Chapter 13

33.7K 528 65
                                    

A/N: Late man po ang announcement, Merry Christmas, guys!

Chapter 13

Annulment

Magulo man ay sinimulan ko na ang pag-iwas at paglayo kay Jes nang palihim kahit na maayos kami nang makita kami ni Athena. Natatakot na 'ko sa katotohanan na umaasa na si Jes para sa aming dalawa. Na naghahangad na siya ngayon na magiging kami balang araw. Alam kong sa sarili ko na kahit kailan, hindi niya malalamangan si Athena sa 'kin. Kaya hangga't maaga pa, mabuti nang itigil ko na ang sinimulan ko. Ang gago lang ng desisyon ko dahil pinaasa ko siya at binigyan ng pagkakataon na mahulog sa 'kin pagkatapos ay iiwanan ko siya sa ere. Ngunit mas maigi na iyong ganito. Kaysa naman ay masaktan siya kapag nalaman niya ang totoo. Ayokong malaman niya na ginamit ko siya para masubukan kong kalimutan si Athena. I tried to love her, but it still, nothing happened. I cared for Jes now so why I'm doing this.

Pero iyong tungkol sa annulment, tuloy na tuloy na talaga iyon. I talked already to Atty. Cordero, my uncle and one of our legal attorneys. Nang malaman niya na ipapawalang bisa ko na ang kasal namin ni Athena, halatang nagulat siya. Kinasal kami ni Athena sa Huwes at kaibigan pa ni Atty. Cordero ang judge na nagkasal sa 'min. Maraming beses niya ako tinanong kung bakit, ang sinabi ko na lang ay hindi ko na kaya. After we have a long talk, pinaliwanag na niya sa 'kin ang proseso ng annulment.

Pagkadating ko sa condo, ni-review ko nang mabuti ang mga tinalakay niya sa 'kin kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng mga papel na nakalatag sa lamesitang salamin. Binasa ko nang maigi ang mga nakalagay. Kailangan ko tuloy gumawa ng marital history naming dalawa. Hindi iyon gano'ng kadali sa 'kin dahil ang ibig sabihin no'n, kailangan kong balikan ang masasakit na bagay na nangyari sa 'ming dalawa. Kung hahanapin ko ang pinakamasakit, iyon na yata ang kasal namin. 

Pinili kong sa huwes kami ikasal ni Athena. Gusto ko sana sa simabahan, kaya lang, alam kong kabastusan sa nakakataas kung papakasalan ko siya na hindi niya ako mahal. I promised to myself that I'll marry her when  the time comes that she already in love with me. Kaso, malabo na dahil sismulan ko na ang petition ng annulment. Maliwanag pa sa alaala ko kung pa'no siya umiyak habang nakatingin sa 'kin at sinabi ang mga vow namin. Durug na durog ako noon dahil hindi ko kayang umiiyak siya nang gan'on. Puno ng galit ang mga mata niyang tinitingnan ako, na kulang na ay sabihin na niyang mamatay na 'ko. Noong nagtanungan na ng 'I do's', kinabahan ako nang labis dahil ang tagal sumagot ni Athena. Pero sa huli, nakahinga ako nang maluwag nang tumugon din siya ng 'I do'. But her eyes that were staring at me were full of rage. Dama ko ang pagsumpa niya sa 'kin.

Mahaba at matagal ang proseso ng annulment. Lahat ng baho naming mag-asawa ay alam kong malalantad sa lahat, pero kung ito man ang paraan para maibigay ko kay Athena ang hinihingi niya, kahit na masakit, gagawin ko. Dinukot ko na sa bulsa ang android phone ko at dinial ang number niya. D-ine-lete ko na sa speed dial ko ang number ni Athena, pero, kabisado ko pa rin ang number na ginagamit niya.

Matapos ng ilang ring, sumagot na siya sa tawag ko, "H-hello?" parang nauutal siya sa kabilang linya.

"Are you busy tomorrow?" I asked coldly.

"H-hindi naman. B-bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"Let's talk about the thing you've been waiting about me, Athena. Petition of our Annulment," mas malamig kong ani.

Hinintay ko ang pagsagot niya sa kabilang linya. Pero nakakatatlong minuto na yata ay hindi pa rin siya sumasagot. 

"Athena," I called her name again.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now