Chapter 26

28.3K 527 10
                                    

A/N: Hi! May new story po ako na, "What If?" ang title. You can read it po through my Wattpad account. You can follow me at: @xxxaliaxxx. Na-ipost ko na rin po ito sa KAILYAN kaya po, hintay-hintay na lang for Facebook readers.


Every other day na po ang update ng ISMW. Haha. Thank you for reading for this far. :). I hope you won't curse me for the next next updates, though. LOL.



Chapter 26

Proposal

 


Simula noon ay ramdam kong iniiwasan na ni Athena si Andrew. Kapag napapadaan ako sa kanilang office at magkakasalubong ang dalawa ay naiwas na agad ang aking asawa. Siyempre, ramdam kong nasasaktan ang gago. But it's better  to be that way. Para naman ay malaman niya ang salitang "move on". Tss.



Ngayon ay nasa labas ako ng isang jewelry shop. Sinarado ko ang pinto ng Montero at inayos ang aking gray suit. It's pass three in the afternoonand I decided to go here. Mamaya pang five ang labas ni Athena kaya maaga pa naman. Pumasok na 'ko sa loob at sinalubong ako agad ng sales lady roon.



"Good morning, Sir," magiliw na bati nito.


Iginala ko muna ang paningin ko sa mga naka-display roon bago inangat ang tingin sa kan'ya. "Ano 'yung latest n'yong wedding ring?" I asked.


"This way, Sir," iginiya niya ako sa ring's section at doon ay na-amuse ako nang makita ang mga nagsisikinang na mga singsing. Inilibot ko ang aking paningin upang makapamili hanggang sa makuha ang atensyon ko ang dalawang infinity ring.


"This..." sabay turo ko sa dalawang gold infinity ring na magkadikit at nakalagay sa asul na kahita.


Kinuha muna ng sales lady iyon sa loob ng babasaging salamin at ipinakita sa akin iyon. "It costs Php 30,000, Sir..." In-explain pa sa akin nito ang tungkol sa infinity ring at kung bakit gano'n ang presyo niyon. I don't care about the price, though. All I want is her to say, "Yes.". 'Coz I'll marry her in the church this time.



Pagkatapos noon ay binili ko na rin sa huli at isinilid ng babae ang kahita sa paper bag. Lumisan na 'ko sa Jewelry Store at tumungo na sa Manpower Aganecy na pinapasukan ni Athena.



"Kanina ka pa ba?" tanong niya nang makita akong nakasandig sa pintuan ng Montero.


Umiling ako at umayos na ng tayo. "Hindi naman. Tara na, magde-date pa tayo." Naramdaman ko naman ang maraming pares ng mga mata ang nanunuri at nanonood sa amin. Sanay na ako dati pa.


Napakunut-noo naman ako nang binigyan ako ni Athena ng nagdududang tingin. "Date only, Danger, huh?" sa tono no'n ay parang humihingi siya ng katiyakan. Teka, ano'ng ibig niyang sabihin?


Sa una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hanggang sa huli ay ngumisi ako nang pilyo. Si Athena talaga. "Yeah. Or, I can rent a five star hotel to that hard with you."

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now