Chapter 28

28.9K 463 11
                                    

Warning: SPG (Sorry po kung napasunud-sunod :( )

Chapter 28

I Love You


Nabitin talaga ako sa isang araw at isang gabi naming bakasyon sa Barcelona. Kailangan na naming umuwi dahil may mga pasok pa kami. Ang totoo n'yan, kayak o pa naman talagang mag-leave pa ng mahaba. Ito lang naming si Athena ang ayaw na manatili pa kami ritoi. Tss. Hindi naman porque HR siya, e, hindi na siya p'wedeng mag-leave nang matagal.

No'ng umuwi na kami galling ng Pinas ay hindi na ako naka-isa pa kay Athena. Paulit-ulit niya iyong iginiit sa 'kin na kailangan niya raw magpahinga. Kaya wala tuloy akong nagawa.

"How's your vacation in Barcelona," iyon ang tanong ni Dad matapos ang meeting namin kasama ang ibang members ng Board.

Nginitian ko si Dad na nakasandig sa round table. "It was a great day for us, Dad. An unforgettable one." Naalala ko tuloy iyong magkasama kami lalo na ang mga nangyari noong gabi na iyon.

"Good," he said smilingly. "But...did you tell that you need to go to America by next week?" he asked with concerned.

Napawi ang ngiti ko at nagseryosong bigla. Damn. Ang totoo n'yan ay nahihirapan pa akong banggitin iyon sa kan'ya dahil kakaayos pa lang namin. Kaka-propose ko pa lang sa kan'ya ng kasal at dapat sa mga susunod na araw ay aasikasuhin ko na ang kasal namin.

"I-I didn't even mention it on here," nabasag ang boses ko.

My dad sighed and stared at me. "You need to tell her, son. Alam kong hindi tama pa ang panahon na maghiwalay kayo dahil kakaayos n'yo pa lang. But you know also that you're the only one who can represent our company to our prospect investors there. You should tell it straight to Athena. Baka mabigla iyon kung papalagpasin mo pa ng ilang araw," paliwanag niya.

Napabuntong-hininga ako. Kanina ay iyon din ang nagging agenda namin sa meeting. I want to decline it at first then I suggest a replacement for me but when I heard that they want me to go there, I can't disagree no more. Alam ko kung ga'no kaimportante iyon sa kompanya. Dalawang buwan ang nakakalipas nang tumawag sa amin ang ilang American Investors at gusto nila ang mga connectors na ginagawa namin. Sa lahat ng tao rito ay ako lang ang nakikita nilang puwedeng makipag-deal sa kanila. Iyon din ang mga panahon na sira kami ni Athena kaya pumayag ako. Damn. Bakit kasi ngayon pa? Hindi ko pa kayang malayo kay Athena.

Pag-uwi ko ng bahay ay nalanghap ko agad ang aroma ng palagay ko ay adobo. Ang sarap talaga ng may asawa ka. Iyong pag-uwi mo ng bahay ay may naghihintay sa 'yo na ganito. Habang naglalakad ay nahagip ng paningin ko ang LED Wall Clock namin. Alas ocho na pala ng gabi. Napangiti ako nang makita ko si Athena na abalang-abala sa pagluluto.

Nang nagsasandok na siya ng kanin sa ricecooker ay dinaluhan ko na siya at marahang inagaw ang sandok. Natigilan siya. "Ako na," saad ko, sabay sandok ko ng kanin. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko at ang paninitig niya.

"D-dumating ka na pala," aniya nang tumingin na 'ko sa kan'ya. Nilagay ko na ang plato na may kanin sa lamesa.

Tumango ako. "Yeah. Sorry kung hindi na kita natawagan na pauwi na 'ko. I want to surprise you."

Pansin ko ang pamumula ng kan'yang pisngi. "A-ayos lang."

Naghain na rin kami ng ulam pagkatapos at kumain. Pareho kaming walang imik habang sumsubo. Sumasagi na naman sa isip ko ang pag-alis ko at sa sunod na linggo na iyon. I sighed. Wala na akong choice kundi sabihin iyon sa kan'ya.

"Athena..." napa-angat siya ng tingin habang nabitin sa ere ang kutsara niyang may lamang adobong manok.

Lumunok muna ako bago magsalita. "I will be..." kinagat ko ang ibabang labi ko. "I will be heading to America by next week."

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now