Chapter 29

27K 377 15
                                    

A/N: Sorry for the long vacation.


Chapter 29

Trust and Honesty


Dumating ang araw ng pag-alis ko. Hindi na 'ko nagpahatid sa mahal kong asawa dahil alam kong 'pag nakita ko lang siya rito sa airport ay baka tumakbo ako pabalik sa kan'ya at hindi na umalis pa. After that night that was happened on us, I told her that I don't want to go. But she insisted at iyon, natuloy ako.

Habang nasa eroplano ako ay panay ang tingin ko sa android phone ko na siya ang wallpaper. Kahit papa'no ay nabawasan ang pangungulila ko sa kan'ya. Athena, after a month, we'll be together and I take you to Him and say our vows. Kaunting hintay na lang.


Pagkarating ko sa Cali ay trabaho agad ang inuna ko. Nakaharap ko na ang American Investors na noon ay sa Skype ko lang nakakausap. Marami silang requirements na hinihingi at kailangan namin iyon sundin o lagpasan pa. Mabuti na lang at naging madali sa akin ang lahat nang bahagya dahil kakilala ko ang isa sa mga lalaking representatives na pinadala nila. Noong matapos na ang meeting namin ay agad na lumapit si Ezekiel.


"P're!" nakipaghigh-five siya sa 'kin at pareho kaming humalakhak. "'Musta?"

"'Yos lang, p're," nakangiting sabi ko. Nakatayo siya nang tuwid sa aking harapan samantalang ako  naman ay nakaupo at nakasandali sa itim na swivel chair. Ezekiel was my classmate in college back then. Now, he's working here in America as one of the representatives of Belford's Electronics.

"How's your life with your wife? You gotta tell me everything, p're."

Ngumiti ako nang makahulugan sa kan'ya. "No words could express."

Mabilis kong sinalag ang pagbato niya ng ballpen sa akin.

"Baduy mo!" pambabara niya at nagtawanan kami.

"Kailan pala ang balik mo sa 'Pinas?" bigla ay natanong ko.

Tumaas ang isang sulok ng kan'yang labi at tiningnan ako nang makahulugan. "In due time, p're."


Nang sumapit ang gabi ay agad kong binuksan ang Skype ko. Agad kong naaninag ang green na bilog sa profile ni Athena. Online siya! Nang pinindot ko ang video call ay lumitaw ang kan'yang mukha. Hindi ako agad nakapagsalita at hinayaan ang sarili kong pagmasdan siya nang matagal. Naka-puyod ang kan'yang maalon na buhok. Mukhang kakahilamos lang niya ng mukha  base na rin sa hawak niyang puting bimpo.

"How... are you?" I asked, still staring at her smiling face.

"Okay lang. Maraming ginawa sa trabaho, pero yaka naman," aniya. "Ikaw?"

"I'm not that fine...'coz you're not here," sinsero at diretso kong sagot.

Mukha siyang natigilan sa sinabi ko. Hanggang sa sumilay ang maliit na ngiti sa kan'yang labi.

"Sira," natatawa niyang sabi. "Isang buwan lang 'to, Danger. We're not teenagers anymore. Magkikita rin tayo after a month."

Napasimangot ako. "Ba't pakiramdam ko, ako lang ang nag-e-effort na sabihin na nami-miss kita, samantalang ikaw, parang wala sa 'yo ang pagka-miss ko?" pagtatampo ko.

Napataas ang kilay niya. "What do you mean by that? Nami-miss na rin kaya kita. Hindi mo alam kung ano'ng nararamdaman ko ngayong wala ka sa tabi ko. I'm trying to be happy, kahit na ang totoo n'yan, e, miss na miss kita. And can't you feel it? Nag-e-effort ako para sa ating dalawa!" she sounded so annoyed and frustrated at the same time and I liked it. I mentally laughed to myself.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now