Chapter 16

31.9K 463 18
                                    

Chapter 16

Big Deal

Kinabukasan, dumiretso na kami sa St. Luis kung saan nakalibing si Mom. Gano'n na lang ang instruction na binigay ko kay Dwayne kahapon para hindi na masyadong gahol sa oras kung dadaan pa kami sa bahay. Isa pa, pagkatapos naman naming dalawin si Mom ay dadaan din naman kami sa bahay. Nauna na kami nina Athena sa sementeryo. Susunod na lang daw sina Dad mamaya. Naalala kong pinili ni Athena na umupo sa passenger's seat kanina. Gusto ko nga sanang magreklamo, kaya lang, naalala ko na kailangan ko munang bagalan ang lahat. Bagalan.

Nang makababa na kami ni Athena sa Montero ay hinanap namin agad ang lapida ni Mom. Hindi katulad ng iba na tinayuan pa nila ng bahay ang libingan ng mga mahal nila, mas pinili ni Mom ang simple. Iyong tama lang na inilibing siya sa lupa. Mom is a very simple girl just like Athena. Nang makita na namin ni Athena ang mismong lapida ay nilapag na niya ang bouquet sa gilid niyon. Tinitigan ko nang matagal ang nakaukit na pangalan doon.

Fatima Cordero Montecillo

I really love my mom and respect her so much. Kahit na saglit ko lang siyang nakasama ay naramdaman ko ang pagmamahal niya sa amin ni Dwayne. She sacrificed her life for Dwayne. Nalungkot man kami sa pagkawala niya ay pinilit pa rin naming maging matibay kahit na gano'n ang nangyari. Kahit na hindi na nakita pa ni Dwayne, sinisigurado naman namin na mararamdaman niya ang pagmamahal ni Mom sa  kaniya.

"Remember the first time, Athena, no'ng pinilit kitang papuntahin dito?" Nang may naalala ako sa nakaraan ako sa nakaraan namin ni Athena, ngumisi ako.

Hindi man ako makatingin sa kaniya ngayon ay ramdam ko ang paninitig niya sa 'kin. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Oo naman."

Ilang taon na 'ko no'n sa kolehiyo pero wala pa ring katiyakan na mapansin ako ni Athena nang mga panahon na 'yon. Tuwing nakikita n'ya 'ko ay parati siyang umiiwas. Nakakausap ko lang siya nang matino kapag may group presentation kami dahil kagrupo ko siya o kapag may reporting kami. Damn. I'm getting low hopes heres. Kahit na ano'ng gawin kong maging positibo ay natatakot pa rin ako. It's hard to give your love when you know that things are uncertain. It's just unrequited. But hell, it's kinda addicting. To feel that you're there. One more push and you will have her.

Kinabukasan ay tumunog ang alarm ng celphone ko. It's Mom Death Anniversary. Napagdesisyunan kong isama si Athena sa puntod ni Mom.

"Athena!" tawag ko sa kaniya nang mag-uwian na. Laking pasalamat ko at naabutan ko siya sa huli niyang klase. Madalas na lang kasi akong tinatakasan nito. May mga ilang subjects kami ro'n na hindi kami magkakase dahil irregular student ako.

Imbes na tugunin niya 'ko ay tumalikod lang siya at dumiretso sa paglalakad palayo sa 'kin. Piniga na naman ang puso ko. No. Not this time I'll accept your ways. Kahit ito lang na araw na 'to, 'wag 'kong iwasan ngayon. Patakbo akong nilapitan ang likod niya at hinawakan sa braso. Hinablot ko siya paharap sa 'kin.

"What is it this time, Montecillo?" mataray niyang tanong.

Pinungay ko ang mga mata ko. "Come with me this time, Athena, please," I pleaded.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "At bakit?"

Humugot ako ng isang malalim na hininga. "I want you to date me. Please, Athena. Just this day."

Tiningnan niya ako, naiirita. "Ba't ba ang kulit mo? Sinabi ngang ayoko, 'di ba? Ano ba kasing mahirap intindihin do'n, Danger?"

Tinalikuran na naman niya 'ko. Damn! I don't want to say this but I'm fucking desperate! "Today is my Mom's Death Anniversary."

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now