Chapter 8

35K 472 18
                                    

A/N: I changed Athena’s name to Athena Charlotte Baustista.

Chapter 8

Heartbreak 

That fucker, Andrew, is Athena’s childhood friend. N’ong nasa college pa kami ay siya ang nakikita kong lalaki na malapit kay Athena. Noon pa lang ay nakakaramdam na ako ng inggit sa lalaking iyon. Pa’no naman kasi! Masyado siyang malapit sa asawa ko noon pa man. Samantalang ako, ang kaya ko lang gawin ay tanawin siya sa malayo at umasa sa milagro na sana, pakitunguhan din niya ako na kagaya sa lalaking iyon. Mas matindi pa.

Wala siyang kahirap-hirap na mapalapit dito. Ang mas nakakairita pa, nagagawa niya ang mga bagay na pangarap ko magpasanghanggang ngayon. But not to the point that they’ll have physical contact; skin by skin. Subukan niya lang. Baka ngayon ay nilalamay na ang gagong 'yon sa sementeryo. Ako lang ang puwedeng makahawak kay Athena. Ako lang.

Naisip ko noon na mas malaki ang laban niya. Dahil kung tutuusin, mas may pinanghuhugutan ang pagmamahal niya kay Athena dahil sa tagal na nilang magkasama. Pero napagtanto ko rin na hindi iyon ang pamantayan. Sapagkat hindi na iyon ang sukatan. Kundi iyong kung gaano ka katatag na ipakita sa taong mahal mo na siya lang at wala nang iba pa.

Ngayon kami aalis ni Athena upang puntahan ang pamilya niya sa Maravilla sa General Trias. I promised to his Dad that every month, we will visit his family and have a family bonding with them as well. N’ong nasa kotse na kami, hindi man ipakita ni Athena ay ramdam ko ang sabik niyang makita ang pamilya niya.

Hindi ako natatakot na may masabi si Athena ukol sa mga ginagawa ko sa kaniya. Dahil sinasabi ko iyon kay Dad. Lahat ng mga nangyayari sa 'min ni Athena ay alam niya dahil wala akong balak na ilihim sa kaniya ang nangyayari sa amin. Hindi magawang magalit sa akin ni Dad dahil hanggang ngayon ay sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit naging gan’on ang buhay ng kaniyang nag-iisang anak.

Mga ilang oras din ang aming biniyahe nang marating namin ang bahay ng mga Bautista. Modern style ang anyo ng kanilang bahay at naglalaro ang pintura ng puti at itim sa paligid nito. Simple lang ang paga-arkitektura ng bahay nila kung tutuusin, pero masarap tingnan sa mga mata ko ang ganitong uri ng disenyo.

“Si Mama?” bungad na tanong ni Athena nang makapasok na kami sa loob. Sumalubong sa amin ang isang babaeng mataba na halos puputok na ang suot niyang maid’s dress. Halata na ang mga puti niyang buhok na nakapuyod at gaya ng madalas kong napapansin, suot niya lagi sa kaniyang labi ang ngiti ng isang mapag-alagang ina.

“Naku, Ma’am, mamaya pa po ang balik ni Ma’am mula po sa school,” ani Aleng Leny.

Inakbayan ko si Athena nang walang pasabi. Nanigas siya sa ginawa ko, ngunit hindi siya nag-sikmat. Dito lang talaga sa bahay na 'to nagagawa kong maging intimate kahit papa’no kay Athena dahil ang akala niya, kailangang maipakita namin sa mga magulang namin na maayos kami kunwari dahil kung hindi ay may gagawin ako. Iyon kasi ang pinalabas ko sa kaniya kaya tumitiklop ngayon ang katarayan niya.

“Nanang Leny, pahanda na lang po muna ng makakain. Matutulog muna po si Athena. Hapon na rin po kasi kami nakarating. Ano po ba’ng ulam?” singit ko.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now