Chapter 42

32.3K 363 13
                                    

Alia's Note: Remember, we are only on Athena's past. Next chapter pa po ang present day.

----------------

Chapter 42

Totoo o Huwad

Akala ko ay sumuko na talaga siya. Akala ko ay pinanghinaan na siya ng loob, pero sadya nga yatang matatag ang Montecillo na iyon. Hindi ko tuloy malaman kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob para ligawan ako nang ganito. O, ano ang ginawa ko sa kan'ya para mahumaling siya sa akin nang todo. If I were him, I already gave up and find someone else who will appreciate my worth and my efforts. Bakit ako magtitiyaga sa isang tao na ayaw sa akin, hindi ba? But him? He's darn crazy. I really hate his guts. Ano ba'ng nakita niya sa akin at ganito siya ka-lulong sa akin? Na para siyang aso at buntot nang buntot kung nasaan ako?

Noong isang umaga, habang papalabas ako ng bahay ay halos napatalon ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ng pamilyar na lalaking paulit-ulit kong iniiwasan.

"Hi, Athena!" Magiliw niyang bati.

Nanlaki ang mga mata ko at agad-agad na nagpalinga-linga sa paligid kung may makakakita sa amin. Nakahinga ako nang maluwag nang wala pang mga taong dumaraan, mabuti na lang.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Pabulong ngunit may diin kong tanong.

"Ihahatid ka sa school," Kibit-balikat niyang sagot.

Naniningkit ang mga mata ko sa lalaking iyon. "Binasted na nga kita nang maraming beses, nandito ka pa rin? Hindi ka talaga susuko, ano, Danger?"

Mabilis kong sinuri ang postura niya. Maayos at malinis na ang pagkakaayos ng kan'yang buhok. Mas lalo lang tuloy nilantad niyon ang matigas niyang panga. His lips is just so pink that he always seems to sip a candy. Darn this Montecillo. Why does he look so perfect and good in our simple white polo uniform? At ang nakakainis pa, sa kabila ng pag-ayaw ko sa kan'ya ay nagagawa ko pa rin na purihin ang kakisigan niya. Ugh.

Nginisihan niya ako. "I know. That's why I listed the reasons why you hated me so much. Binalikan ko ang mga araw ng pambabasted mo sa 'kin. At sa bawat araw na tinatanong kita kung bakit ayaw mo, nililista ko. Grabe, ngayon ko lang naisip na kada ligaw ko sa 'yo, may pambala ka na agad kung pa'no mo 'ko itataboy," humalakhak siya, "No'ng inisa-isa ko nga ang paglilista, nagkulang pa iyong isang page ng A4 size bond paper ko, e." Tumawa siya, ngunit, basa ko ang kalungkutan sa mga mata niya. It only made me feel upset and guilty at the same time. Damn.

"But that's okay. I can still manage and adjust. Kung may mga bagay na ayaw mo sa 'kin, ngayon pa lang, I can change for you in an instant. I'll adjust for you, Athena. Katulad ngayon. Naisip ko na baka...dahil ayaw mo sa 'kin ay dahil hindi gano'n kaayos ang hitsura ko. So, I make myself more comfortable for you. And the girl you were always mentioning about? Nilayuan ko sila kasi alam kong nagseselos ka---"

"I am not getting jealous about your girls!" Nagulantang ako sa sarili ko sa biglaang pagsigaw ko. Masyado ba 'kong halata? Shit! Nag-init lang talaga ang ulo nang banggitin niyang nagseselos ako. Buwisit na Montecillo! Argh! Hindi ko talaga hahayaan na dumating ang araw na apelyedo niya ang magdadala ng pangalan ko!

Tumaas lalo ang sulok ng labi niya at tiningnan ako nang nakakaloko. Para bang naaaliw siya sa aking mga sinasabi. "O? But you told me before---"

"I just said that I don't like your girls. That's all!" Umirap ako atsaka tumikhim. Buwisit talaga siya. Kumukulo talaga ang kalamnan ko no'ng mga oras na iyon. Hambog din talaga ang lalaking ito, ano?

He flashed his evil smirk. "Okay, sabi mo, e." Nagkibit-balikat siya.

Mas lalo akong nairita dahil sa tono ng pananalita niya ay ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ko. What the hell.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now