Chapter 14

34.3K 550 8
                                    

A/N: Advance Happy New Year! Yebba!

---------------------------------------

Chapter 14

Why

Nagising ako sa mumunting sinag ng araw na galing sa blinds ng bintana ko. Isang ngiti ang unti-unting kumalat sa mukha ko. Finally! I’m here in my house again! Kakalipat lang ulit ng mga gamit ko mula sa condo ko no’ng isang araw. Maging si Athena ay ganoon din. Tumira kasi siya sa condo niya nang umalis ako.

Binuhat ko na ang sarili ko at bumangon. Sinuot ko ang alfombra na nasa ilalim ng kama at pumnta na sa banyo para makapag-ayos. Pagkatapos ay pumunta na ako sa tapat ng kuwarto ko --- kay Athena na kuwarto. Hindi pa rin kami magkatabi sa iisang kuwarto magpasahanggang ngayon. Ayokong makaramdam siya ng pagkaasiwa dahil mabilis ang takbo ng pagbabago sa buhay naming dalawa. I don’t want to rush things because this is my last chance. I want to take things slow.

Pinihit ko ang doorknob nang dahan-dahan. Maybe she’s asleep, so, I should not create any noise. Pero, pagbukas ko ng pinto nang tuluyan, natulala ako at pakiramdam ko, naubos ang lahat ng dugo na mayro’n ako. Wala na siya roon. Napakalinis ng kuwarto niya na para bang hindi nagamit. Pinakinggan ko ang buong kuwarto at wala man lang akong naririnig na kahit na anong ragasa ng tubig. Napamura ako nang malutong sa isip ko. Athena left me? She did leave me? Shit!

Nangangatog ang tuhod kong nilisan ang kuwarto niya at patakbong bumaba sa salas. Nararamdaman ko ang pagkalat ng kirot sa buong sistema ko. Magkahalong kaba at takot ang namayani sa 'kin. Fuck! Akala ko ba, ayos na kami? Ba’t bigla-bigla, iniwan niya ako? Pinaglalaruan niya ba ako? Ito na ba iyong paghihiganti na tinutukoy ni Dwayne? Shit! Ba’t ang bilis?! Akala ko ba, bibigyan niya 'ko ng tsansa na patunayan kung gaano ko siya kamahal?

Habang panay ang pag-ulap ng mga nakakatakot na tanong sa isip ko ay panay rin ang paglinga ko sa buong bahay. Hindi ko na alam kung pa’no ko babaligtarin ang buong bahay, matagpuan lang siya. Habang patagal nang patagal ang paghahanap ko ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Dammit, Athena!

Natogol lang lang pagkaligalig ko nang marinig ko ang kalinsing at ingay sa may bandang kusina. Naaamoy ko ang aroma ng bawang at sibuyas, tingin ko. Nangunot ang noo ko. Sino’ng nasa kusina?

Nasagot lang ang tanong ko nang makita ko kung sino. Si Athena, abala sa pagluluto. Naka-bun ang buhok niya at naka-apron. Tutok ang kaniyang mga mata sa kawali at patuloy sa pagsangag ng kanin. Hinabol ko  ang hininga ko dala ng pagtakbo. Iyong kirot ng puso ko, mabilis na napawi at napalitan iyon ng pagtataka sa nakikita ko. Athena is cooking? For real?

Napabalik lang ako sa huwisyo nang napansin kong nakatingin na pala sa 'kin si Athena. Ang mukha niya talaga sa umaga ang siyang nagpapatunaw ng buong sistema ko.

“Gising ka na pala,” aniya, tinigil saglit ang ginagawa. “Umupo ka na ro’n.” tinuro niya sa 'kin ang lamesa. “Tapusin ko lang itong sinangag.”

Wala sa sarili akong napaupo roon sa yari sa kahoy na upuan, tulala pa rin sa nangyari. Hanggang sa natawa na lang ako. Hanggang sa natawa na lang ako nang palihim. 'Langya! Akala ko talaga, nawala na ang asawa ko, nagluluto lang pala. Napailing-iling na lang ako.

Bumagsak ang tingin ko sa lamesa. Nakapagluto na siya ng apat na itlog at isang kamay ng dilis. Kung gano’n, pinatotoo na pala niya ang sinabi niyang gagawin na niya ang responsibilidad niya bilang asawa ko. I never expected this. Sana lang ay bukal 'to sa kaniyang loob at hindi siya napipilitan. But no matter what, I will appreciate anything that is coming from her. I am surprised. Napapangiti tuloy ako.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें