Prologue: Virus Z

24K 728 125
                                    

Prologue: Virus Z

Isang gamot ang nilikha, upang makatulong sa lahat ng biktima ng karamdaman.

Ngunit ang nasabing gamot ay s'yang magiging dahilan ng panibagong karamdaman.

Ito ay siyang magiging dahilan ng paggulo ng mundo.

Isang gamot na may mabuting hangarin ang siyang kakalat bilang delubyo.

Virus Z

Ang nasabing gamot ay kakalat hindi lamang sa iisang barangay.

Hindi lamang sa iisang bayan.

Hindi lang sa iisang lupain.

Kung gaano kabilis ang pagiging moderno ng ating henerasyon, ganito rin kabilis ang pagkalat.

Sa iisang pulo, patungo sa iisang kontinente.

Nakakatawa man isipin, pero maaaring mangyari.

Patungo sa kalahati ng daigdig.

Ang siyang kurap matang magiging posible.

Kalahati ng mundo, ang unti-unting magbabago.

Hanggang sa mag-iisa nalang na lupain ang siyang huling hahangarin.

Pilipinas.

---

Sampung kabataan.

"Sshhh, 'wag kang maingay. Maririnig ka nila."

Sama-samang hahanap ng solusyon.

"Hindi ko po sinasadya. Patawarin n'yo ako. Patawarin n'yo po ako."

Iba't-iba ang pinanggalingan at istorya.

"So you think na makakauwi pa tayo? Huh! Mabubulok nalang tayo rito for sure!"

Kaniya-kaniyang pananaw, katangian at kagalingan.

"Kaya ko 'to."

Kaniya-kaniyang pampalakas loob para makapagpatuloy.

"Ano bang nangyayari?! Hindi ko na maintindihan!"

Kalituhang unti-unting lilinawin sa paglaon.

"Ayos. May buhay pa pala."

Hanggang sa huling minuto ay magbibigay ng panahon para makita ang ganda ng pagkatao.

"Malalampasan natin 'to."

Magiging iisa't magkakaibigan, magkakaibigang magbibigay ng lakas para sa isa't isa.

"Sana magpatuloy ka para sa'min, para sa mga kaibigan mo."

Magbibigay ng rason para magpatuloy.

"Katangahan nalang itong ginagawa natin! Dahil alam naman natin, na wala itong pupuntahan!"

At kung minsan magmumulat sa reyalidad sa likod ng pantasya.

"Sorry, pero hindi ako pwedeng maging infected. Masyado akong gwapo para maging zombie."

At isang kaibigang magpapagaan sa bawat eksena.

---

Ikaw? Kakayanin mo kayang makaligtas, hanggang dulo?

O, mapapabilang sa mga maapektuhan?

Ito na ang huling segundo ng pagiging tao. 

---

Warning: May mga typo at wrong grammars na mababasa. Ine-eedit ko pa ito. Salamat sa pag-intindi.
-L.Y.

Votes and comments are highly appreciated. (:

Virus ZWhere stories live. Discover now