Chapter 24

29.7K 524 16
                                    

Chapter 24

Wala Nang


Bahagya akong naging emosyonal sa sarili ko nang mga sumunod na araw sa pagitan namin ng asawa ko. Gradually, I could tell that she really accepts that we are married. That I'm her half. At patunay na ro'n ang pagkusa niya na tumabi sa 'kin nang hindi pilit. Masarap talaga sa pakiramdam na ginagawa niya ito hindi dahil pinilit ko siya o dahil obligado siyang gawin iyon. Kundi dahil gusto niya. Malaki nga talaga ang naitulong no'ng nalaman niya ang tunay na dahilan kung pa'no siya napunta sa 'kin. Hindi ko pinagsisihan ang mga desisyon ko no'n. Maybe I'm a selfish beast, but I love to be like that. And its only for her. Only for my wife.

Akala ko nga, sa simula lang ang pagtatabi namin pero hindi pala. Nagpatuloy pa iyon. And there were no lust involvement. Just pure love and contentment. Kung hindi man siya sa kuwarto ko natutulog ay do'n ako natutulog sa kuwarto niya. Madalas, nag-uusap kami bago matulog. We're talking everything that was happened to us everyday. Katulad kanina, kinuwento niya sa 'kin ang pressure na natanggap niya no'ng nagkaro'n ng internal audit sa kompanya nila. Nahirapan siya dahil bago pa lang ang staff niya sa HR Department at kailangan niyang gawin ang mahirap na responsibilidad nito. Dahil kung pababayaan niya iyon ay findings ang abot niya.

"Sir, sorry, but we won't be able to pass the report within this day." Naputol ang daloy ng isip ko nang marinig kong magsalita si Liezel, one of our production staffs.

Binaling ko ang tingin ko sa kan'ya. "Bakit?" kaswal kong tanong.

Napayuko siya. "H-hindi pa po namin tapos ang inventory, sir. Marami pa po ang kailangang i-check na items kung tama or tally po ba kami sa Sales at Accounting." Dama ko ang pagpapaumanhin sa kan'yang boses. Hiyang-hiya sa 'kin na hindi man lang tumitingin.

"It's alright, Liezel." Bigla niyang iniangat ang kaniyang ulo at natulala sa sinabi ko.

"S-sir?" naguguluhan niyang tanong.

"I said, it's alright. Basta't pakibigay lang sa 'kin iyon after a week," I repeated the first sentence I said. Ngumiti pa 'ko para makumbinsi siya. Iyong kaninang panginginig niya ay nawala na.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. "Thanks, Sir," pasalamat niya. Pagkatapos noon ay umalis na siya. Ilang sandali rin pagkatapos noon ay narinig ko ang yabag ng mga paa ni Dwayne.

"It's new of you to let that pass, huh, Kuya?" ngisi niya. Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakapamulsa.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko at muling ibinalik ang sarili sa pagbabasa ng mga e-mails ko sa laptop.

"Wala. Alam kong ikaw 'yong tipo ng tao na istrikto pagdating sa deadlines." Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"I've heard that Montenegro's Group of Companies wants to buy some stocks from our company," pag-iiba niya ng usapan.

Itinigil ko ang ginagawa ko at hinarap siya. "Yes. I've already read their proposal and I must say that they are trustworthy. Sinabi ko na kay Dad na magse-schedule ako ng meeting sa kanila sa 24."

"Ah," patango-tango niyang sabi. "So, I guess, you shouldn't be shocked when you already face their youngest heir."

"Who? Tristan? Kilala ko ang mga anak ni Sir Teodoro," naguguluhan kong sabi.

Umiling siya. "No. Not Tristan. It's Travis."

Hindi ko na namalayan na nailalaglag ko na pala ang hawak kong ballpen sa kamay ko. Natulala akong napatingin kay Dwayne na hindi pa rin nagbabago ng posisyon n'ya.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now