Chapter 38

26.7K 406 36
                                    

Chapter 38
Box

She looked at me with her cold eyes. Her jaw became tight as ed at me. Napailing siya sa bandang huli.

"You're manipulating me, again, Danger," she stated as a matter-of-factly.

Umiling ako agad, tinitignan siya nang hindi makapamiwala. "Hindi sa minamanipula kita, Athena. Sinasabi ko 'to, kasi, gusto kong manatili ka sa 'kin. Ito na naman tayo, e."

Sinubukan kong hawakan ang kan'yang kamay at pinisil iyon nang marahan dahil doon ko gustong kumuh ng lakas. Akala ko ay hihilahin niya iyon palayo sa akin. Tinignan ko siya at nakita kong napapikit siya.

"You still love me, Athena, I could feel it," kumpirma ko noong narinig ko ang pagtibok ng kan'yang pulso.

"We love each other, Danger, but we are afraid of ourselves to trust."

Napatingin na 'ko sa nakamulat niyang mga mata. "Mahirap kang mahalin, Danger, alam mo ba? Huh? Akala ko, sapat na 'tong pinaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kamahal. Hindi ko ba ma-reach ang expectations mo, ha, Danger?"

Inilingan ko kaagad siya. Iyan ba ang iniisip niya? "Athena, hindi! Hindi sa ganoon. Malaki ang tiwala ko sa 'yo. Naninindigan ako. Pero, 'yong nakita ko? Iyong nakita ko, Athena, nakakabaliw sa galit! Ang asawa ko, ang mahal kong asawa, kitang-kita ko na hinalikan ng ibang lalaki! Ano'ng sa tingin mo ang dapat kong reaksyon, huh? Matutuwa, Athena? Tang-ina, nasaktan ako!" Humihingal ako sa sobrang sikip ng dibdib ko. Huminahon muna ako bago muling nagsalita. "At bakit ikaw ang nagagalit lang dito, ha? Ano'ng akala mo, ikaw, hindi rin ako pinagkatiwalaan? Athena, I've been trying to contact you no'ng mga panahon na agad mong pinatay ang komunikasyon sa 'kin!" Nag-init ang mga gilid ng mga mata ko noong naalala ko ang mga panahon na iyon. "Athena, hindi ako manghuhula para malaman ang dahilan mo. Inisip ko kung bakit. Naisip ko na baka alam mo na magkasama kami ni Jes. Sana, sinabi mo sa 'kin. Gusto ring magdamdam na kagaya mo. Pero, hindi ko magawa. Kasi, alam kong sa mga panahon na ito, ako ang may mas malaking pagkakamali sa iyo."

"Kasi, bakit mo kailangan na ilihim sa akin iyon, Danger? Hindi sana kita pagduduhan, but Jes kept sending me that time iyong mga pictures na magkasama kayo. Tingin mo ba, hindi ako magdududa?"

Napakunut-noo ako. "Pictures? Where?"

Imbes na magsalita ay nanghihina niyang sinulyapan ang phone na nakapatong sa mini-cabinet. Walang pasabi na kinuha ko iyon at tiningnan. Bigla akong nanlamig noong nakita ko ang mga litrato na magkasama kami ni Jessica.

Laglag ang panga kong tinignan siya. Nakatingin na siya sa ibang direksyon. "Gusto kong manggaling sa iyo iyan, Danger. Gusto ko na may masabi ka, kasi, alam kong may salita ka na walang namamagitan sa inyong dalawa Pero, bakit mo inilihim? Because, alam mong paghihinalaan kita? Huh? Hindi ako gano'n kababaw, Danger." Napahawak siya sa kan'yang dibdib. Agad niyang pinalis ang mga luhang tumulo sa pisngi niya. Nabasa noon ang kumot na nagtatakip ng mga tuhod niya.

Napayuko ako. My heart sank so deep. Ano na naman ang nagawa ko para ganituhin si Athena? Dammit!

Lugmok akong napalapit kay Athena. Sinubukan ko siyang yakapin pero inilagan niya ako sa pagkakataong ito.

"Our relationship will never work-out. We are not working-out, Danger." Tumulo na naman ang mga butil ng luha sa mga pisngi niya. "Maybe Mom is right. Hindi talaga para sa atin ang marriage."

"Itigil mo 'yan, Athena!" Tumaas ulit ang boses kong pumipiyok na. "Ano ba'ng dapat kong sabihin para hindi mo isipin ang annulment? Athena, parehas na tayong nasasaktan dito, h'wag mo nang dagdagan pa..."

"Iyon nga ang gusto ko, Danger, ang h'wag nang masaktan. Hangga't hindi tayo nagma-mature, hangga't hindi tayo nagtatanda, ganito at ganito tayo. Nakakapagod, Danger. Kung masaya ka na ayos lang sa iyo na ganito parati ang sitwasyon natin, p'wes, sa 'kin, hindi! I don't think that we can stand in this relationship if we have doubts. Endless doubts. We need a break, Danger."

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora