Chapter 9

32.8K 456 21
                                    

A/N: Sorry po kung now lang nakapag-update. Hehe.

Chapter 9

Enemy

 

Dalawang oras din ang hinintay namin bago dumating sina Mom at Dad (Athena’s side). Dahil hapunan na nang dumating sila, kumain na rin kami. Magkaharapan kami ng upo sa mahaba at makintab na lamesa nila na yari sa narra. Katabi ko si Athena na tahimik lang din kagaya ng mga magulang niya. Tuwing pumupunta ako rito, ganito ang madalas na senaryo sa bahay nila Athena. Ayaw sa akin ng Mom ni Athena. She, too, blames me and Athena’s dad why Athena’s life became like this. Nang malaman ng Mom ni Athena na ikinasal kami, siya ang isa sa mga tao na umalma nang labis sa nangyari. She hated me so much, 'til now. Kaya lang, nang sabihin ni Dad ang tunay na rason ay wala na siyang nagawa.

Hindi kaila sa kanila na hindi kami maayos ni Athena. They were expecting that. Kaya, kahit na magpanggap kami na walang nangyayari sa amin na hindi maganda ay hindi rin nito natatakpan ang katotohanan na hindi maayos ang pagsasama naming mag-asawa.

“Danger, how’s your business?”

Napalingon ako kay Dad na tingin ko ay napansin niya ang tagal ng pananahimik namin sa hapag-kainan. Napansin ko noon pa man na mas nakuha ni Athena ang features niya kay Mom. Brown expressive eyes and light brown hair. Parehas din silang matapang at masungit.

Tinuon ko ang tingin kay Dad. “It’s okay, Dad,” nakangiti kong sabi, saka matikas na nilapag ang kutsara at tinidor sa magkabilang gilid ng aking plato. “Our business always reached the target sales. Dad wants to expand it more both local and international. Hopefully, we only not meet the targets but exceeds it,” I answered.

Tumango-tango si Dad at nginitian niya ako nang malamlam. “Domingo Juan really raised you into a better man, son.”

Tipid na lang akong ngumiti at hindi nagkomento. I know that Athena’s Dad is still in frustration when it comes to their business. Kahit na nakaahon na sila, alam n’yang hindi pa rin siya patatahamikin ng dahilan kung pa’no iyon nangyari.

“Kailan n’yo balak na magkaanak, Danger?”

Natulala ako at napatitig sa sumunod na tanong ni Dad. Hindi ko iyon inaasahan.

Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. “We’re not getting any younger, mga anak. Of course, we want to have an apo or apo’s from you,” dagdag pa niya.

Nanuyo ang labi ko. I don’t know what to say. Panakaw kong binalingan si Athena na talagang natigil sa pagkain. Nanlaki ang mga mata niya, halatang nagulat din sa tanong ni Dad. Kung tutuusin, dapat ay buntis na si Athena lalo na’t dahil may isang beses na nagalaw ko siya at may nangyari sa amin na fertile siya. But I don’t want to abuse her and our angel. Madalas kong w-ini-withdraw ang akin kapag nasa peak na 'ko. Ngunit mas madalas na hindi ko rin iyon nararamdaman dahil alam kong hindi tumutugon si Athena. Gusto ko na kapag dumating na anghel na iyon sa buhay namin  ni Athena ay bubungad sa kaniya ang mapagmahal na pamilya. Hindi iyong sitwasyon namin ngayon.

Tumikhim ako at inisip ang isasagot kay Dad. Pero, hindi pa 'ko nakakasagot ay bigla nang sumingit si Athena.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now