Chapter 2

62.5K 814 6
                                    

A/N: Sorry po kung natagalan. Hehe. Medyo busy lang po talaga sa work and last Sunday, nasa MIBF ako. But surely, I'll update every Sunday. May mga drafts na po 'ko nito. :)

Add me on: https://www.facebook.com/balckheart.stories for updates. Thanks.

Chapter 2       

Boring

"Babe, eat please?"

Ito na ang ika-sampung beses na pagkatok ko sa pintuan ng kuwarto ni Athena simula pa kanina. She didn't want to eat her breakfast. Halatang ayaw niya 'kong harapin. But she needs to eat. Dahil kapag hindi niya iyon ginawa, magkakasakit siya. Wala na yatang paraan kundi ang takutin ko na naman siya nang sapilitan. I don't want that to happen. Ayoko, pero alam kong wala akong magawa.

"Babe, please, alam kong galit ka at ayaw mong makita ako. Pero kumain ka muna," pagsusumamo ko.Here I go again. Ilang beses na 'kong nagmakaawa na kumain siya pagkatapos mangyari sa 'min 'yon at ilang beses na rin niya 'kong tinatanggihan.

Bumuntong-hininga na lang ako at nilapag na lang sa sahig ang tray na dala ko. "Babe, just eat, please."

Malungkot ko na lang na tinalikuran ang kaniyang kuwarto at bumaba na. Hindi talaga kami magkatabi ng kuwarto. Kasama iyon sa napagkasunduan ko sa mga magulang niya. What we have in our marriage was forced. It was all my idea.

I decided not go to work and didn't let her be alone in the house. Maganda rin na gawin ko 'to para hindi maulit sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi. Sa gitna ng paglilinis ko sa sala, napukaw ang atensyon ko sa isang treasure box na nakalagay malapit sa wedding picture naing dalawa.

Dinampot ko iyon at pinagkatitigan iyon nang matagal. Matapos no'n ay binuksan ko ito at tinignan ang nasa loob. Unti-unti sumilay ang ngiti na may bahid ng lungkot sa aking labi nang makita ko ang regalo niya sa akin noong mga bata pa kami. Isang maliit na origami na swan. She gave it to me on my 17th birthday. Sino'ng mag-aakala na ako pa ang gumawa ng dahilan kaya napalayo sa akin ang taong mahal ko?

I was in junior high when I met Athena. Papunta kami noon sa isang social gathering ng lahat ng business partner ni Dad dahil dahil obligado kaming sumama ng nakakabata kong kapatid na si Dwayne. He's 2 years younger than me.

"This is so...boring," nakapangalumbaba kong ani habang hinihintay kong simakay si Dad sa kotse. Katabi ko si Dwayne na noo'y nasa 14 years old. He's busy playing his PSP.

"Just entertain yourself, Kuya. Tingnan mo, I'm playing my psp," pang-e-engganyo niya.

Ngumisi ako. "I played with that since forever, Dwayne. And you can't just defeat me 'coz I always hit the highscore," pagmamayabang ko.

Sumimangot siya at umismid. "'Yabang mo! Kapag tinalo kita rito sa Need 4 Speed, who you ka sa 'kin," medyo iritado niyang nasabi.

Natawa na lang ako sa panghihimutok niya. I knew it on myself that he can afford to get lose. Lalaban siya hangga't kaya niya.

Napatingin na lang ako sa driver's seat dahil sa pagbukas-sara niyon, hudyat na nakasakay na si Papa. Dumungaw siya sa akin. "We're now going to the party. Behave there, okay?" Bahagya akong napaatras nang balingan ako ni Papa ng naniningkit na tingin. "Especially you, Danger. H'wag kang gagawa ng kalokohan do'n. Utang na loob."

I laughed at myself again because of his reaction. Because I was too bored with that party the last time, I played hide & seek with my friends who were invited to that party, too. 'Di ko naman sinasadya na mahigit ng aking paa 'yung saksakan na main power rin pala ng event na 'yon. At dahil sa pangyayaring iyon ay binigyan ko sila ng agarang black-out. Akala nila, pinasok sila ng magnanakaw. Nang malaman ni Dad na ako 'yon dahil sa ginawa niyang imbestigasyon, katakot-takot na sermon ang inabot ko pagka-uwi. Eh, labas din naman sa tainga ko ang lahat ng kaniyang sinabi.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Bumiyahe na kami pagkadaka. We're just three in the family. Mom died when I was young because she had complications in giving birth to Dwayne. Dwayne survived, but not her. We moved on with that painful event with our life.

Dad became a Mom and Dad for us. Hindi niya kami pinabayaan. Hindi niya rin kami binigyan ng luho nang sobra. He's buddy for the two of us.

Tumingin akong muli sa mga kotse na katabi namin. Sa paglinga-linga ko, isang babae ang nakapukaw ng aking atensyon. Maalon ang blonde na buhok nito. Makinis ang balat niya at maputi. Kahit na nakatagilid siya sa akin, kita ko pa rin mula rito ang tamang linya ng kaniyang kilay at ang malalim niyang mga mata. At ang labi niya, shit! Malambot kaya iyon kapag nahalikan ko na?

Damn! Ano ba'ng nangyari sa 'yo, Danger? Nakakita ka lang ng babae, nayanig na ang mundo mo! Akma na akong iiwas ng tingin pero nagitla ako nang lumingon siya sa 'kin. Shocked was written all over her very beautiful face as she caught me staring at her. I got amaze when I saw her eyes. Brown iyon, at mas lalo iyong tumitingkad kapag natatamaan ng sinag ng araw. She's a living goddess for me! Pa'no pa kaya kapag talagang nasa harapan ko siya?

Paunti-unting umawang nang bahagya ang kaniyang labi at pinagkatitigan ako na parang sinusuri ako kung bakit ganoon ang tingin ko sa kaniya. Nang bigla niya akong pagtaasan ng kilay at irapan ako ay napanganga na ako. Eksaktong green light na at nagsimula nang umandar ang kotse nila. Naramdaman ko na lang na sumusunod na rin kami.

Nang makabawi na ako sa reaksyon ng babaeng iyon ay napahagalpak ako ng tawa. Ibang klase 'yon, a? Damn! Minaldita ako. Akala ko, magiging pareho rin kami ng reaksyon. Damn that girl.

"Kuya, anong nginingisi-ngisi mo d'yan?"

Napatingin ako kay Dwayne na tumigil pala sa paglalaro ng PSP dahil nahuli niys akong humahalakhak.

Ngumisi akong napailing. "Wala, Dwayne. Wala."

Sayang. If only our paths would cross again.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now