Chapter 40

31.5K 508 49
                                    

Chapter 40
Pirmado

Alia's Note: Gulat kayo at may update, ano? Haha! I told you, mabilis na ang update ngayon. Hokage. Haha!

Like what I've said on my last post, this chapter forward will be for Athena's point of view. Babalik naman po si Danger. Pero, saka pa. So, let us wait for their road to forever. Kung sila ang end game. Haha!
------------

Tumayo na ako noong nagsalita ang piloto ng eroplanong sinasakyan ko at inanunsyo kung nasaan na kami. Nang nasa bukana na ako no'n at tanaw na ang port area ng Ninoy International Airport, hindi ko mapigilang huminga nang malalim at matamlay na napangiti. Nasa Pilipinas na rin ako, sa wakas. After almost four years.

Bumaba na ako, pero ang bigat ng mga paa ko sa bawat pagyapak ko sa kalsada. Marami rin akong nakasabayang mga Pilipino at 'di kagaya ko, masayang masaya sila. Puro OFW sila, sa tingin ko. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inggit lalo na ng may nakita akong isang kumpol ng magkakamag-anak na nagyayakapan habang nakatayo na ako sa exit point patungo sa labas. Sa pag-oobserba ko, tingin ko, iyong lalaki ay kakauwi lang galing ibang bansa. Yakap na yakap niya ang kan'yang asawa. Parehas na bumubuhos ang kanilang mga luha habang matamang nagtitinginan sa isa't-isa. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Napaiwas ako ng tingin. Dammit, ang aga ko namang masaktan.

Lumayo na ako dahil baka lumabas pa na bitter ako. Pumara ako ng isang taxi. Habang bumibiyahe na sa kahabaan ng Coastal ay tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.

"Athena," baritonong boses ang sumalubong sa 'kin.

"Dad, kumusta po?" Tanong ko sa kabilang linya. Bumagsak ang tingin ko sa rear mirror. Diretso lang ang tingin ng driver sa kalsada.

"Ayos lang. Sabi ko naman sa 'yo na susunduin ka na namin d'yan sa airport, 'di ba?" Tunog pagtatampo niyang sabi. "Nasa'n ka na?"

"Sa coastal, Dad. 'Di ba po, I told you, too, that I can handle myself? Do'n pa nga lang na nag-iimpake ako ng gamit sa Amerika, panay na ang palatak n'yo sa 'kin, e," pabiro kong sabi.

Rinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Saan ang diretso mo, iha?"

"May kikitain lang po akong kaibigan, Dad. Then, sa Gen. Tri na po ang sunod."

"Okay." Akala ko ay doon na natapos ang pag-uusap namin at puputulin na ni Dad ang tawag, ngunit, nagulat ako nang muli siyang magsalita.

"Athena, whatever the results of these, always remember that I'm here for you."

Napahawak ako sa dibdib ko. Sumulyap ako sa mga gintong bintana ng Hyatt Hotel. I'm getting emotional yet nothing happens still. Damn it.

"Thank you, Dad," sambit ko. Tinapos ko na ang tawag sa pagsabi ni I love you sa kan'ya.

Hindi pa ako nakakabawi sa nararamdaman ko ay muling tumunog ang cellphone ko. This time, Viber naman ang lumitaw sa screen ng phone ko.

"Hello..." tumikhim ako noong naging garalgal ang boses ko.

"A-THEE-NA!"

Nilayo ko agad ang cellphone ko sa tainga dahil sa sobrang hyper ng nagsalita. Napailing ako. Simula noong nag-uusap kami, parati akong nagugulat sa ganito niyang kilos. Hindi talaga ako sanay.

"Huy! Ba't hindi ka nagsasalita d'yan?" Pagtataka niya, bumubungisngis sa kabilang linya.

"W-wala naman." Kiming sabi ko.

"Haist! Ito naman, parang lantang gulay kung magsalita. Nasa'n ka ba?"

"Along Baclaran Church Road-"

"Wait a second? Are you in the fucking Philippines now?" Laking gulat niyang tanong.

Gustuhin ko mang ngumiwi noong magmura siya ay ngumisi tuloy ako. "Oo."

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Where stories live. Discover now