Chapter 43

33.1K 507 40
                                    


Alia's Note: So, this narration forward will be the present days.

PS. Please, don't be confused.

--------------

Chapter 43

He's Not

Simula noong naging mag-asawa kami ay nilayo ko ang sarili ko sa kaniya. I tried to be cold at him. But everytime I'll do that, I am pained because of his sufferings and his sorrows. Hindi rin kaila sa akin ang masidhi niyang pagseselos kay Andrew. Dama ko ang galit niya para sa kaibigan ko, na nagiging sanhi ng madalas naming pag-aaway. He was very frustrated with our marriage dahil sa pagmamatigas ko. But because I am only mad at him. And besides, I couldn't believe his treatment on me. I could remember our first night. When we did sex, I heard him sobbing quietly as he got me. Panay ang sigaw ko noon na sana ay mawala siya sa buhay ko, taliwas sa kung ano talaga'ng nararamdaman ko. Maybe, my angry self spoke for me kahit na ayaw ko. Habang naaalala ko ang mga nangyari sa nakaraan ay nalulusaw lalo ang pagmamahal ko sa kaniya. Na napapalitan iyon ng poot sa puso ko.

Akala ko lang. Pero noong sinabi niyang sumusuko na siya at gusto na niyang bumitaw ay gumuho ang mga matatayog na pader na itinayo ko sa pagitan naming dalawa. I should be mad at him. I shouldn't believe with his words. I must be happy because finally, he wants to end our marriage before. Pero, ba't sa isang iglap ay naiba nito ang takbo ng nararamdaman ko? Pinag-isipan ko naman ang mga nangyari. Hindi dapat na ganito ang reaksyon niya dahil alam kong naglalaro lamang siya sa aming dalawa. Pero, kung gano'n nga, ba't niya pa ito pinatagal? Ba't pa siya nagtitiis sa akin? Sa lahat ng masasakit kong salita? Bakit nagiging matatag pa rin siya sa kabila ng lahat ng pinapakita ko sa kaniya?

Paulit-ulit ko mang sabihin sa sarili ko na hindi ko dapat paniwalaan ang taong gaya niya na mapaglaro, sa huli ay hindi rin ako nagtagumpay. Hinabol ko pa rin siya at humingi ng isang pagkakataon. Kahit na pinupuno ng muhi ang puso ko, unti-unti rin iyong nawawala at napapalitan iyon ng pagmamahal ko sa kan'ya. Para akong baso na sinalinan ng malinis at purong tubig matapos ibuhos ang maruming tubig. I told myself that I shouldn't be affected ngunit saan pa rin ako bumagsak? Sa kan'ya pa rin.

I want to give ourselves a second chance. Ito na lang ang kaya kong ibigay. Marami mang dumaang bagyo sa aming dalawa ay hindi ako magsasawang ibigay iyon sa kaniya. Because, he deserves it.

"Nandito na tayo, Miss," anang driver na tumingin sa rear mirror. Inihimpil niya ang kaniyang sasakyan sa may tabi.

I know. We are here now. Noong iginala ko ang aking mga mata ay naramdaman kong nangangatog ang mga tuhod ko. .

"Miss!" muling tawag niya at napakurap ako. Napangiwi tuloy ako. Nasobrahan yata ako ng pagkalutang. Ito ring si Manong, hindi makapag-antay.

Nagbayad ako ng mas malaki na halaga sa inaasahan ng pobreng driver. Pinilit man niyang ibalik ang sobrang halaga ay hindi ko na iyon tinanggap pa. Nang bumaba na ako ay tumambad sa akin ang malaking itim na gate ng bahay. Memories flashed in an instant as I stared at it. Sumisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko iyon. Wala pa ako sa loob, pero puno na ng maraming emosyon ang puso ko. Lumapit ako roon at kinuha ang kandado sa loob. Dinukot ko ang spare key na mayroon ako sa loob ng bag. I unlocked the padlock and after that, I gently pushed the gate.

Nang pumasok na ako tuluyan sa munti naming mansyon ay nagsipatakan na ang mga luha na sobrang kinimkim ko sa mahabang panahon. Hinayaan ko lang iyong lumandas hanggang sa dumating ako sa kuwarto naming dalawa. Dahan-dahan akong gumapang sa ibabaw ng kama. Kinuyom ko nang mariin ang bedsheet habang ang isa kong kamay ay hawak ang dibdib ko. I could feel the severe sting in my palms that it spread in my entire body. Most especially in my heart.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now