiyan. Putlang-putla siya, na takot na takot sa kung ano mang posible ngang mangyari sa dinadala niya... sa anak namin.

Ngayon lang talagang gumagapang sa aking sarili na nasa sinapupunan ni Athena ang bunga ng pagmamahal ko sa kan'ya. She's carrying our baby, but damn, bakit ganito na dapat ko malaman sa isang kritikal na sitwasyon?! Bigla ko ring naalala ang mga kakaiba niyang moodswings sa nakalipas na isang buwan. Fuck. Just fuck, Danger! Sa lahat ng tao, ikaw dapat ang nakahalata!

"Athena, please. Don't...give up. For me, for our baby," mariing kong hiling, hawak-hawak ang kan'yang palad. Hinalikan ko iyon, sa pag-asang kahit iyon man lang ay sana, mapawi ko ang sakit na dinadala niya.

Ilang sandali pa ay pinahinto na ako ng nurse sa pagtakbo at idinala na si Athena sa loob ng ER. Mas lalong nadagdagan ang bagahe ng kaba ko habag nakikita siyang nawawala sa paningin ko. I want to blame myself, fuck! Ano'ng ginawa ko? Ba't nagkaganito ang nangyari?!

Napaupo akong tuliro sa bench. Thoughts of what happened earlier were running like a storm in my mind. Hindi ko 'to inaasahan! Ang gusto ko lang naman ay makasama si Athena at sorpresahin siya. Hindi ito. Hindi ganito.

"Danger!"

Wala sa sariling napabaling ako sa tumawag. Sumalubong sa akin ang humahangos na ina ni Athena. Habang nasa ambulansya ay tumawag ako sa mga magulang niya. Halos mahimatay pa ito sa kabilang linya nang malaman niya ang sinapit ng nag-iisa niyang anak. Napatuwid ako na tumayo at kahit nakakaramdam ako ng panghihina ay tinulak ko pa rin ang sarili ko na harapin ito.

"Mom," nang makita niya ako ay ramdam ko ang bahagya niyang pang-iismid.

"Nasa'n si Athena, Danger?" bakas sa boses niya ang pangamba.

Lumunok muna ako para itago ang panginginig ko. "S-she's in the ER, Mom," I said in a frightened voice.

"Ano'ng nangyari?!" buong-buo ang histerya sa boses niya.

Napapikit ako at lumihis ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko!

Napatingin akong bigla sa kaniya nang hawakan niya ang damit ko. Sa tindi ng paglamukot niya ay ramdam ko ang intensidad ng kan'yang pagkamuhi. "Ba't hindi ka makasagot?!" Lumandas ang luha sa pisngi nito. Napamura ako sa sarili ko nang mariin.

"Mom..." huminga ako nang malalim. Nakatingin pa rin siya sa akin, naghihintay ng mga susunod kong sasabihin. "Nagtalo kami ni Athena. I saw her...kissed..." napapikit ulit ako dahil hirap na hirap akong ikuwento iyong nangyari kanina. "...kissed by Andrew. N-nagalit ako. Hindi ko naatim na makita na gano'n ang sitwasyon nila. Athena explained on me, but I renounced it. I didn't hear her explanation. Hindi ko man lang nalaman na naaksidente siya. Hindi ko alam na nangyari 'to. Hindi ko sinasadya, Mom," mapait kong paliwanag. Napansin ko na lang si Dad na kakarating lang din at mukhang napagod sa kakatakbo.

"What did you just said, Danger? Hindi mo ginusto? Hindi mo sinasadya? Kung hindi mo sinasadya, bakit hindi mo man lang siya pinakinggan sa umpisa pa lang?!" tumaas ang kan'yang boses. Nagsitinginan ang mga nurse at doctor na dumaraan. Nakita kong hinawakan agad ni Dad ang kamay ni Mom.

"Celestina," pagpapaawat ni Dad.

"Don't dare to stop me, Alfonso," malamig na banta ni Mom noong binalingan niya ito. Napaatras nang bahagya si Dad.

"Bakit hindi mo man lang pinakinggan si Athena? Hindi ka nagtanong kung ano'ng nangyari?! What kind of husband are you?!"'nangigigil niya akong dinuro. Nanlilisik ang mga mata ni Mom habang tinitigan ako. "Pinilit lang kitang magustuhan dahil mahal ka ni Athena. Hindi mo alam kung pa'no nangulila 'yang asawa mo no'ng nasa America. She even got excited when she heard about the news that she's pregnant. 'Tapos, ang kapal ng mukha mo na magalit d'yan, e, ikaw nga ang may ginagawang kababalaghan sa America! You're an asshole, Danger!"

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now