Chapter 12

32.1K 506 17
                                    

Chapter 12

Try

Warning: Medyo SPG

Nilagok ko ang JD na iniinom ko habang tinatanw mula sa kinauupuan ko ang mga tao na naghe-headbang at nakikisabay sa kanta ng isang kilalang banda. I like the song that they chose. Hndi gan’on kabigat at hindi gan’on kadrama. Napapikit tuloy ako nang magaan habang pinapakinggan nang mabuti ang kanta. Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga.

Ngayon ko lang napagtanto na dapat, mas ninamnam ko nang maigi ang kabataan ko. All my life, Athena was my center and my air. Hindi ako noon naging palasama masyado sa mga kabarkada ko na sina Will, Russ, at Eros.  Kontento na 'ko noon na sa school lang kami nagkikita. Madalas ko silang tinatanggihan dahil ang gusto ko ay maging maganda ang imahe ko kay Athena. Lalo na’t alam ko kung ga’no kasama ang tingin niya sa mga ito.

Pero ngayon, nakakaramdam na 'ko ng panghihinayang. I never thought that I wasted my life being a single that I didn’t enjoy being one. Lalo pa’t ang taong buhay na minahal ko, walang ginawa kundi ang saktan ako. Kung sinabi ko kaya sa kaniya ang totoo, mamahalin na kaya niya ako? Magiging maayos na kaya ang relasyon namin bilang mag-asawa? Pinilig ko na lang ang ulo ko at umiiling nang marin. Fuck it. Mukhang napaparami na ang iniinom kong JD, ah?

“Dude, why are you alone?”

Napatingin akong bigla sa nagsalita. It’s Will. Umupo  siya sa katabi kong stool na hindi pa naookupahan. Nilapag ko sa semetadong lamesa ang baso kong wala ng laman. “Jes is not here,” kibit-balikat kong tugon.

Nakita ko agad ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa labi niya hanggang sa ngumisi siya. “Wow! Ayos ang kamandag ni Jes, huh? Nagawa na ba niyang palitan si Athena d’yan sa humaling pero durog mong puso kay Athena?”

Sinapak ko agad ang braso niya habang siya ay humahalakhak. ”Shut up, dude!”

Natigil lang ang tawanan naming nang maaninag ko ang pamilyar na babaeng nasa gilid ko. Unang-una ko talagang napapansin sa kaniya ang maalon niyang buhok. It’s so refreshing when I always see her beautiful face. Maganda ang pagkakakura ng kaniyang kilay. Pansin ko ang laugh lines sa gilid ng kaniyang mga mata at ang pangngiti niya nang malambing.

“Hi, guys! Sorry kung natagalan ako,” bungad sa amin ni Jes na nakahawak pa sa pulang sling bag niya na kakulay rin ng kaniyang dress na above knee.

Ngumisi si Will at tiningnan si Jes nang mapanuya. “You should come early next time, Jes. Danger Fucking Montecillo misses you,” halakhak niya.

Fuckshit! Pinukulan ko ng masamang tingin ang walanghiya na si Will na hindi rin naman tumitigil sa paghalakhak, saka umalis nang hindi nagpapaalam. Tsk. Nasulyapan  ko naman si Jes na ngayon ay mas lumapad pa ang ngiti.

“Oh, how sweet of you, Danger,” malambing niyang ani. Hindi pa 'ko nakakahuma sa sinabi ni Wil ay nabigla ako nang halikan ako agad ni Jes nang mabilis sa labi.

Natulala lang ako na nakaparte ang labi. I didn’t see that coming. Sanay na 'kong ganito si Jes sa 'kin. Kaya lang, naasiwa ako sa loob-loob ko and I don’t fucking know why.

“You’re as fast as always, Jes,” nasabi ko na lang nang makabawi na 'ko sa pagkawala sa sarili.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now